Renz

21 4 0
                                    

*Renz POV*

I can't believe it. How can I believe it? Am I to believe it? Can I believe it?

Ang saya ko! Sobrang saya ko. Nakakausap ko na siya freely. Kinakausap niya na ako!

Dati sa panaginip ko lang to nangyayari pero ngayon totoo na! Yes!

Hahaha. Para akong bading dito.

Nagdadawang isip pa ako nun kung lalapitan ko ba siya after nung announcement ni sir. Nakatungo lang siya at malalim ang inisip.

Nung kinausap ko siya nakayuko siya.Akala ko nga ayaw niya akong kausap

Pero, ayaw ko sumuko. Yun na yung time na pinagdasal ko kay Bro e.

Tinanong ko siya about sa activity and gladly she spoke. Nakatingin lang ako sa kanya the whole time. Ang ganda niya pa pala sa malapitan.

Nakakatuwa nga e kasi panay lunok siya at nauutal pa. I can sense na hindi talaga siya comportable sakin. Ganun rin naman ako e.

Hindi ko nga alam kong san ko naiwan yung katorpehan ko at san ko nakuha ang lakas ng loob ko ngayon. Basta kusa nalang akong nakikipag-usap sa kanya.

At the end of that day, sobrang saya ko kaya nagtatalon ako palabas ng gate.

--

The next day hinintay ko nalang siya sa labas ng pintuan ng PC. Medyo nagulat pa siya ng makita ako.

Nagsimula na kaming kumuha ng mga shot. Pero di ko parin maiiwasan tingnan siya kaya kahit siya kinukunan ko ng shot.

Medyo nasiyahan ako sa pagkuha ng shot kaya di ko namalayan na nawala na siya sa paningin ko. Stupid Renz!

Nakahinga ako ng maluwang ng makita ko siyang nakaupo sa ilalim ng puno sa tapat ng field at ---NATUTULOG?

Pinuntahan ko siya. Bat ba ang ganda niya sa mata ko. Tinitigan ko siyang mabuti hanggang sa naisipan kong kunan siya ng litrato.
Click!

Napailing nalang ako. Puno na ang memory card ko sa dami ng shots niya.
Worth it naman e kaya ayos lang.

Nagdisisyon akong ipatong ang ulo ko sa balikat niya. Then there I find myself comfort.

----

Nagising ako ng maramdaman kong may nakatitig sakin. Umakto lang akong tulog. Ilang sandali pa di ko na nakayanan. Gumalaw na ako.

Naramdaman ko nalang na biglang nagstiff ang katawan ni Rhian.
Caught! hahaha

Inasar ko siya dahil ang cute niya pagna-aasar kaya muntik na akong iwan buti nalang nahawakan ko.

---

Lumipas ang dalawang araw at naging ganun ang routine namin. Kinukulit ko siya. Ang akala ko nga magagalit sakin nagulat nalang ako ng nakipagkulitan din siya.

Naririnig ko na siyang tumawa sa mga corny kong jokes. At kapag tumatawa siya, parang bumubukas ang langit at kumakanta ang mga anghel. Ang bakla ko.

Nandito na kami ngayon sa PC room at gumagawa ng Power Point. Tapos na naming masort ang mga pictures.

Ang ingay nga namin kanina e kasi ayaw kong nandyan siya sa tabi ko kapag inopen ko ang files ng memory card ko. Mahirap na baka makita niya.
Hindi pa ito yung right time e.

Kaya ayun,lumabas siya.

Nung siya naman ang mag-oopen, ganun din ang issue. Sabi niya may private family files daw dun kaya lumabas ako.

"Tapos ka na Yan?" tanong ko sa kanya.

"A-ah. O-oo! tapos na to."

Pumasok na ako. Pagkatapos masort ang mga pictures, sinimulan na niya.Nandito lang ako sa gilid.Sobrang seryoso niya. Nagtatanong naman siya kaya nakakapag-usap pa kami kahit papano.

Nang mapansin kong pagod ng siya, we swich places. Nang matapos na, tiningnan ko siya.

Tulog na. Napatitig nanaman ako sa kanya.

Bulls Eye. I love this girl named Rhian Almante. Haay pag-ibig.

Naalala ko gabi na pala kaya nag-ayos na ako.

Ginising ko siya at hinatid ko nalang siya pauwi. Mahirap na, baka mapano pa.

Pag-uwing pag-uwi ko ,sa laptop nanaman ako nakaharap at nilatag lahat ng mga litrato.

Click!Love!Click!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon