Luna's PoV
It's been a months since i visited the hospital. Gustohin ko mang pumunta, nawawalan lang ako ng gana sa tuwing naiisip na makikita ko si Ezekiel dun.
I already talk to Elizabeth, gusto kong tanggalin si Ezekiel sa hospital pero ayaw nito. Sinabi nito sa akin na malaki ang tulong ni Ezekiel sa ospital dahil isa ito sa magagaling na doktor ng ospital ko. Well, may point din naman si Elizabeth. Kilala ang ospital dahil sa galing ng mga doktor namin, and I can't deny that Ezekiel is one of those talented doctors.
"Vanessa," tawag ko sa sekretarya ko habang abala sa paghahalungkat ng mga papeles na pinapahanap ko sa kanya.
"Aalis muna ako. Ikaw na muna ang bahala dito." Paalam ko.
"Segi po madam! Ingat!" Masigla nitong sagot at saka naman ako lumabas.
Naisipan kong lumabas at magkape na muna dahil ang tagal ko din na hindi nakapunta sa paborito kong cafè.
I'm also planning to visit Yuno and Hyacinth dahil ilang linggo kona din silang hindi nakikita. Abala din kasi ako sa kompanya at halatang haggard na haggard na ang pagmumukha ko.
Nasa parking lot na ako at hindi pa nakakapasok sa kotse ko ng dumapo ang tingin ko isang kotse sa 'di kalayuan.
Literal na namilog ang mga mata ko ng makita ang lalaking lumabas at dere-deretsong naglakad sa gawi ko.
Hindi ko alam kung bakit, pero tila bumabagal ang takbo ng oras habang pinagmamasdan ko ang perpekto nitong mukha.
His towering height, perfect and pointed nose, pinkish and kissable lips, and most especially, his dazzling eyes..... He is the person who stole my heart, but also broke and shattered me into pieces.
"I might melt right in front of you if you keep staring at me like that." Duon na ako natauhan ng magsalita sya sa harapan ko.
Hindi ko manlang namalayan na nasa harapan kona pala sya.
T*ngina mo luna! Umayos ka nga!
"Ano'ng ginagawa mo dito?" Kunot nuong tanong ko pero nagulat nalang ako ng bigla nya akong yakapin ng mahigpit.
Narinig ko pa itong bumuntong hininga habang mahigpit akong niyayakap.
"Ilang bwan kitang hindi nakita, mahal ko. Normal lang naman siguro na mamimis kita 'di ba?" He stated and i felt that he smelled my hair.
Gusto ko syang itulak pero hindi ko alam kung bakit tila may pumipigil sa'kin na gawin ang bagay na 'yun.
His warmth. Para bang napapakalma ako nito.
"L-layuan mo nga ako!" I tried to insist.
Ilang sandali pa ay kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ako nito sa mga mata.
Akmang mag sasalita na ito ng bigla akong tumalikod.
Hindi kona hinintay na kontrolin nanaman ako ng nararamdaman ko kaya pumasok kaagad ako ng kotse ko at nilock ang pinto.
Mabilis kong binuhay ang makina ng kotse ko ar pinaharurot ito.
Habang nag mamaneho ay hindi ko mapigilang hawakan ang dibdib ko at pinakiramdaman ang tibok ng puso ko.
What the hell is happening to me? Bakit parang iba ang nararamdaman ko?
Gumising ka Luna, wag mong kalimutan ang ginawa ng lalaking 'yun.
I tried to calm myself until i reach at the cafè.
Naguguluhan man ay pilit kona lamang na iwinaglit sa isipan ko ang kung ano'ng nangyayari sa akin.
BINABASA MO ANG
Shattered
Romance"I'll going to help you..." She said while looking at his eyes. "Ako lahat ang mag babayad para sa operasyon ng nanay mo. I'll do everything to save her." His face suddenly brightens when he heard those words from her. "But in one condition." Pain a...