CHAPTER 10

14 0 0
                                    

JILLIAN P.O.V

Time passed, mas lalo kaming nagiging close ni Sir Jaero. Si Sir Kairean naman hindi ko maiwasang mailang dahil lagi siyang nakatitig sakin na kahit saan ako nagpunta parang binabantayan ako. Lalo na't may bago nanaman silang bodyguard, Kevin ang pangalan. Sa una kinakabahan ako syempre, pero since makikita ko naman sa mukha at kilos niya na mabait siya, hindi na ako natatakot ulit. Madalas kaming magusap ni Sir Jaero pero lagi niyang binabanggit si Yhaine. Hindi naman sa lagi, may mga tanong lang siya na weird, like, ano daw favorite color niya? ano daw fav dish niya? Wala lang, weird lang para sakin.

Jillian? Tawag sakin ng kung sino sa likod ko. Nang lingunin ko iyon, si Kevin pala. Ang cute niya talaga.

Oh bakit, Kevin? Nahatid mo na si Sir Kairean at Sir Jaero? Tanong ko sa kaniya. Tumango naman ito. Bakit naman kaya niya ako tinawag?

Bakit nga pala, Kevin? Tanong ko ulit.

Namumula itong tumingin sakin at yumuko. Sa inaasta niyang pinaglalaruan ang daliri niya, hindi kaya may nagugustuhan toh? Wag naman sanang ako, jusko po.

M-May nagugustuhan k-kasi akong babae... H-Hindi ko alam gagawin k-ko. Sambit niya. Confirmed.

Anong maitutulong ko? Taas kilay kong tanong.

Pwede mo ba akong tulungan? Sambit niya. Tulungan? So it means hindi ako ang gusto niya? Salamat naman.

Oo, pero di ko naman kilala kung sino yung natitipuhan mong babae. Kilala ko ba? Ani ko.

Maya't maya ay biglang dumating si Rheina.

Hi Jillian! Oh Kevin? Nandito ka rin pala. Ani Rheina.

Tinignan ko si Kevin at halos maging kamatis na ang mukha nito sa sobrang pula. Ngayon alam ko na kung sinong gusto niya. Well, hindi nako magtataka kung bakit naging gusto niya si Rheina. Bukod sa pagiging maganda, masipag at mabait pa. Hayst.

Tapos ko na yung garden, Jillian. Nasaan si Yhaine? Tanong niya.

Speaking of that girl, nasaan na kaya yun? Wala nanaman siya dito, konti nalang talaga baka mapalayas siya dito.

Nasa bakuran ata, nakita ko siya don kanina. Ani Kevin. Bakuran? Anong ginagawa niya doon?

Puntahan ko lang siya. Rheina, Kevin kayo muna bahala dito. Sambit ko at umalis.

Nang makarating ako sa bakuran, naroon nga si Yhaine may kausap siya sa phone niya. Sino naman kaya yun? Mukhang kilig na kilig pa ang gaga.

Paano kung malaman nila? Bulong ni Yhaine.

Sinong makakaalam? Ano ang malalaman? Bigla kong tanong at nagulat si Yhainem Agad niyang binaba ang phone niya.

J-Jillian... N-Nandiyan ka p-pala. Kanina k-kapa ba diyan? Tanong niya.

Hindi, ngayon ngayon lang. Sino yung kausap mo? Tanong ko. Curious talaga ako. Hindi niya pa sinasabi kung sino yung boyfriend niya.

Boyfriend ko, uhmm, wag mo nang tanungin, masasabi ko rin sainyo. Di ko pa siya handang ipakilala. Aniya at umalis. Pero bago pa siya makaalis kinuha ko ang kamay niya at nakitang meron siyang hawak na kung ano.

Kinuha ko ito at pregnancy test ito. Tinignan ko kaya nagulat ako nang makitang dalawang guhit ang nasa pregnancy test. Buntis si Yhaine!?

Anong ibig sabihin nito, Yhaine!? Buntis ka!? Sigaw kong tanong.

Halatang takot na takot ito at hinablot sakin yung pregnancy test at tinapon sa basurahan.

H-Hindi akin y-yan... N-Nakita k-ko l-lang yan d-dyan—

MAFIA SERIES 1 : KAIREAN AZULANWhere stories live. Discover now