Nakatanaw lang ako sa kanya palagi sa malayo. Hindi niya ako kilala pero ako kinilala ko siya ng patago. Ang pangalan niya'y Rhian. Maganda siya kahit nakasalamin. Mabait ,mahiyain, palangiti at higit sa lahat simple. Hindi siya tulad ng ibang babae na naghahanap palagi ng atensyon.
Nasa gilid lang siya palagi,tahimik na nagmamasid. Ako naman nagiging stalker nya.
Sinubukan ko noong makipagkilala sa kanya pero inunahan ako ng hiya. Panay na nga ang tulak ng mga kaibigan ko para makipagkilala na sa kanya kaso nahihiya talaga ako.
Baka hindi niya ako magustuhan. Isa lang akong varsity player na nakakashot ng 3-points tuwing nandyan siya at nanunuod ng game.
Sa tuwing nasasalobong ko siya sa hallway hindi ko maiwasang timingin sa kanya. Hindi niya siguro ako napapansin.
Sumali ako sa club na sinalihan niya. Hilig niya pala ang photography? Kinakantyawan na nga ako nina mama kasi puros mga stolen shots niya ang nasa camera ko. Hindi ko na nga pinapahiram sa iba yung DSLR ko baka mabisto pa. Napansin ko rin na pareha kami ng DSLR. Napapangiti ako tuwing naalala ko yun.
Ewan ko ba. Tuwing ngumingiti siya napapangiti rin ako. Naaliw ako tuwing nalilito siya. Nakakaaliw siyang tingnan tuwing kumukunot ang noo niya. Nakakahawa ang tawa niya. Minsan nga narinig ko siyang tumawa sa canteen , di ko namalayan nakangiti na rin pala ako nun. Pinili ko talagang sa likod niya at ng kaibigan niya maupo pero hindi niya ako napansin.
Nang mabangga ko siya sa hallway at nabitawan niya ang mga dala niya sabi ko tadhana na ang gumawa ng paraan para magpakilala ako sa kanya. Pero tumatakbo siya pagkatapos niyang magpaalam at nagsorry. Sobrang lungkot ko nung araw nayun.
Naulit pa yun nung nandun siya sa library magpapakilala na sana ako kaso nung nasa harap ko na siya , dinaga nanaman ako. Imbes na siya ang tawagin ko tinawag ko yung classmate ko na nagngangalang Richard.
Kahit pa siguro ilang 3-point shots ang gawin ko hindi niya ako mapapansin.
Ang torpe ko! Isa lang ang alam ko, gusto ko siya no scratch that, I think Im starting to fall for her. Pero alam ko na kailanman hindi niya ako magugustuhan, ni mapansin nga hindi e, magustuhan pa kaya.
BINABASA MO ANG
Click!Love!Click!
Fiksi RemajaCamera captures moments. Sometimes it captures heart. <3 Enjoy Reading guys. :*