Luna's PoV
Ilang beses na akong napapatingin sa wrist watch ko dahil halos kalahating oras na akong nakaupo dito sa loob ng cafè pero walang sumulpot na Eliza.
Eliza is my cousin and we were close since we were child at ngayon lang din kami magkikita after five years. Sa iloilo na kasi ito namamalagi dahil duon ito nag tatrabaho.
"Lunaaaa!" Isang babaeng may malapad na ngiti ang sumulpot sa harapan ko. Kaagad naman akong tumayo at niyakap ito.
"Elle! I missed you!" Sambit ko at niyakap naman ako nito pabalik. I used to call her Elle as her nickname.
"Me too, my dear cousin." Sagot nito at saka kami umupo.
Umorder muna ito bago nag umpisang magsalita.
"So, kamusta?" Usisa nito at kaagad naman akong umiwas ng tingin.
"A-ayos lang ako. Ikaw?" Sagot ko at pilit na ngumiti.
"Syempre katulad ng dati maganda parin." sagot nito habang nakangisi. Tamang-tama naman dahil dumating na ang inorder nitong iced coffee.
"How about Izuna?" Tanong nito ulit at tinikman ang hawak na iced coffee.
"She's pregnant." I said that made her spit her coffee.
"What the hell?!" Hindi makapaniwalang hiyaw nito.
"Please Elle, your voice." Sabi ko habang pinupunasan nito ng tissue ang bibig.
"It's not a funny joke Luna." Sambit nito habang namimilog ang mga mata na para bang hindi parin ito makapaniwala sa narinig.
"I'm not joking, Elle. Izuna is pregnant, and guess who's the fathe——" hindi na ako nito pinatapos.
"Who?"
"Lucius Vergara." Literal na nahulog ang panga ni Elle dahil sa narinig.
"That was a f*ckin' joke!" Sambit nito at mariing napalunok.
"That Lucius Vergara is a well known business tycoon and i am aware that Lucius is Izuna's biggest rival in business industry." Mahabang wika ng pinsan ko.
"Right," tipid kong tugon.
Nakita kong natulala bigla ito na tila ba may malalim na iniisip.
"Papaano kaya nangyaring ibinigay ni Izuna ang bataan nya sa lalaking kinaiinisan nya?" Tanong nito sa kawalan.
"I mean, kilala naman natin ang ate mo hindi ba? Walang kinatatakutan 'yun, tigasin at ni minsan wala pang lalaking bumihag sa puso nya. She even broke Tobio's heart dahil wala daw itong interes sa mga lalaki. At Muntik pa natin itong mapagkamalang tomboy." Mahabang sambit nito.
"Ewan ko din kung paano nangyari pero nangyari na eh." Sagot ko naman.
"Buntis na ang g*ga!" Tugon nito at lumagok ng iced coffee.
I was thinking to start a new topic but she suddenly asked me.
"Eh ikaw? Kailan ka magpapabuntis?" She just asked that out of the blue.
Natigilan ako at napakurap-kurap.
"W-wala pa akong planong magka-anak Elle." Sagot ko at napayuko.
Hindi sa ayaw ko pang magkaruon ng anak pero sa ngayon mukhang imposible pa 'yun dahil sa asawa ko.
Kie doesn't want to have a child with me. Alam na alam ko 'yun sa tuwing gumagawa kami ng milagro. Nakakatawa man isipin pero alam kong napipilitan lang syang gawin ang bagay na 'yun dahil ginusto ko.
"Tsk, you're five years married. Bakit ayaw mo parin?" Tanong nito ulit at napabuntong hininga ako.
"Hindi pa ako handa." Alibi ko at pilit na ngumiti.
Elle doesn't know everything. Wala itong ka-alam-alam sa nangyayari sa buhay ko. At ayokong ipa-alam sa kanya dahil alam kong katulad ni Izuna pipilitin lang din nya akong makipaghiwalay kay Kie.
"How's the hospital?" Bigla ulit nitong tanong.
"Mas maayos dahil ako na ang nagpapatakbo." Pagmamalaki ko kaya natawa ito.
"Luna, you're still holding a grudge against your father." Sambit nito na tila binabasa ang isipan ko.
I just smiled bitterly.
"Of course. If you're expecting me to move on, well that's imposible. He's the reason why my mom died." Napakuyom ang kamao ko dahil nakaramdam nanaman ako ng galit.
