Rhian's POV
"Rhian tara na! Punta na tayo sa PC (Photograpy Club) room. May activity daw ngayon! Dali!" sigaw sakin ni Freya na bestfriend.
"Andyan na! Excited ka much e" Bitbit ang mga bag ko at DSLR nagtunggo kami sa PC room.
"Kyaaa. Girl ang gwapo talaga ni Renz. Member pala siya ng Photography Club."
"Oo nga eh. Kung nalaman ko lang ng mas maaga, dun ako nagsign-up."
"Ako din. Sayang talaga."
Yan talaga ang maririnig mong bulong bulongan sa campus namin. Sikat si Renz.
And speaking of Renz, makikita ko nanaman siya ngayon.
Ewan ko kung matutuwa ba ako kasi makikita ko siya or malulungkot kasi alam ko na hanggang tingin lang talaga ako sa kanya.
Pumasok na kami ni Freya . Pasimple ko namang nilibot ang tingin ko para hanapin siya.
Halos mapaiktad ako ng tumingin ako sa kanya kasi sakin siya nakatingin. Pero tiningnan ko parin ang likod ko baka iba nanaman pala yung tinitingnan. Wala naman ah. Binalik ko ang tingin ko sa kanya and to my surprise sakin parin siya nakatingin.
Nakita kong kumunot ang noo niya. Pumasok si Mr. Greg kaya, nagkibit balikat nalang ako.Nagstart siyang magsalita.
" Ok guys now, as I've said yesterday, you are going to have an activity today and it is by pair."
Nagsimulang mag-inggay ang mga clubmates ko.
"Uy, Rhian partner tayo ha." kinalabit ako ni Freya sa likod. Tumango nalang ako.
"Now guys, quite! Hindi niyo na kailangan maghanap ng pair kasi ako na ang nagcostumize nun."
Nagfrown naman ang mga clubmates ko.
"You see guys, you dont need to make those long face. One of the objective of this activity is for you to bond with other student. Bali magbi-build kayo ng bridge of friendship. Wouln't that be great? You can finish this activity happily and at the same time, may na meet kayong bago. And for that I made sure na hindi magka-close or magkakilala ang mga pinair ko. So lets start."
Diniscuss lang ni sir kung anong dapat gawin. The activity is all about capturing the schools beauty. Kung ano ang mga quality na nagrerepresent sa school. May nabuo na akong idea sa isip.
"Sayang talaga besy, hindi tayo partner." pagmamaktol ni Freya.
"Ok lang yan. Sigurado naman ako na magaling yung partner mo." i give her a smile.
"Ok next pair would be Ms. Rhian Almante and..."
Lord sana naman mabuting nilalang yan na makakasundo ko. Kahit sino basta mabait. Yun lang talaga.
" and Mr. Renz Bry Castro"
O___O jusko? Nabingi yata ako!
"and Mr. Renz Bry Castro"
"and Mr. Renz Bry Castro"
"and Mr. Renz Bry Castro"
"Bessy ang swerte mo! Yieee! Partner mo si Papa Renz!!" narinig ko si Freya pero hindi na pinansin. Nakatulala ako ngayon.
" Ok now, go to your partners at pag-usapan niyo ang gagawin niyo. The deadline will be on Friday at kailangan niyo yang gawing isang picture video para sa presentation. For now, I'll give you the rest of the time to dicuss."
Tumahimik si Sir. Tulala pa rin ako nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko.
"Uhm. Hi. "
"AyAnakNgKalabaw" halos mapasigaw ako sa gulat. Hinarap ko ang may salarin. At nang nakilala ko kung sino, naistatwa ako. Bahagya pa siyang napatawa.
BINABASA MO ANG
Click!Love!Click!
أدب المراهقينCamera captures moments. Sometimes it captures heart. <3 Enjoy Reading guys. :*