~Chapter 3~

28 1 0
                                    

Kathryn's POV

"Palagi kaya akong nakakatulong ate!" Sabi ni Gina at nag cross arms "Huwag ka ngang ganyan Gina! Hindi mo bagay! Cross arms, cross arms ka pa diyan eh! Nag mukha ka tuloy na isip bata na dugyot! Ewww!" Sabi ni Agnes at tumawa. Nag pout naman si Gina. Kaya medyo napatawa ako ng mahina.

"Kasasabi ko lang Gina eh! Nag pout ka pa! Nag mukha ka tuloy na pato! Ewww!" Pang aasar ni Agnes kay Gina. Umirap naman si Gina "Alam mo ate? Dapat mag bati na kayo ni Kuya Xander para Pangako Sayo na!" Sabi ni Gina at umirap pa. Mas lalo namang lumakas tawa ni Agnes

"Sinasabi mo Gina? Nag mukha ka tuloy na baliw!" Sabi naman niya at tumawa nanaman ng napakalakas "Kapangalan niyo kasi si Agnes at Xander sa Forevermore!" Sabi naman ni Gina at sumandal sa chest ni Joaquin

"Ehem... Bawal PDA" Sabi ni Agnes at binato ang bote kay Gina. Yung walang laman ah? Yung plastik na bote! "Dun ka kasi sa Xander mo ate! Para hindi ka mainggit!" Gina tas tumawa.

"Oo nga noh! Kapangalan mo yung nasa Forevermore!" Sabi ni Sof at tumawa. Nag 'boring-look' naman si Gina "Alam na namin ate. Late ka na. Nandito na kami sa Canada. Ikaw nasa airport ka palang" Sabi naman si Gina. Hahaha! Tangin*ng Gina na yan! Kung ano anong sinasabi! "Eh paano ba naman kasi hindi niyo ako ginising kaya nahuli ako sa flight!" Sabi ni Sof at nag acting na umiiyak. Sinakyan kasi ni Sof yung joke ni Gina

"Hay nako! Tumahimik kayo diyan!" Sabi ni Agnes at tumayo. Nag acting siya na susuntukin niya si Gina. Parang totoo naman "Jusko po! Ayaw ko pong ma black eye! Dahil kay ate Agnes! Bigyan niyo po ako ng kambal na strawberry at ibibigay ko kay Ate Agnes! Para po kumalma na siya!" Sabi naman ni Gina at nag acting na nag pe- pray

"Oo na!!! Oo na!!! Kayo na!!! Kayo na ang best actress!!! Acting kayo ng acting diyan! Mga P*tangina niyo!!! Huhuhu!!!" Sofia. Nag mumura pala toh? Di halata. Honesto! Promise! "Huhubells! Ang bad mo ateee! You say masamang salita saakin! Pakyu ka ate!" Gina. Pinipigilan naman ng boyfriend niya yung tawa.

"Pfft" Sof. Pinipigilan niya yung tawa niya. Pero halatang natatawa na siya. Namumula na siya eh "Yuck!!! Sinong umutot? Its so mabaho!" Gina. Tas tinakpan niya ilong niya.

"Ewan ko sayo Gina! Punta tayo sa Fish pond! Para makalanghap tayo ng fresh air!" Sabi ni Agnes at hinihila hila si Gina. Umirap naman si Gina "Fresh air! Fresh air diyan! Puro nga maduduming hangin dito eh! Tas sasabihin mo fresh air?" Gina

Bigla namang may humawak sa kamay ko. Tinignan ko kung sino at si Daniel yun. Ngumiti siya saakin at nginitian ko rin siya. Sumandal naman siya sa balikat ko. Naaantok nanaman siguro.

"Ate Agnes! Paki kuha yung Baygon! Ang dami kasing langgan dito oh!" Gina. Mapangasar talaga tong babaeng toh! "Punta na kasi tayo sa fish pond!" Pag pupumilit ni Agnes

"Sige na nga! Tayo na! Lahat tayo pupunta!!!"Sabi ni Sof at lalabas na sana ng... "Lalabas di mag tiye- tiyenelas" Gina "Siyempre mag tiye-tiyenelas noh!" Sabi ni Sof lalabas na sana siya ng...

"Mag tiye- tiyenelas lang? Di pupunta sa fish pond?" Gina "Pupunta nga tayo diba?!" Iritang sabi ni Sof "Pupunta lang? Di na uuwi?" Gina

"Siyempre uuwi!" Sabi ni Sof at nag kamot sa batok " Uuwi lang? Di na matutulog?" Sabi ni Gina. Halatang inis na inis na si Sof "Siyempre matutulog!!!" Sof

"Matutulog lang? Di na gigising?" Gina. Hindi na nakapagpigil si Sof at hinampas si Gina sa braso "Duh? Its so mahina!" Gina

"Tara na! I cant wait na eh! Excited na me!" Sabi ni Gina at lumabas. Nag tawanan naman kaming lahat "Ganun talaga yun! Madaldal!" Sabi ni Sof at lumabas na sila ni Marc. Pati narin si Agnes. Kaya kami nalang ni Daniel ang nandito sa loob. Nakapikit parin siya

The Walking Dead (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon