"Max? Huwag ka'ng magalit ha, sugo lang ako. But are you seeing someone these days?"
Napatingin si Max kay Devon. Sa edad na 35 ay bachelor pa rin ito. Pero kilalang playboy sa buong opisina. At numero unong chismoso.
"Bakit mo naman nasabi 'yan?" tanong niya rito. Isinukbit niya ang suit coat at hinagilap ang car keys mula sa bulsa. Palabas na siya ng opisina noon. "Are you asking me out?"
Humalakhak ang lalaki. "Napapansin ng staff lately, maaga ka na laging umuwi. Dati alas siyete na, nandito ka pa."anito sumabay ito sa kanyang maglakad.
"Well, I just need to spend more time with my kids, that's all," the girl who worked for me told me so, dugtong ni Max sa isip.
Umismid si Devon. Mestiso ito at katamtaman ang tangkad na nabawi sa magandang pangangatawan na produkto ng gym. "Are you sure wala ka'ng tinatago sa amin, counselor? Faye is a little worried. Last month pa daw kayong huling lumabas."
Napailing si Max. "Those meetings were mostly due to business. At wala kaming relasyon ni Faye," aniya rito. He pushed the down arrow sa elevator banks.
Devon chuckled. "Hindi matutuwa si Faye kung maririnig ka niya. So, between us guys, sino nga ang pinagkakaabalahan mo, pare? I swear I won't tell."
"My kids are flunking subjects kaya kailangan ko silang pakatutukan." Simple niyang paliwanag.
Hindi siya magpupursigeng kumbinsihin ito. Dahil likas na palikero, natural na ito rin ang isipin nito sa ibang mga lalaki.
"Okay, okay, I get it, you're not telling,"itinaas nito ang dalawang kamay in mock surrender. "But listen, we need to work on those files for Komikon, is Saturday good enough for you?"
Isang labor dispute sa pagitan ng isang manufacturing company at ang union nito ang hinahawakan nila sa kasalukuyan.
"Okay, Saturday I'll be home. Kung gusto mo, dumaan ka around ten. Kung wala ka'ng date nun." iyon lang at pumasok na sya sa nakabukas na elevator.
While driving home, napaisip si Max. May katotohanan naman ang obserbasyon ng mga tao sa opisina. Simula nang mawala si Evelyn, he had buried himself in work. He was always the first one in and the last one out. But lately, ayaw na niyang makita ang mapanumbat na sulyap ni freddy tuwing umuuwi siya at bed time na ng mga bata. Wala man itong sinasabi, mapangusap naman ang mga mata nito. She did not need to say anything to get her message across. Kaya yun, pagpatak ng 5.30 pm, he was leaving the office. Dati, 7.30 to 8 pm pa ang uwi niya. That way, he could join the kids for dinner and even tuck them in to bed. Then he would log back in to work for a couple of hours before turning in himself. It had been a pleasant two weeks, if he were honest about it.
---
"HALLOWEEN party?" kunot-noong tanong ni Max kay Freddy. Nakatayo ito katabi ang mga anak niya at halatang pinagplanuhang ang pag-ambush sa kanya bago siya makatulog.
Tumango ang tatlo. "Gusto ng mga kaklase ni Mac na siya ang mag host ng annual Halloween Party ng class. It's supposed to be big deal na mautusang magpakain sa kanila," si Freddy na halatang tinalagang spokesperson.
Siniko ni Mac ang dalaga. Bahagya, pero hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Mac.
"They're supposed to bring food din daddy, pero yung venue sa atin. And I have to organize games and stuff."
HUmalukipkip si Max. "Ano'ng oras naman ito?"
"Six pm daddy, bukas." Sabat ni Mitos, ayaw pahuli sa diskusyon.
"At bakit ka naman kasali rito?"
"We're dressing up, isusuot ko ang spiderman costume ko," halatang excited ang bunso niya.
YOU ARE READING
Freddy, The Nanny
RomanceFreddy was desperate to find a job, any job, to save money and prove to her parents that she can make it on her own. It was a great coincidence that Max needed a governess for his kids. And Freddy, no matter how unusual, seemed to fit the bill. Spar...