Kayllie's POV
Inalalayan ko siyang tumayo at nagpunta na kami sa cottage. Tumabi na agad siya sa papa niya. I think he's a daddy's girl. Ang saya nilang tignan mag-ama. Bigla nalang parang may tumusok sa dibdib ko at automatic na biglang nagflashback yung nangyari dati..
Flasback (ten years ago)
Hi! I'm on my way to my boyfriend's crib. Birthday ng ate niya eh. Invited ako syempre pati narin iba naming friends. Close na close ako sa family niya.
"Happy birthday, Ate Krish!" Nagbeso kami at naghug, at binigay ko sakanya ang gift ko.
"Thank you future sister in law!"
"Sister in law ka jan! Haha! Uhm ate.. si Sam?"
"Sam? Ah andun sa loob. Nandun narin ang iba niyong friends."
"Okay ate. Punta lang ako sakanila ah, happy birthday ulit!"
"Okay, thanks ulit pretty sister!"
Pumasok na ako sa loob ng bahay nila.
"Hi guys!"
Napatingin naman sila sakin at parang nakakita ng multo.
"Parang nakakita kayo ng multo ah. May problema ba?"
Umiling lang sila at tumingin kay Sam.
"Sammy! Namiss kita!" Hinug ko siya. Hinug niya din ako. "Namiss din kita." Err, anlamig. Yung hug niya parang ang lamig ang bigat. Tama ba yung nararamdaman ko o nababaliw lang ako. Haha! Oo nababaliw lang ako.
"Yiie!" Pagkatapos namin maghug tinignan ko na ulit sila.
"Tapos na ang holy week pero ung mukha niyo pang biyernes santo! What's with you guys?"
"Wala noh! Diba guys?" Sabi ni Jodi. Um-oo naman yung iba.
Feeling ko talaga may mali eh. Meron silang hindi sinasabi sakin eh. Pero.. hay! Di ko nalang papansinin yun, it's ate krish's bday, dapat happy lahat! Kumain lang kami at nagkwentuhan the whole day. Nung mga hapon na, nagpaalam na sila na uuwi na raw kaya kami nalang ni Sam ang naiwan.
"Sammy.. sammy.. sammy kooo.."
"Oh?"
"May problema ba?"
Tinignan niya lang ako, sa mata niya kita ko ng may problema. Yung mga tingin niya, super cold.
"Wala. Bakit mo natanong?"
Wala. Lagi nalang wala. Alam ko meron eh.
"Uhm. Wala lang. Natanong lang." Di nalang ako nangulit kahit alam kong meron silang di sinasabi sakin. Kinakabahan tuloy ako. Sobrang sweet naman niya nung nakaraan, tapos ngayon bigla nalang magiging cold. I know something or someone's bothering him. I know, I feel may problema dito.
"Uhm, uwi nako ah. Maggagabi na, paalam lang ako kay mama at ate."
Mama tawag ko sa mama niya.
"Ma, ate. Uwi na po ako." Bineso ko sila. "Osige, ingat ka nak ha? Pahatid ka na kay Sam."
"Nako, Ma. Wag na po. Kaya ko po umuwi mag-isa tsaka baka pagod na po si Sam. Sige po, una po ako ah. Happy Birthday ulit ate."
Umalis nako at dumiretso sa sala kung saan nandun si Sam, tulala.
"Sam.."
"Ah. Oh?"
BINABASA MO ANG
May Forever nga ba?
Novela JuvenilKayllie and Sam was head over heels inlove with each other. But one day, nagbago ang takbo ng storya nilang dalawa nang dahil sa isabg pagkakamali. Maging hadlang kaya ito sa kanilang pagmamahalan? o maging isang pagsubok upang maging mas matatag an...