Nakita ko ang awa sa mga mata ng pinsan ko habang pinagmamasdan nya ako kaya kaagad akong umiwas ng tingin.
"Luna, listen to me. Hindi naman sa kinakampihan ko si Tito pero hindi ba dapat tanggapin nyo nalang ang mga nangyari?" Wika nito kaya natawa ako ng pagak.
"Madali lang sabihin 'yan para sa'yo Elle." Pilit kong pinigilan ang pag tulo ng namumuong mga luha sa mga mata ko.
"Kung sa bagay, kahit nuon paman sa kanya kana kampi 'di ba? Ikaw pa nga ang unang naka-alam tungkol sa babae nya pero hindi mo nagawang sabihin 'yun sa amin. Palibhasa pamangkin ka nya." A drop of tears escaped from my eyes.
"You're blaming me, Luna?" Naningkit ang mga mata nito.
"Maybe," tanging sagot ko at kaagad na tumayo para sana umalis pero nag salita ito.
"Luna, I'm sorry. Alam kong may pagkakamali din ako bilang pinsan nyo. I'm sorry." Sabi nito pero hindi kona nagawang harapin sya, sa halip ay lumabas na lamang ako ng cafè.
I am not expecting that to happened. Ang buong akala ko masaya kaming mamamasyal pagkatapos naming magkita. Hindi ko akalain na magkakasagutan pala kami.
Kaagad akong nagpapara ng Taxi dahil naisipan kong bisitahin ang ospital at si Kie.
I hired someone to manage the hospital dahil wala naman talaga akong alam sa pagpapatakbo ng ganun kalaking ospital.
Ang ospital na si Daddy dapat ang nagpapatakbo. Actually sya naman talaga ang namamahala at nagmamay-ari sa ospital nuon. Pero nang dahil sa ginawa nitong kat*ngahan napilitan si Mommy na gumawa ng paraan para mapunta sa amin ang ospital na pinaghirapan ni Daddy at ng pamilya nito nuon.
Yes, that's how powerful my mom is. Kaya nitong baliktarin ang lahat gamit lang ang pera.
Mariin akong napapikit ng bumalik na naman sa ala-ala ko ang mga nangyari nuon.
How i wish na sana makalimutan ko nalang ang lahat.
"Nandito na po tayo ma'am." Natuhan ako sa sinabi ng Taxi driver kaya kaagad akong nag bayad at lumabas ng Taxi.
Papasok palang sana ako sa luob ng building ng may makasalubong ako.
"Luna!" Bati sa akin ng kaibigan ko nuon na isa narin ngayong doktor sa ospital na pagmamay-ari ko.
"Lance. Andito ba si Kie?" Usisa ko na kaagad naman nyang sinagot.
"Nakita ko sya'ng papunta kanina sa parking lot." Sagot nito kaya kaagad naman akong nagpaalam at tinungo ang parking lot ng ospital.
Nagmadali akong pumunta ng parking lot sa pag-aakalang aalis si Kie. Wala masyadong kotseng nakapark kaya kaagad kong natanaw ang kotse ng asawa ko.
Maglalakad na sana ako papunta sa kotse nya ng mapansin ko si Kie mula sa 'di kalayuan. Tumaas ang isa kong kilay ng mapagtantong may kausap itong babae.
I was about to approach them when i realized who is she.
Parang na estatwa ako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan si Kie kasama si Charlene.
Unti-unting lumakas ang tibok ng puso ko sa magkahalong emosyong nararamdaman ko.
Hindi nakagalaw ang katawan ko habang nakikita ang asawa kong masayang kayakap ang babaeng totoo nitong minamahal.
Pakiramdam ko winawasak ang puso ko sa sobrang sakit habang pinagmamasdan silang dalawa.
Tila nawawalan na rin ng lakas ang tuhod ko dahil sa magkahalong sakit at takot na nararamdaman ko.
Mukhang dumating na ang kinatatakutan ko. Paano kung tuluyan na nyang bawiin sa akin si kie? Paano na ako? Hindi ko kakayanan, mababaliw ako kapag nawala sa akin ang asawa ko.
#Hatake_simp
BINABASA MO ANG
Shattered
Romance"I'll going to help you..." She said while looking at his eyes. "Ako lahat ang mag babayad para sa operasyon ng nanay mo. I'll do everything to save her." His face suddenly brightens when he heard those words from her. "But in one condition." Pain a...