SUMASAKIT na ang ulo ni Max. Ni-adjourn niya ang client meeting sa isang annulment case at tinungo na ang sariling opisina matapos kausapin saglit ang sariling kliyente. Ang law firm na iyon ay dating pinamamahalaan ng kanyang papa nong kabataan nito as a practicing lawyer. Tumigil lamang iyon ng maging justice sa Court of Appeals. Now Max is senior partner as well, at pawang malalaking kliyente ang hawak ng Tantoco, Narvassa, Padilla and Associates.
Ayaw na ayaw niyang humawak ng family law cases. Ang forte niya ay tax at corporate law—kung saan kapag naisatama ang mga figures ay natatapos ang usapan. Madaling imanipula ang mga numero, may pormulang sinusunod at hindi kailangan ng samu't-saring emosyon.
Pero ang magsilbing arbiter sa mga mayayamang nag-aaway away sa mana, child custody, annulment—iyon ang ayaw niya dahil bukod sa matagal ang proseso ay nadadamay siya sa family drama ng kanilang kliyente. At ayaw niya noon.
Nang marating ang sariling opisina, naghagilap siya mula sa overnight kit ng aspirin o maski Biogesic na natira roon but two crimson and white envelopes on top of his desk caught his attention. Pamilyar sa kanya iyon. Nang damputin niya ay tama nga ang kanyang hinala--it was his kids' report cards. Nakasulat in pretentious font sa harap ng envelope ang mga letrang Reedley International School, ang address nito at insignia. Naka-attention iyon sa kanya, as usual—Atty. Maximilien Tantoco III. Binuklat niya iyon at panandaliang nakalimutan ang paghahanap ng gamot. The contents made him frown. He opened the next and he was even more dumbfounded.
He started to pick up the phone pero tumigil ang kamay niya halfway at napatingin sa orasan. Alas dos pa lang. Alas dos dinidismiss ang mga klase ng mga ito pero tiyak na wala pa ang mga iyon sa bahay at nasa daan pa lang. Lalo yatang lumala ang sakit ng kanyang ulo!
---
"C IN SCIENCE?!" dumadagundong ang boses ni Mac sa loob ng pink and white na kwarto ng panganay niyang si Mackenzie. Nakaupo sa edge ng Princess canopy bed ang nine-year old katabi ang younger brother nito na si Mitos. Minabuti niyang ipunin ang dalawa sa isang lugar para hindi na siya mag-ulit ng sermon.
"Daddy, Miss Stacey hates me," katwiran ng anak niya.
Nakapantulog na ang dalawang bata dahil pasado alas otso na siya nakarating ng bahay. Kung tutuusin ay bed time na ng mga ito.
"She's mean," segunda naman ng seven-year-old na si Mitos. "She makes the boys dig up earthworms in the playground." Nangilig pa ito na animo'y kilabot na kilabot.
"Isa ka pa," baling ni Max sa bunso. "You failed in Math!"
Yumuko si Mitos. "I'm sorry daddy."
"Hindi ba kayo natututo sa school niyo? Hindi ba kayo nakikinig? Magaling na tutor si Miss Gabriel, pero ano ang ginawa niyo? Kinunsumi niyo nang kinunsumi kaya hayun, nilayasan kayo."
"She has a crush on you, daddy" nakatingalang sabi ni Mac.
"What?" frustrated na baling ni Max rito. Payat, malalaki ang mata at higit sa lahat—trenta y seis na ang nasabing tutor ng dalawang pasaway. He hired her upon Faye's recommendation. Si Faye ang isa sa mga associates sa law firm. Single ito pero maraming pamangkin. Ang kaso, the kids called Miss Gabriel Olive a.k.a Popeye's sweetheart. To her face.
"She's stupid too." Patuloy ni Mac.
"Ah, kaya pala bagsak ka sa Science at barely passing ang iba mo pang subjects. Kasi mas magaling ka pa kesa sa isang graduate ng Child Studies? Ganun ba?" halos ihilamos niya ang kamay sa sariling mukha.
Parang hindi na yata niya kakayanin ito. Mula nang yumao si Evelyn four years ago ay lost na siyang maituturing. Sa kanya naiwan ang responsibilidad ng pagpapalaki sa mga anak, bagay na hindi niya lubusang napaghandaan dahil hindi niya napagtuunan ng pansin ang mga ito before Evelyn's death. He got married just as he was a rising star in his father's law firm. Umuuwi lang siya sa bahay noon para matulog at magbihis. Hindi niya napansing lumalaki na pala ang mga anak niya until Evelyn succumbed to breast cancer. Napakabata pa ng asawa niya nang kunin ito mula sa kanila. He had to be there for his little children.
YOU ARE READING
Freddy, The Nanny
RomanceFreddy was desperate to find a job, any job, to save money and prove to her parents that she can make it on her own. It was a great coincidence that Max needed a governess for his kids. And Freddy, no matter how unusual, seemed to fit the bill. Spar...