13

571 19 2
                                    

Luna's PoV

Kaagad kong sinuot ang damit na napili ko at naglagay ng konting make-up.

Dadalo kasi ako ngayon sa Birthday ni Nanay Rose. Binilhan kona din ito ng birthday gift na kaagad kong nilagay sa bag ko. It's just a necklace kaya kumasya naman ito sa dala kong maliit na sling bag.

Lalabas na sana ako ng kwarto ng biglang tumunog ang cellphone ko. Hudyat na may tumatawag.

"Hello?"

{Can i have a favor?} Boses kaagad ni Lucius ang bumungad sa akin.

"L-lucius?"

{Ivory is crying. Ayaw nyang tumahan kahit ano'ng gawin namin. I already called a doctor and even the doctor couldn't stop her from crying. I don't know what to do.} He panicked.

"Segi, pupunta ako d'yan." Sagot ko bago pinatay ang tawag.

I was about to walk down the stairs when i heard Kie's voice.

"Let's go. Hinihintay na tayo ni Nanay." Wika nito kaya nilingon ko ito.

"Mauna kana. Kailangan ko munang puntahan ang pamangkin ko." Sagot ko kaya nakita ko ang pagkunot ng nuo nito.

Hindi ko ito pinansin at naunang umalis. Kaagad akong nag drive papuntang bahay nila Lucius at katulad nga sa inaasahan, iyak ng bata ang una kong narinig.

Kitang-kita ko ang labis na pag-aalala sa mukha ni Lucius habang pilit na pinapatahan ang anak.

"Lucius," tawag ko sa pangalan nito at kaagad na kinuha si Ivory.

Ilang segundo ko palang itong karga-karga tumahan na ito kaagad kaya lahat kami ay nagtaka.

"Mukhang ikaw lang talaga ang may kapangyarihang patahanin ang batang 'yan, hija." Natatawang sambit ni Manang Linda kaya napangiti ako.

Nakita kong kinausap ni Lucius ang doctor na nagcheck sa anak nito at ilang sandali pa ay nagpaalam na rin ang doctor.

"I think she doesn't need a doctor. She just need you, Luna." Kampanteng sambit ni Lucius.

Ako naman ay pinagmasdan lamang ang mumunting anghel. She's so cute.

Narinig ko namang nagpaalam si Manang Linda na magluluto kaya kami nalang ni Lucius ang naiwan.

He's wearing his black suit at mukhang papasok palang ng trabaho.

Umupo ito sa sofa at saka ako tiningnan kaya kaagad akong umiwas ng tingin dahil bigla akong nailang sa ibinabato nyang tingin sa akin.

"I don't know what's wrong with that child. But i guess, you're the only one who can handle her." Sambit nito at saka tumayo.

"Please take care of her." Saad pa nito bago umalis.

Ako naman ay pinagmasdan lang itong maglakad palabas ng pinto.

Masaya ako dahil mukhang natauhan na din ito sa wakas.

"Luna, hija. Bakit parang bihis na bihis ka yata?" Napatingin ako kay manang ng bigla nito akong nilapitan.

"Ah eh dadalo po sana ako sa kaarawan ni Nanay Rose ngayon." Sagot ko at saka naman nya inilapag ang dalang Juice at cupcake sa mini tabe na nasa harapan ko.

Makahulugan akong tiningnan ng matanda kaya napangiti ako.

"Opo, ngayon ko din pong balak sabihin sa kanila ni Tatay ang gusto kung mangyari sa amin ng anak nila." Sabi ko.

"Sigurado kaba r'yan, hija?"

"Yes po Manang. Buo na po ang desisyon ko na tapusin na ang namamagitan sa amin ni Kie. Wala din namang kwenta kung ipagpipilitan kopa, hindi po ba? Patuloy lang kaming masasaktan." Sagot ko.

Shattered Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon