33

445 11 2
                                    

Luna's PoV

"Good morniiiiinnnggg ma'am Luna!" Napatingin ako sa pinto ng biglang iniluwa nun ang sekretarya ko.

"Vanessa?" Kumunot ang nuo ko ng inilapag nito ang isang bouquet ng bulaklak.

"Here's your fresh flowers again ma'am." Nakangising sambit nya pero itinuro ko lang ang basurahan kaya napabuntong hininga na lamang ito at tinungo ang basurahan at tinapon ang mga bulaklak.

"Alam nyo ma'am, sayang din po yung mga bulaklak na ipinapadala ng secret admirer nyo. Mukhang mamahalin pa naman tapos sa basurahan lang din palagi ang punta." Wika nito habang naka pamewang sa harapan ko.

"You can have it if you want, Vanessa." Sagot ko at ibinalik ang tingin sa aking laptop.

"Naku wag na po. Para sa inyo po 'yun eh. Pero alam nyo po ma'am, na c-curious talaga ako kung sino 'yung nagpapadala ng bulaklak sa inyo palagi." Sabi pa nito at napaisip.

"Vanessa, pakidala 'to sa lobby." Iniabot ko sa kanya ang ilang papeles na kaagad naman nyang tinanggap.

"Okay po ma'am. Pero feeling ko talaga pogi 'yung secret admi——" hindi kona pinatapos ang mga sasabihin nito dahil kaagad na akong tumayo.

"Aalis muna ako." Paalam ko at saka kinuha ang aking bag.

"Saan po kayo pupunta ma'am? Anong oras po kayo babalik? Ano pong sasabihin ko kapag may nag hanap sa inyo?" Sunod-sunod nitong tanong kaya napairap ako.

"I'll visit the hospital at baka mamayang hapon pa ako babalik. And I don't have any appointments this day, kaya walang mag hahanap sa'kin." Mahaba kong sagot at kaagad na naglakad para sana lumabas pero nag salita sya ulit.

"Ah sino po pala ang bibisitahin nyo sa ospital?" Tanong nito pero hindi na ako sumagot at dali-daling lumabas.

Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa kadaldalan ng sekretarya ko. Ilang bwan palang syang nag tatrabaho sa'kin pero nagustuhan kona kaagad ang ugali nito kahit sobrang daldal.

Madalas kasi itong mag kwento ng kung ano-ano kaya naaaliw ako. Kahit papaano nababawasan ang stress ko sa kompanya dahil sa mga ikinukwento nya.

Halos isang taon ko nang minamanage ang kompanya ng kapatid ko at masasabi kong nakakapagod talaga at nakaka stress dahil hindi ako sanay sa ganito. Tanging ospital lang kasi ang inaasekaso ko nuon at hindi ganito kalaking kompanya.

Well, worth it din naman ang pagod dahil paunti-unti ay natututo ako at pakiramdam ko masaya si ate sa ginagawa ko.

Napangiti na lamang ako ng maalala ang kapatid ko at si Ivory. Ramdam ko parin ang sakit ng kahapon pero paunti-unti ay nakakapagmove-on narin ako, and I'm trying my best to heal myself.

Natigilan ako sa pagmumuni-muni ng mapagtanto na nasa parking lot na pala ako kaya kaagad kong tinext si Elizabeth na pupunta ako ng ospital at duon nalang kami magkita.

Kasalukuyan kasing si Elizabeth ang ibinalik kong tagapamahala ng ospital dahil busy pa ako sa kompanya.

Kaagad akong nag drive patungong Light Medical Hospital at 'di narin nag tagal ay narating ko ito.

"Good morning ma'am!" Bati kaagad ng mga nurses na nakakasalubong ko.

"Lance. Have you seen Elizabeth." Napalingon sa akin si Lance at napakurap-kurap.

"Ah yes, nasa rooftop yata sya ma'am." Sagot nito at saka ngumisi.

Tumaas ang kilay ko dahil sa pag ngisi nito.

"Okay. Thanks." Sambit ko at kaagad na pumasok ng elevator at tinungo ang rooftop.

Pagbukas na pag bukas ng elevator ay mabilis akong lumabas sa pag-aakalang sasalubongin ako ni Elizabeth pero laking gulat ko ng makita ang isang lalaking nakasandal sa pader na tila may hinihintay.

Natigilan ako ng mapagtanto kung sino ito.

I can't help but to stare at his pointed nose and pinkish thin lips.

This guy once caught my attention a years ago. He snatched my heart in one snap but hurt me so badly that i can't even bear the pain before.

Sobrang lalim ng sugat na iniwan nila ni Lucius sa akin na kahit pumasok lang sila sa isipan ko eh bumabalik ang lahat ng sakit.

"Luna!" Natauhan ako ng marinig ang baritonong boses nito habang nakangiting nakatitig sa akin.

He walked towards me while wearing a white lab coat that made me confused.

Why is he wearing a lab coat? And what the hell is he doing here? Akala ko ba si Elizabeth ang andito?

"Ano'ng ginagawa mo dito?" Usisa ko habang nakataas ang isang kilay. Ngumiti lang ito habang titig na titig sa akin.

Kaagad akong umiwas ng tingin dahil sa kakaibang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag.

Akala ko ba si Elizabeth ang andito? Bakit si Ezekiel ang kaharap ko ngayon? Tanong ko sa isipan ko pero kaagad ko din namang nasagot ng maalala si Lance.

Tsk, paniguradong magkakuntsaba silang dalawa.

"Ano'ng ginagawa ko dito? Simple lang. I am a doctor here kaya ako nandtio." Sagot nito na ikinakunot ng nuo ko.

"At kailan kapa naging isa sa mga doctor sa ospital ko?" Usisa ko na kaagad naman nyang sinagot.

"Nakalimutan mona ba mahal ko? Matagal na akong doctor dito." He answered and i just rolled my eyes.

"Tsk, dami mong alam. Ipapatanggal kita kung ganun." I said that made him chuckled.

"Ayos lang kahit ipatanggal mo 'ko. Pero hindi parin ako titigil." His tone suddenly became serious.

"Luna," bigla nyang hinawakan ang kamay ko kaya bumilis ang tibok ng puso ko sa 'di malamang dahilan.

"I'll win your heart no matter what. Kahit na hanggang sa pumuti ang buhok ko, I'll still going to chase you. I will never ever stop loving you." He said that made me stunned.

"Kahit na ilang beses mo kong ipagtabuyan. Kahit na saktan mo pa ako, hindi mag babago ang nararamdaman ko. My heart still wants you." He added while his eyes is full of emotions.

Kaagad kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya at malamig syang tinitigan.

"I don't care about your words. Just sign the annulment papers. Halos isang taon kona 'yung ibinigay sa'yo para permahan mo." Malamig kong sambit at bigla naman itong napaisip.

"Ah? Yung ibinigay mong piraso ng papel? Matagal kona 'yung tinapon eh." Sagot nito kaya pakiramdam ko kumulo ang dugo ko sa galit.

"F*ck you Ezekiel!" Tanging mga salitang lumabas sa bibig ko dahil sa galit.

"Yes, f*ck me baby." He answered with a flirty tone kaya mas lalo akong nainis.

Pakiramdam ko gusto ko nalang syang itulak mula dito sa rooftop. Pero imbes na makipagsagotan pa ay padabog na lamang akong tumalikod para umalis.

"I suggest, you must stop sending me flowers you moron." Wika ko pero nagulat nalang ako ng may biglang yumakap sa akin.

"Even just for ten seconds, let me do this Luna. Just let me hug you, kahit na ngayon lang."

His voice,

His scent,

And his warmth,

I cant help but to feel comfortable. But then, nangingibabaw parin ang sakit.

Hinawakan ko ang braso nya at unti-unting kinuha mula sa pagkakayakap sa akin.

Hindi ko ito nilingon at walang salitang umalis.

Galit. Tanging galit at sakit ang nangingibabaw sa akin ngayon.

#Hatake_simp

Shattered Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon