Kayllie's POV
Touchdown Manila..
It's so good to be back! I am back! Yes, nandito na kami sa Pinas. Nandito na kami sa labas, waiting for our sundo. Naka-disguise ako ngayon. Buti nalang walang press, wala rin kasi akong pinagsabihan na pupunta ako ng Pinas except for my manager and my family. Nandito ko para mag-relax at maging normal na tao lang for a while.
Inikot ko ang paningin ko sa paligid, talaga ngang nasa Pilipinas na ulit ako. After almost ten years, I'm back!
Bumalik ako sa katinuan ng kalabitin ako ni Jeff.
"Nandito na sundo natin, lumilipad isip mo!" I just give him a smile.
Sumakay na kami sa limo at hinatid kami nito sa Makati, sa condo na binili ko dito 2 years ago.
"Girl, we're here."
Nakatulog pala ako :3 nandito na kami. Sumakay na kami ng elevator, may nagassist samin papunta sa condo ko.
I was amazed nung nakita ko ang ayos ng condo ko. Ang ganda! Ganda talaga ng taste ni Jeff. Haha! Yes, siya ang nagpadesign nito base marin sa taste ko.
"You like it?" Tinignan ko siya at tinanguan. Pumunta ako ng room ko.
"Woaaaaah! Ang laki ng picture ko dito ha hahahaha!"
"Haha! Ganun din naman sa condo mo sa states ah? Para di ka ma-home sick kung sakaling mag-stay ka dito. Tulad nalang ngayon, diba?"
"Awww! Thank you, bruhaaa!"
Akmang yayakapin ko siya ng finace palm niya ako.
"Don't you dare, bru. Magkaka-sakit ako pag dumikit ka sakin!"
"Ang arte mo! Matteo Do ang peg? Na kapag nalagyan ng laway ang pagkain o makiss lang eh lalagnatin na?"
"Ewan ko sayo. Ayusin mo na mga gamit mo jan! Mamimili pa tayo ng ingredients."
"Opo! Tss. Maghahalf bath lang ako."
Inayos ko na ang mga damit ko, 3 months din kami dito. Pahinga narin sa trabaho. Pumasok nako ng banyo at nagshower.
Hmm.. what to wear? Ahah.
At dahil summer at mainit, I just wear a peach sleeveless dress, na above the knee and beige ballerina shoes. Di nako nagmake up. Kinuha ko na ung sling bag ko and I'm ready to go. Alas tres na ng hapon ngayon, 12 noon ata kami nakarating dito kanina.
"Let's go, Jeff"
"Yan lang suot mo?"
"Oo, bakit?"
"Magshades ka, etong rayban ang suotin mo."
"Wag naman yang blue! Yung isa nalang."
"Tsk oh eto na. Tara na, ako na magdadrive ng kotse mo."
"Kotse ko?"
"Opo, pinahatid ko dito ung kotse mo."
"Aling kotse?"
"Ferrari mo. Tara na!"
"Talaga? Oh my! I so miss my baby ferrari!"
Nang maka-baba kami sa parking lot, nakita ko na agad ang baby ko!
Niyakap ko ang baby ferrari ko. Waaah! Oo, literal na niyakap ko talaga!
"Namiss kita baby koo! Waaah!"
BINABASA MO ANG
May Forever nga ba?
Teen FictionKayllie and Sam was head over heels inlove with each other. But one day, nagbago ang takbo ng storya nilang dalawa nang dahil sa isabg pagkakamali. Maging hadlang kaya ito sa kanilang pagmamahalan? o maging isang pagsubok upang maging mas matatag an...