Reianz

29 4 0
                                    

*Rhianz POV*

Ngayon na ang submission ng compilation of pictures na ginawa namin. Nandito kami sa conference hall. Marami ang mga students na naki-usyoso. Ito talaga si sir kung ano anong pakulo.

Inarrage kami according to our partner. Katabi ko ngayon si Renz. Ang seryoso ng mukha niya. Parang may problema.

Kinakabahan ako. Baka maraming macomment si sir sa mga shots andami pa namang naunuod bukod sa Club namin.

Kaya imbis mag-isip ng kung ano-ano kinuha ko nalang ang cam ko para ireview kung pano idefend mamaya ang mga shots just incase magtanong mamaya. Pero siniguro ko na hindi aabot dun sa mga pictures ni Renz. Mehehehe.

Pagtingin ko kay Renz ganun din siya nakatingin sa cam niya. Pagkatapos ng araw na to, balik na sa dati ang lahat. Napabuntong hininga ako at nag-iwas ng tingin sa kanya.

Babalik na ako sa pagiging fan niya na lihim kinikilig pagmalapit siya. Balik na ako sa pagkuha ng mga stolen shots niya. Balik na ako sa pagtanaw sa kanya sa malayo. Balik na ako sa lihim na pagtitig sa taong mahal ko.

Haaay. Ang lalim nung buntong hiningang yun. Pero ano ba tong iniisip at nararamdaman ko. Dapat naman talaga ganun di ba?

Magpapasalamat nalang ako kay Papa God kasi binigyan niya ako ng konting panahon para makilala kahit papano ang isang Renz Bry Castro- ang lalaking minahal ko. At lalaking hanggang sa Click! lang ng camera ang pagmamahal ko.

Bahala na nga . Eenjoyin ko nalang tong moment na to.

Pinakahuli kaming magprepresent. Nagtataka nga ako. A at C naman ang initials namin. Siguro natablan nanaman ng katok si sir.

Nang nasa gitna na kami at sobrang kaba ko. Kahit ifa-flash lang sa screen yung mga pictures feeling ko lalabas sa ribcage yung puso ko.Hindi naman kasi ako sanay na maraming nakitingin sakin e. Idagdag pa yung mga mukha nila ng mga clubmates ko na ang lalaki ng mga ngiti.

Pansin ko lang kanina pa sila ngiti ng ngitu. Tuwing tinitingnan ko sila ngumingiti sila which is not very usual and err-creepy.

Pinagkabit balikat ko nalang at nagfocus sa presentation.

Nagstart na and as planned ako ang mag-eexplain. Kinakabahan talaga ako. Pero kaya ko to.Kahit nauutal ,I tried my best explain to them kung bakit ganun yung mga shots namin. Si Renz naman nasa sa screen control. Assist lang siya kumbaga.

Nakahinga ako ng maluwang nung tapos na. Uupo na sana ako ng may tumawag sa pangalan ko sa speaker ng hall.

"Miss Rhian Almante will you please come up here on stage."

At nang tingnan ko kung sino ang nasa stage nagtaka at nagulat ako. Si Renz. Seryoso yung mukha niya. Tinuro ko pa ang sarili ko sa kanya.

"A-ako ba?" jusko tumango lang siya.

Nilibot ko naman ang tingin ko sa paligid, halos lahat sila nakatingin sakin.Napalunok tuloy ako ng wala sa oras.

Naramdaman ko nalang na may tumulak sa kin.

"Besy naman e. Kanina ka pa tinatawag dun oh." sabi niya at talagang hinatak na ako.

"O-oy Frey, teka naman. Dahan dahan lang." ayaw ko pumunta sa stage. Nakakailang. Sobrang nakakakaba.

Tuloyan na kaming naka-akyat ng stage at Dyos ko nanginginig ako.

"Oy bessy , easy ka lang. Ang lamig lamig ng kamay mo o." yumuko nalang ako. Freya ano ka ba, alam mo namang ayaw ko sa mga ganito.

"Hoy Renz ha, minsan ko lang pinapahiram tong Bessy ko kaya umayos ka." binitiwan niya na ako at bumaba ng stage.

"O-oy Freya, ano to? Bakit ako nandito?" natataranta kong tanong sa kanya.

Click!Love!Click!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon