CHAPTER 8
DIAMOND'S POV
*PARTY*
Ngayon lang ako nakapunta sa isang pool party, lahat sila naka swim wear .. natural kaya nga pool party mag gown ka mag gown ka . Ewan ko na lang .. hahahaha
Halata halata mo sa kanilang mayayaman sila.
"hi Diamond, ang ganda mo ah"
Napatingin ako sa nagsalita , si Troy ..
O_______O
Ang OA ko ba ?? Hindi ko alam kung bakit ako dun napatingin pero grabe ang abs ., napalunok na lang ako, kung si Dilan ang nasa harap ko ngayon mapapahiya na naman ako at mababasa niya nasaisip ko ngayon.
"are you ok ?? ou nga pala nandun sina Dilan " sabay turo sa kinaroroonan ng mga kaibigan niya. Naks ha speaking of the devil.
Napatingin ako direksyon nila .. nakatingin din pala sila sakin .. OmyG, nahahawa na ako kayna Eve eh ..
Nagmomodel ba sila .. kasi ngayon ko lang napansin na hot pala sila , lalo na si Dilan , ang daming ABS wagas ..
teka nga ?? ano ba tong iniisip ko , ang traydor talaga minsan nitong isip kong to eh nangmamanyak na .. erase erase erase.
"ah o-ou hehehe , ok lang ako .. sige magbibihis na kami" ano ba un ..ang tanga ko . Tumingin pa kasi ako sa kanila eh . Yan tuloy natutulala ako.
Niyaya ko na sina Eve magpalit ..
"oh bakit atat na atat ka yata magpalit .. kanina lang parang ayaw mo eh " Eve ask .
"ah wala lang .. nakakahiya kasi eh tayo lang ang hindi nakaswimwear" hinigit ko na siya sa restroom.
"ah ganun ba .. sige, excited na din naman ako eh" ganun kung alam ko lang mas excited siyang makita si Sander ..
Nagpalit na kami , nakalabas na sina Eve .. kasama na ang mga ugok , ako eto nagtatago. hayysss.. anu bang trip ko nagyaya akong magpalit tapos ngayon tagutaguan ang peg ko.. Natatakot akong lumabas eh.
"hoy baks wala ka na ba balak lumabas jan ,kanina lang ikaw pa nagyaya na magpalit tayo tapos ngayon ganyan ka ,jan ka na ba titira ha.. tara na kakain na " dirediretso ang bibig Denise, ang sexy niya sa kanyang white na 2piece.