NADISMAYA si Freddy sa nakitang kalat sa nursery.
Ang alam niya ay kay Mac iyon. May project ito diumano sa klaseng Man and Civilization at kailangan daw gumawa ng 3D illustration Map.
Freddy bent down to start cleaning up.
Hindi pa man siya nagtatagal sa bahay ng mga Tantoco ay kabisado na niya ang routine ng mga tao roon.
Hindi na nila naabutan si Max sa umaga. Alas seis pa lang kasi ay nakaalis na ito.
Ang mga bata naman ay ready nang lumarga by 7am. Sa hapon, pagkadating nito, nagmemeryenda sila.
Pagkatapos ay ginagawa ng dalawa ang mga homework, at binabantayan niya ang mga ito habang ginagawa iyon.
Pinag-uulat din niya ang mga ito kung ano ang lesson na pinag-aralan. Inaalam din niya kapag may impending quiz o unit tests and mga ito at tinutulungan niyang mag-review.
Sa bawat segundo ay aware siya na nakasalalay sa performance ng dalawa ang kapalaran niya sa poder ng mga ito. Kahit pansamantalang gig lang ang pagiging yayey niya sa mga ito ay may pride sa trabaho si Freddy. Pinagyabang niya ang sariling kakayahan kahit na wala naman siyang experience sa pagtuturo. Kaya pressured siya na patunayan iyon sa amo.
Nang masimulan niya ang pagtuturo sa dalawa ay saka niya na-realize na hindi ganun kadali ang pagiging tutor slash nanny sa mga ito.
Ang advanced ng turo sa school ng mga ito. Kumpara sa public school sa probinsya, mas intense at exhaustive ang curriculum sa school nila Mac.
Napakaraming proyekto at homework na pinapagawa. It was to make sure na hindi lang superficial learning ang nakukuha ng mga estudyante from rote memorization o pagbabasa sa text book. They also had to go to exhibitions, museums, teatro, film showings, at kung anu-ano pang educational trips. Pinag-bubuo ng short play, pinasusulat ng tula or kanta, at pinagagawa ng sangkatutak na arts and crafts na related sa kung anumang subject ang pinag-aaralan ng mga ito ang mga bata. Kumbaga ay total immersion sa subject matter.
Kung tutuusin ay effective iyon. Mas nareretain ang information in the long term.
Kaya lang ay nakakapagod at nakakakulta ng utak. Hindi katakatakang na burn out ang dalawa. Bukod sa walang oras para dito ang daddy ng mga ito, the kids were still grieving for their mother. The mountain of school work and extra-curricular activities were just too much for them.
Isa pa iyong rason kung bakit ganun nalang ang paghahangad ni Freddy na maging successful ang dalawa. Kahit papano ay nakakaaawa ang mga ito. She wanted to help in any way she can habang naninilbihan siya sa mga ito.
***
She had not seen or talked to Max simula nang makalipat siya sa bahay ng mga ito. Kapag weekends naman ay lumilipat siya sa mga tita Mercy. Off niya iyon.
YOU ARE READING
Freddy, The Nanny
RomanceFreddy was desperate to find a job, any job, to save money and prove to her parents that she can make it on her own. It was a great coincidence that Max needed a governess for his kids. And Freddy, no matter how unusual, seemed to fit the bill. Spar...