Her Solace

69 14 6
                                    

Tatayo na sana ako upang sumilong sa pinakamalapit na pwedeng silongan nang biglang bumuhos ang pagkalakas-lakas na ulan. Hindi kakikitaan ng ano mang senyales na uulan sa araw na ito kaya naman hindi na ako nag-dala pa ng aking payong.

"Huwag na nga lang, total basa na rin naman ako. Wala ng silbi kung sisilong pa ako." Pagsasalita ko sa isip ko.

Bumalik ulit ako sa pagkaka-upo ko sa ibabaw ng basa na rin at madamong puntod ng aking nanay. Hinaplos-haplos ko ang lapida ni Mama na para bang mukha niya ito.

"Ma, bakit pakiramdam ko sinasabayan ako ng langit sa lungkot na nararamdaman ko? Biruin mo eksaktong nagsasabi ako sa iyo ng mga nararamdaman ko saka naman bumuhos ang malakas na ulan, hahaha." Sambit ko na para bang naririnig ako ng aking nanay.

Hindi ko na namalayan ang aking luha na matagal na pa lang umaagos sa aking pisngi mula sa aking mga mga mata. Nang maramdaman ko na naman ang pagbigat ng aking dibdib ay hindi ko na napigilan ang muling pagbuhos ng aking mga luha kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan. Dahil sa pagod na nararamdaman ko ay hindi ko na rin napigilang mahiga sa basang grass at ginawang unan ang lapida ng puntod ng aking nanay.

Sa pagkakahiga ko ay ramdam ko ang pagbagsak ng bawat butil ng ulan na dumadampi sa aking mga balat lalong-lalo na sa aking pisngi. Ninamnam ko ang bawat hangin na kasama ng pagbuhos ng ulan na humahagod sa aking balat. Sa posisyon kong ito inalala at sinariwa lahat ng mga bigat na aking nararamdaman na dahilan kung bakit narito na naman ako sa puntod ng aking nanay.

"Kailan ba matatapos ang lahat ng ito?", "Bakit mo ako pinaparusahan ng ganito Diyos ko?", "Ano ba ang naging kasalanan ko sa iyo?". Mga tanong na paulit-ulit kong isinasambit habang pikit-matang nakahiga parin at dinadama ang bawat patak ng ulan.

Pakiramdam ko'y nanghihina ako. Pakiramdam ko'y tumatakbo ako na walang patutunguhan. Pakiramdam ko'y takot na takot ako. Hindi ko na kaya pang ilarawan ang aking mga nararamdaman. Basta ang kaya ko lang sabihin at gawing paliwanag sa lahat ng nangyayari ngayon sa akin ay... Pagod ako at kailangan ko ng totoong pahinga, katahimikan at kapayapaan.

Tumagal ng halos sampung minuto ang posisiyon kong iyon. Napabalikwas ako ng bangon ng biglang may naramdaman akong yumuyugyog sa aking balikat at para bang pinipilit akong gisingin at ibangon mula sa aking pagkakahiga.

"Ano ba?". "Ano bang problema mo? Sino ka ba? Bakit mo ba ako pinakiki-alaman?" pagalit na sigaw ko sa taong nang-iistorbo sa akin.

"Ah... pasensya ka na, akala ko kase kung napano ka na diyan", malumanay na sagot niya.

Sasagotin ko na naman sana ito ng pagalit na sigaw ngunit natigilan ako. Kumabog ang aking dibdib. Nagsimulang manginig ang aking mga kamay. Pakiramdam ko'y tumigil sa pag-ikot ang aking mundo.

Iyong boses na iyon! Kilala ko ang may-ari ng boses na iyon! Hindi! Hindi pwede! Tatayo na sana ako para tumakbo at umalis ng biglang hawakan ng taong iyon ang aking kamay at pilit akong pinapaupo.

"Sabi ko na nga ba at ikaw iyan",pagsasalita niya.

"Bitawan mo ako, hindi kita kilala", pilit kong inaagaw ang kamay ko sa kaniya pero pilit niya rin itong hinahawakan ng mahigpit, marahan na mahigpit para hindi ako makawala.

"Isabelle", malumanay niyang pagbanggit sa pangalan ko.

Mas lalong nanginig ang aking katawan ng marinig ko ulit sa unang pagkakataon ang pagbanggit niya sa aking pangalan. Ang sakit. Ang sakit sa damdamin na marinig muli ang pagbanggit niya sa pangalan kong maliban sa nanay ko ay siya lang ang gumagamit nito upang tawagin ako.

"Parang-awa mo na bitawan mo ang kamay ko, nasasaktan ako", pagdadahilan ko. Umaasa na sana ay bitawan niya na ang pagkakahawak sa kamay ko. Sumunod naman siya, dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko. Nang hindi ko na mahintay na tuloyan niya akong bitawan ay ako na mismo ang humila sa kamay ko at naglakad na ng mabilis papunta sa aking sasakyan. Ngunit, hindi ko namalayan na nakasunod pala siya sa akin at bago pa ako makarating sa aking sasakyan ay hinila niya ulit ang aking kamay kaya naman ngayon ay nakaharap na ako sa kaniya. Ano ba 'tong taong to bakit ang hilig manghila, nakakadalawa na 'to ah!

Her SolaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon