Tamawo 2-4

5.1K 165 3
                                    


Kabanata 4


Nakita ni Anida na malayo ang tinatanaw ni Giordano sa malawak na veranda ng palasyo at nilapitan n'ya ito. Sa lalim ng iniisip ni Giordano, hindi n'ya namalayan ang paglapit ni Anida sa kanya at napaigtad siya nang magsalita ito.


"Mukhang malalim ang iniisip mo ah?" sabi ni Anida nang nakatingin din sa malayo.


Napalingon sa kanya si Giordano. "Nand'yan ka pala Anida, wala naman akong masyadong naiisip, nagpapahangin lamang ako."


Napatango-tango si Anida. "Nakita mo ba sa propesiya ang tungkol sa isang regalo na bungo para sa aking anak?"


Umiling si Giordano. "Walang nakasaad na ganoon sa propesiya Anida."


"Ano ang nabasa mo noong umilaw ang propesiya?" Pangungulit n'ya.


Bumuntong hininga si Giordano. "Tungkol lamang 'yun sa babaeng nakatadhana sa isang Tamawo na si Pablo."


Napaisip siya at inalala ang nangyari noon. "Bakit ulilaw ang kanyang galanggalangan?"


"Dahil palatandaan 'yun sa isang Tamawo na matatagpuan na n'ya ang babaeng nararapat sa kanya." Seryosong paliwanag n'ya.


"Wala pa bang senyales tungkol sa babaeng makakatuluyan mo George?"


Huminga nang malalim si Giordano at bumuntong hininga. Hindi na n'ya sinagot pa ang tanong ni Anida at bigla na lamang n'ya itong tinalikuran. Napahawak sa kanyang bibig si Anida sa pangungulit sa binata at mukhang sumama ang loob nito sa kanyang katanungan. Dahil sa kanyang kuryosidad, hindi na n'ya napigilan ang sarili n'ya na tanungin ng ganoong bagay si Giordano.


***


Mabilis na umusad ang tatlong taon nang matiwasay sa mundo ng mga Tamawo. Nasasabik na si Anida na makita ang kanyang mga magulang sa mundo ng mga tao, at nakahanda na siya sa pagbabalik n'ya sa kanilang tahanan. Isa nang malikot at masiglang bata si Aldous at nakakatakbo na ito nang mabilis. Natutuwa siya habang pinagmamasdan ang kanyang anak na pinaglalaruan ang malasutlang buhok ng kanyang ama.


Tulad ng kanyang ama, mahaba na rin ang malasutla n'yang buhok na hanggang balikat na ni Aldous. Mahigpit na pinagbabawal sa kanila ang pagputol sa kanilang buhok dahil manghihina sila at magkakasakit.


Bumaling si Heraldo kay Anida na nakangiti habang pinagmamasdan sila. "Nakahanda ka na ba sa iyong pagbabalik sa mundo ng mga tao aking mahal?"


Tumango-tango siya. "Oo, mahal ko. Nasasabik na akong muli silang makita. Siguradong matutuwa sila kapag nakita nila ang kanilang apo."


Lumapit si Heraldo sa kanya at niyakap siya habang nasa pagitan nila ang humahagikhik na si Aldous. "Agad akong susunod sa inyo doon aking mahal." Hinalikan n'ya sa noo si Anida.


Tumingala siya kay Heraldo. "Panoo ang pamumuno mo dito kung lagi kang mamamalagi doon mahal ko?"


Ngumiti siya kay Anida. "Dadalaw dalawin ko lamang kayo doon at magtatalaga ako ng maraming magbabantay sa inyo habang nananatili kayo sa mundo ng mga tao aking mahal."


Kumatok si Giordano sa kanilang silid at agad itong binuksan ni Heraldo. "Mahal na Hari, nakahanda na ang lagusan patungo sa mundo ng mga tao."


Tumango si Heraldo at lumapit kay Giordano. Inabot n'ya kay Giordano ang karga-karga n'ya na si Aldous. "Ikaw na muna ang bahala sa mag-ina ko Giordano. Bantayan mo sila nang mabuti habang wala ako sa kanilang tabi."


Tumango si Giordano. "Makakaasa ka mahal na Hari."


Nang makaalis si Giordano, nahiga na sa kama si Anida at inayos ni Heraldo ang kanyang higaan. "Mag-iingat kayo aking mahal." Hinaplos n'ya ang pisngi ng kanyang Reyna at dinampian n'ya ng masuyong halik ang mapupulang labi ng asawa.


Pinikit na ni Anida ang kanyang mga mata at nang muli siyang magmulat, nakabalik na siya sa kanyang katawang lupa. Naging mabigat ang kanyang pakiramdam nang siya ay magising dahil naninibago siya sa kanyang katawan sa tagal nang panahon na hindi siya nakabalik. Dahan-dahan siyang bumangon at humarap sa salamin.


Napansin n'ya na nadagdagan siya ng timbang dahil na rin sa pagdadalang tao n'ya. Sinuklay n'ya ang kanyang mahaba at makintab na buhok na lampas na sa kanyang baywang. Kumuha siya ng damit at pumasok sa banyo upang maligo bago bumaba sa kanilang sala.


Nang makababa siya, nakita n'ya na tuwang tuwa si Aldous habang buhat buhat ng kanyang lolo. Panay ang hagikhik ng bata habang masigla silang pinapanuod ni Guada. Nang makita si Anida ng kanyang mga magulang, agad silang lumapit sa kanya.


"Anida anak, sa wakas at nakabalik ka na!" masiglang bungad ni Guada.

Niyakap nila si Anida nang mahigpit at tila sabik na sabik sila sa isa't-isa.


"Naghanda kami ng maraming pagkain para sa pagbabalik n'yo Anida. Sinabihan kasi kami ni Giordano kahapon na ngayon ang pagbabalik mo kasama ng aming apo kaya talagang pinaghandaan namin ang lahat." Nakangiting wika ni Tonyo.


Ngumiti si Anida. "Naku, nag-abala pa po kayo. Kahit ano naman po ay kinakain ni Aldous."


Lumapit sa kanya si Aldous at nagpakarga sa kanya. Nanibago siya sa itsura ni Aldous sa mundo ng mga tao, dahil naging itim na ang kanyang buhok na hindi lalampas sa kanyang tainga. Tulad ng lahat ng mga Tamawo, nagbabago ang kanilang buhok kapag nasa mundo sila ng mga tao upang hindi mailang ang mga tao sa kanila.


Napatingin si Anida sa kanilang pintuan nang may kumatok at nagliwanag ang kanyang mukha nang makita n'ya si Moneth na may dalang cake. Masigla siyang lumapit sa matalik na kaibigan.


"Moneth! Kamusta ka na?" Masiglang bungad n'ya.


Nilapag ni Moneth ang dala sa lamesa at masiglang niyakap si Anida. "Best, masyado kitang na-missed." Kumalas sa pagkakayakap si Moneth at tinitigan si Anida. "Ano bang kinakain mo sa mundo ng mga Tamawo at mas lalo kang gumanda?"


Natawa si Anida sa sinabi ni Moneth. "Katulad lang din naman ng pagkain dito ang pagkain doon Moneth."


Sabay-sabay silang napatingin sa pintuan nang may dumating. Halos himatayin si Moneth sa sobrang kakiligan at pinaghahampas ang balikat ni Anida.


ITUTULOY...


Tamawo 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon