II

823 38 4
                                    

isinulat ni Kalihim BianDaRaine

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

isinulat ni Kalihim BianDaRaine


        SA MURANG EDAD, mahilig na magsulat si Binibining Mia. Nagsimula ang kaniyang pagsulat gamit ang kuwaderno at bolpen noong 2010. Isang maikling kuwento na patungkol sa magkakapatid na nakatira sa bahay-ampunan ang kaniyang unang isinulat. Hindi na ito mahanap pa ni Binibining Mia ngunit ayon sa kaniya, nakatatak pa rin lahat iyon sa kaniyang isipan.

        Nang sumunod na taon, 2011, una siyang nakatapos ng isang nobela na horror story at tanging ang kaniyang Ina lamang ang nakabasa nito. Nang matapos basahin ng kaniyang Ina iyon, siya ay labis na nasiyahan na sa unang pagkakataon ay ipinabasa niya sa iba ang kaniyang istoryang isinulat.

        Sa taong din iyon, gumawa si Binibining Mia nang isang pambatang kwento para sa kanilang proyekto sa eskwelahan na kung saan ay ikukwento nila sa mga kinder at pre-school. Tungkol ang kwento sa malungkot na paru-paro na pilit nakikisabay sa kanyang mga kaibigan kahit hindi naman siya pinahahalagahan. Malalim at malungkot ang kwento subalit nais lamang ipaliwanag ni Binibining Mia na hindi natin kailangan baguhin ang ating mga sarili at piliting makisabay sa uso at trip ng ating mga kaibigan para magustuhan lamang. Dahil ayon sa kaniya, kahit anong mangyari, tanging ang ating mga sarili lamang ang makakatulong at makakapagbigay ng kapayapaan sa ating buhay. Hindi natin kailangan ng pagsang-ayon ng iba at makisabay sa uso para maging in at cool kids.

        Sa unang pagkakataon naman nang 2012, sumali sa essay writing contest sa kanilang lugar si Binibining Mia. Kakaibang kaba ang kaniyang naramdaman nang araw na iyon ngunit hindi siya nagpatinag at ginawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya. Hindi man nanalo, mas natuwa siya sa ideyang nakasali na siya sa isang contest kaya siya ay sumubok ulit. Nang 2013, siya sumali muli sa nasabing patimpalak. Hindi rin siya pinalad muli ngunit ayos lamang sa kaniya iyon dahil ang ibig niyang matuklasan ay ang hitsura at pakiramdam sa ibang paaralan kung saan dinadaos ang mga paligsahan.

        Sa parehong taon na 2013, natuklasan niya ang Wattpad sa pamamagitan ng text clan. Nang mag-sign up siya sa Wattpad, ang una niyang ginawa ay nagsulat ng kwento na pinamagatang "My Best Friend's Boyfriend". Teen fiction ito at nasa 84 chapters na ngunit binura niya sa Wattpad dahil hindi pa naayos ang pag-rebisa o pag-edit sa akdang ito. Kung ito ay muli niyang isusulat, ito ay magiging isang maikling kwento na lang ayon sa may-akda.

       Habang ginagawa ang kaniyang unang akda, isinusulat ni Binibining Mia muna sa kuwaderno ang kaniyang naiisip at kapag pwede na gamitin ang laptop, doon niya lamang ililipat ang kaniyang isinulat. Kapag natapos na niya ang isang kabanata, pumupunta siya sa computer shop at doon nilalathala online ang mga kabanata. Totoong nakakapagod ang ginagawa ni Binibining Mia ngunit kabaligtaran ito sa kaniyang nararamdaman, mas nasisisyahan at nalilibang siya. Kahit walang reads, comments o votes ang kaniyang nobela sa Wattpad, masaya siya na unti-unti niyang nabubuo ang bawat kabanata ng kwento. Humuhugot siya ng lakas sa 50 na tagasubaybay na kaniyang kasa-kasama sa Wattpad noon.

UnwrittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon