CHAPTER 3

21 5 0
                                    

JILLIAN POV.

Maaga ako gumising at nagayos sa sarili. Bumaba ako sa kusina at nagtimpla ng kape. Sakto namang kabababa lang ni Sir Jaero.

Hi Sir, Coffee po? Tanong ko.

Hmmm, yes yes. Timpalahan mo na din si Kuya tapos hatid mo sa taas. Magluto kana din ng pangbreakfast niya. Aniya. Tumango ako ay nagsimulang kumilos.

Nang matapos kong timplahan ng kape si Sir Jaero ay nagluto naman ako ng pagkain para sa kanilang dalawa. Pagtapos kong magluto ay inihain ko ito sa harap ni Sir Jaero.

Hmmm, it looks delicious. Let me taste it first. Ani Sir Jaero.

Kinuha niya ang kutsara at kumuha ng pagkain na inihain ko, nang masubo niya ito ay napapikit pa siya. Napangiti tuloy ako.

Grabe, saan ka natutong magluto? Ang sarap neto, Ms. Jillian. Puri niya ulit.

Uhmm, kay Nanay po Sir Jaero. Sagot ko. Tumango ito.

Well, mas masarap kapang magluto kaysa mga katulong namin noon. I really like this, it's delicious. Tama kana Sir Jaero.

Ngumiti ako. Sige po Sir, uhmm akyat ko lang ito kay Sir Kairean. Paalam ko at kinuha ang tray na may laman na pagkain.

Nang makaayat at makarating ako sa pintuan ay tinaas ko ang aking kanan na paa para ipatong doon ang tray, pakatapos ay kumatok ako.

Goodmorning, Sir Kairean, si Jillian po ito. Sambit ko.

Come in. Sagot ng nasa loob.

Pinihit ko muna ang door knob tsaka pumasok, ang gulo naman ng kwarto niya.

Sir ito na po ang pagkain niyo. Sambit ko at inilapag ito sa kaniyang table.

Thanks, you can leave now. Pagkasabi niya non ay biglang lumabas sa cr niya ang isang babae. Siya ata yung babaeng kasama niya na napagkamalan kong gf niya. Halatang kaliligo lamang nito. Lumabas ako ng kaniyang kwarto at bumaba. Pagbaba ko naman ay naroon pa din si Sir Jaero. Nakatingin sa phone niya. Bigla ko namang naalala si Nanay, kamusta na kaya sila ni Missy? Di ko man lang siya natawagan kagabi, nalimutan ko kasi.

Sir Jaero, girlfriend po ba ni Sir Kairean yun kasama niya sa kwarto niya? Tanong ko.

Huh? Girlfriend? Wala siyang girlfriend. Sagot nito pero nanatiling nasa phone pa din ang tingin.

Hindi girlfriend pero nasa iisang kwarto lang sila?

Gan'on po ba? Kasi po kasama niya sa kwarto. Aniko.

Baka ka-one night stand niya. Sagot nito.

Sir ano po ba yung one night stand? Hindi ko po kasi alam yun. Tanong ko.

Talaga? Hmm, inosente ka pala haha. Wag mo nang alamin. Aniya pero ang tingin niya ay nasaakin na.

Okay po, sige po kunin ko lang pinagkainan niyo tapos po hugasan ko lang. Aniko at kinuha ang pinagkainan niya.

Dinala ko ito sa kusina at hinugasan. Maya maya pa ay may naramdaman akong tao sa likod ko kaya napalikod ako. Nagulat ako nang makita ko si Renzo.

I-Ikaw pala Renzo, anong ginagawa mo dito? Tanong ko.

Kukuha lang ako ng inumin. Sagot nito at binuksan ang ref, kumuha ito ng tubig.

Agad kong tinapos ang aking hugasan at lumabas ng kusina. Paglabas ko ay nakasalubong ko si Sir Kairean at yung babaeng kasama niya. Maganda naman talaga ito maging ang katawan niya, di katulad ko, sexy ako pero hindi tulad ng babaeng nasa harap ko. Teka bakit ko ba pinagkukumpara ang sarili ko sa kaniya? Di hamak na mas maganda naman ako sa kaniya. Ngumiti na lamang ako.

MAFIA SERIES 1 : KAIREAN AZULANWhere stories live. Discover now