I

1.2K 72 0
                                    

isinulat ni Kalihim shieeee_mayyyy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

isinulat ni Kalihim shieeee_mayyyy

isinulat ni Kalihim shieeee_mayyyy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

( Likha ni Kalihim Warfoxxx)



        SI BINIBINING MIA o kilala din sa kaniyang sagisag-panulat na UndeniablyGorgeous ay isa sa mga kilalang manunulat ng makabagong henerasyon. Nakilala siya sa kaniyang best-selling historical-fiction novel na I Love You Since 1892 na siyang naging daan upang magbago ang kaniyang buhay bilang isang manunulat. Siya ay ipinanganak noong ika-17 ng Abril taong 1997 sa Daet, Camarines Sur. Sila ay apat sa kanilang pamilya at siya ang mas matanda kaysa sa kaniyang isang kapatid. Mailalarawan niya ang kaniyang ama bilang isang palabiro at ang kaniyang ina naman bilang isang mahinahon at makabuluhang mangusap. Ang kaniyang kapatid naman ay inilalarawan niya bilang matalino at maaasahan.


       Simula sa kaniyang pagkabata ay mahilig na siya sa mga kwento patungkol sa kasaysayan o di naman kaya'y mga alamat. Paborito niya rin ang mga asignaturang may kinalaman sa literatura, panitikan, at araling panlipunan. Sa murang edad ay nakakahiligan niya ang mga bagay na may kinalaman sa pagsulat, tulad ng mga sulating pangwakas o formal theme. Nag-umpisa si Binibining Mia na magsulat ng mga kwento sa kaniyang kuwaderno at ang unang naisulat niya ay isang kwento na may temang katatakutan para sa kanilang proyekto at ito patungkol sa isang babaeng multo na hinahanap ang taong kumitil sa buhay niya. Nakapag-sulat din siya ng kuwentong pambata na kaniya ring ibinahagi tungkol sa isang paru-paro na nawala dahil sa pagsuway niya sa kaniyang ina. Kaniya ring nabanggit sa isa sa mga #AskBbMia na naganap sa BMS Official Group na siya ay mahilig sa mga bata at may mahabang pasensiya siya para sa mga ito. Madalas rin lumahok si Binibining Mia sa mga patimpalak sa kanilang eskwelahan na may kinalaman sa pagsusulat dahil sa hilig niya rito.


        Si Binibining Mia ay kumuha at nakapagtapos ng kursong Bachelor of Science in Psychology bilang kaniyang pre-med course. Kung siya ay hindi isang manunulat ay maaaring siya ay isang doktor o nag-aaral upang maging isang doktor sapagkat iyon ang nais niyang maging propesyon kaya siya ay kumuha ng kursong may kinalaman sa larangang medikal. Bukod doon ay may hilig si Binibining Mia sa pag-guhit at pag-pinta na kaniyang nililinang.


        Matapos ang tagumpay ng kaniyang mga akda ay aminado si Binibining Mia na nabago nito ang kaniyang buhay. Para sa kaniya, ang pagsusulat ay nagsilbing paraan niya upang maglabas ng kaniyang damdamin.



"Sa pagsusulat ko ibinubuhos lahat ng mga gusto kong sabihin, mga karanasan, paniniwala o prinsipyo na gusto kong ilathala nang sa gayon ay mapanatag ang loob ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sa pagsusulat ko ibinubuhos lahat ng mga gusto kong sabihin, mga karanasan, paniniwala o prinsipyo na gusto kong ilathala nang sa gayon ay mapanatag ang loob ko. Ang sarap sa pakiramdam kapag nailabas mo lahat ng iyong saloobin sa pamamagitan ng isang istorya."

- Binibining Mia Alfonso,
#AskBbMia - Aug. 23, 2021

 23, 2021

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



        "Everything happens for a reason, always do what you are afraid to do, when one door closes, another opens, and in God's perfect timing." Ito ang mga salitang pinanghahawakan ni Binibining Mia sa tuwing siya ay pinanghihinaan ng loob.


        Ang kaniyang pagsulat ay nagbukas ng mas maraming oportunidad. Nakatulong ito sa kanilang kakayahang pampinansiyal at nakatulong rin ito sa kaniyang sarili na lumakas ang kaniyang loob na humarap sa madla.





- END of Anino -


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ibahagi ang librong ito at gamitin ang #LODSUnwritten at #AngTalambuhayNiBbMia sa iyong post. Maraming salamat, Sunshines!

-BMS Las Obras De Sunshines

UnwrittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon