"Ikaw? Tutor?"
"Naiinsulto naman ata ako sa tono niyo," sagot niya rito.
Sa asta nito, parang inalok niya itong kumain ng buhay na sawa.
"College graduate naman ho ako, at elementary pa lang naman po 'yang mga anak niyo, I'm sure kayang-kaya ko silang turuan. Nagturo na din ako ng mga Koreans noong college ako, tumuwid ang dila nila sa akin."
Dalawang araw ang ginugol ni Freddy sa urong-sulong na desisyon at ngayon lang niya naipon ang sapat na tapang para bumalik sa mala-fortress na bahay ng mga Tantoco.
And she was standing in front of Max in his office sa baba ng bahay.
Pang-abogado de kampanilya talaga ang opisinang iyon, sa isip ni Freddy. Oak ang paneling ng naturang opisina, the walls were lined with bookshelves ng nagkakapalang libro. Nabasa ba nito lahat ng mga librong iyon?
At sa likod nito ay ang ego wall: mga diploma, bar certificates, mga plake, awards, at kung anu-ano pa. Hindi ito basta-bastang tao. Pero hindi rin naman siya basta-bastang babae, pagkukumbinse ni Freddy sa sarili.
But Max was shaking his head. "My kids don't need to learn English. They already go to an International School at lahat ng kausap nila doon ay English ang gamit. Ang kailangan nila ay guidance sa subjects tulad ng Math, Science, History. Kailangan nila yung tutok sa pagtuturo, yung may structure, para mag-improve ang performance nila sa school. They're very smart kids and their grades aren't showing it."
"Kaya ko din naman ho iyon eh. Tutulungan ko lang silang mag review, babantayan ko sila para mag-aral at hindi maglaro. Sabi niyo nga, matatalino sila. Obviously ang kailangan lang nila ay matinding supervision gaya ng ibang mga bata. Di nila kailangan ng dalubhasang tutor dahil sigurado ako'ng maganda naman ang turo sa school nila."
Tiningnan ni Max ang dalaga, na hindi umupo gaya ng offer niya rito pagkapasok kanina. Puting t-shirt at gray na slacks ang suot nito, pero open toed ang sandals. It was the first time na nakita niya itong hindi nakamaikling palda o shorts.
"Why would someone like you, college grad, want to be a glorified nanny to my kids? How do I know na hindi ka mabu-bore after a couple of weeks and leave us in the lurch kapag nakahanap ka ng ibang trabaho?"
May punto naman talaga ito. "Eh wala pa po akong masyadong experience. And you have my word, atty Max. Hindi ko ho basta basta iiwan ang trabaho ko. I know how to be professional. I will give you enough notice kung sakaling aalis na nga po ako. Basta marangal at honest na trabaho lang naman po ang hinahanap ko."
"Okay, where is your resume?" anya at ibinuka ang palad sa direksyon nito. He decided to humor her. For some reason, nalilibang siyang makipag-usap rito.
"Eh, kailangan pa ba yun? Kilala niyo naman na ako." Freddy was saying.
"Of course I need your resume. Kailangan ko'ng malaman kung ano ang credentials mo, kursong natapos, work experiences, references. I will also need a police clearance and NBI clearance. Patutuluyin kita sa pamamahay ko at ilalagay ko sa pangangalaga mo ang mga anak ko. I can't just pick people up from the street."
"Hindi naman po ako galing sa kalye. Kilala niyo ang tita ko. Magkatabi ang mga bahay natin. Maririnig niyo nga ako'ng kumanta habang naliligo ako eh."
Muntik na'ng mangiti si Max pero pinigilan niya ang sarili. Mukhang seryoso ito sa paghingi ng trabaho. In the meantime, Mac and Mitos are without a governess. Kailangan na niyang magdesisyon ukol sa bagay na ito sa lalong madaling panahon. Faye from the law firm had already given him some recommendations. Kung tutuusin, dapat isang araw pa niya iyon napagtuunan ng pansin.
YOU ARE READING
Freddy, The Nanny
RomanceFreddy was desperate to find a job, any job, to save money and prove to her parents that she can make it on her own. It was a great coincidence that Max needed a governess for his kids. And Freddy, no matter how unusual, seemed to fit the bill. Spar...