JILLIAN POV.
GUMISING ako ng namamanhid ang aking magkabilang pisngi. Siguro dahilan ito ng pagkakasampal sa'kin ni Renzo. Paggising ko ay bungad sa'kin ang natutulog na sir Jaero.
Binantayan niya ba ako? Tanong ko sa aking sarili.
Tinignan ko ulit si Sir Jaero na ang sarap ng tulog. Jusko, nakatulog ata ito kakabantay sa'kin.
Sir J-Jaero? Tawag ko sa kaniya.
Napabalikwas naman ito ng upo, ang bilis naman magising. Nakangiti itong humarap sa'kin.
J-Jillian! Gising kana pala, masakit paba mukha mo? Nagugutom kana ba? Ano gusto mo? May kailangan kaba? Sunod sunod nitong tanong. Teka, siya ba ang nagdala sa'kin dito?
Teka, sino nagdala sa'kin dito? Ikaw ba? Sandali itong natigilan sa tanong ko at umiling.
Si Kuya Kairean ang nagdala sa'yo dito. Sumeryoso ang kaniyang mukha.
Ahhh... Maayos na ang lagay ko Sir Jaero, tsaka kailangan ko nang bumaba. Magluluto na ak—
Hindi mo kailangan bumaba kasi naroon na sina Yhaine at Rheina para magluto. Sambit niya.
Hindi marunong maglut—
Bakit ba ang tigas ng ulo mo?
Sabay kaming napatingin sa pinto para tignan kung sino ang nagsalita, si Sir Kairean. Tumikhim ako.
S-Sir Kairean...
Magpahinga ka diyan bago ka magtrabaho, baka mapano kapa at masisi mo pa kami dahil pinagtrabaho ka ng pinagtarabaho. Aniya.
Akala ko ba naman bumait na pero ganon pa din kagaspang ang ugali. Kaya nakapagtataka na siya ang nagdala sa'kin dito sana nagsisinungaling nalang si Sir Jaero.
Tama kana, Kuya. Ani Sir Jaero.
Bumaba kana, Jaero. Padadalhan nalang ng pagkain yan dito. Sambit niya at umalis.
Kahit kailan napakasama talaga ng ugali mo!
Kuya mo ba talaga yon? Bakit ang layo ng ugali niyo? Ikaw mabait siya ubod ng gaspang ng ugali! Sambit ko ng may halong inis.
Tumawa siya.
He's kind, Jillian. Hindi mo pa lubusang kilala si Kuya. Sagot niya.
Mabait na yung lagay na yun? Tanong ko.
Hmmm, hindi ko din alam sa'yo lang naging masungit ng gan'on si Kuya. Sambit niya.
Oh talaga ba? Should I be thankful?
Natigilan naman ako saglit ng maalala si Renzo. Kakila-kilabot ang ginawa niya sa'kin, muntik pang maangkin ang pagkababae ko.
N-Nga pala nasaan s-si Renzo? Tanong ko. Baka pinakulong na nila.
Wala na siya at di mo na siya makikita pa. Sagot ni Sir Jaero.
Pinakulong niyo ba? Tanong ko ulit.
Tumawa ito. Wag kanang maraming tanong, sige na bababa na ako oara kumain. Aniya.
Tumango ako at lumabas siya sa kwarto ko. Maya maya pa ay bumukas ang pintuan at tumambad sa'kin ang dalawang bruhas.
Ay ang lola mo pahiga higa lang! Sigaw ni Rheina ngunit alam ko namang inaasar niya lang ako.
Narinig namin ang putukan ng baril kagabi, Jillian. Ayos ka lang ba? May halong alala ni Yhaine.
YOU ARE READING
MAFIA SERIES 1 : KAIREAN AZULAN
FanfictionAre you ready and be part of the Mafia Community? This Mafia Family is called Azulan Empire, they're the most powerful Mafia and their Master is Zekeah Azulan, his wife is Sheniah Azulan. Saan man sila magpunta ay ginagambala sila ni Kregor, kaagaw...