Kilala siya ng lahat sa campus. Gwapo, matalino, matangkad,palakaibigan at palangiti.Ang pangalan niya ay Renz. Ang dami nyang taga-hanga lalo na sa mga babae at aaminin ko, isa ako sa mga yon. I like him. Pero ano nga ba ang panama ng isang simpleng geek na babaeng katulad ko sa mga magagandang babae sa campus?
Sa tuwing pinag-uusapan siya ng mga kaibigan ko , hindi ko mapigilang hindi makinig at mapangiti. Lahat yata ng nakakasalubong ko siya ang pinag-uusapan.
Sinisiguro ko rin na nandun ako kapag may laro ang varsity namin. Hindi man ako nagche-cheer, yung puso ko naman sa loob nagririgidon ng libo libong drum sa kasisigaw ng pangalan niya. Napapatili nga ako tuwing nakaka-3 points shot siya. Ang galing niyang maglaro. Lalo lang tuloy akong humanga sa kanya.
Kapag nakakasalubong ko siya sa hallway, yumuyuko ako at kung hindi naman sa ibang direksyon ako titingin. Nahihiya akong tumingin sa kanya kasi alam kong pulang-pula ang mukha ko. Halos hindi nga ako humihinga kapag dadaan siya.
Nung sumali siya sa photography club, halos mapunit ang kama ko sa kakatalon ko ng gabi ding yun. Tuwing pinapatawag kami sa club pasimple ko siyang hinahanap. Nakakailang na nga kay papa e kasi sa tuwing hinihiram niya yung DSLR ko, mukha ni Renz ang nakikita niya. Puro mga stolen shots niya sa kahit saang anggulo.
Kinukulit nga ako parati ni papa e kung boyfriend ko ba daw siya. Ang sabi ko nalang stalker ako ni Renz, ayun ang lakas ng tawa niya. Ni hindi ko nga pinapahiram sa iba yung DSLR ko e.
Hiyang hiya ako nun sa sarili ko ng tumawa ako ng pagkalakas lakas sa canteen dahil sa kwento ng bestfriend ko na nahulog daw siya sa kanal nang minsan siyang utosang bumili ng suka. Sobrang hiya ko nun kasi dun ko lang nalaman na nasa likod pala namin siya kumakain kasama ang mga kaibigan niya.Natigilan pa ako nun ng tumayo siya kasama ang mga kaibigan niya. Nakakahiya yun parang nawalan sila ng gana nung narinig nila yung tawa ko. Nung araw na yun sobrang lantang gulay ko.
Nang sumunod na araw isang kagimbal gimbal na pangyayari ang bumulagta sakin. Nabangga ko si Renz sa hallway habang tumatakbo ako, sobrang late na ako nun. Halos kapusin ako nun sa hininga kasi sobrang lapit niya sakin habang tinutulongan niya akong pulutin ang mga libro ko. Pagkatayong pagkatayo ko, hindi ko na kinaya. Nagsorry ako sa kanya sabay takbo kasi sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Halos kainin ako ng lagnat ng gabing yun. Hindi ako nakatulog.
Dalawang araw ang nakalipas at pumunta ako sa library,nandun siya . Nasa harapan ko siya habang may lamesang nakapagitan saamin. Akmang tatalikod na ako narinig kong nagsalita siya ng "Ri-" akala ko "Rhian" yun pala "Richard". Tinatawag niya pala yung lalaking nasa likod ko. Sobrang assuming ko. Stupid Rhian, bat ka niya tatawagin, kilala ka ba niya?
Kahit ano siguro ang gawin ko, hindi niya ako mapapansin. Kahit pa siguro hakutin ko lahat ng mga academic awards, hindi niya ako mapapansin. Milky Way at Earths core ang agwat naming dalawa.
Oo, aaminin ko gusto ko siya. Mahal ko na ata e.Simula pa nung araw na nakita ko siya. Ang masaklap lang, imposibleng magustuhan niya din ako.
♥♥
BINABASA MO ANG
Click!Love!Click!
Teen FictionCamera captures moments. Sometimes it captures heart. <3 Enjoy Reading guys. :*