Liham mula kay Binibining Mia

537 29 0
                                        


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ika-9 ng Hulyo, 2023


Mahal kong Sunshines, 


        Ako'y taos-pusong nagpapasalamat sa inyong pagmamahal at patuloy na pagbibigay liwanag sa aking buhay. Salamat din sa suporta sa inihanda ng BMS na ating "Talambuhay". 

        Nawa'y magsilbing inspirasyon sa inyo ang aking mga ibinahagi sa espesyal na sulatin na ito. At sa mga pinanghihinaan ng loob sa pagsusulat, nawa'y inyong alalahanin na ang landas sa pagsusulat ay mahirap sa simula. Maraming mga tanong sa sarili. Maraming mga hadlang. At madalas, tayo'y pinanghihinaan ng loob. Subalit, ang mga karanasang iyon ay karaniwang tinatahak ng lahat ng mga manunulat. Mahaba ang paglalakbay, mahalaga na magtiwala tayo sa sarili nating kakayahan at patuloy na lumaban. 

         Ako'y naniniwala na binabasa mo ang liham na ito dahil nakalaan ito para sa 'yo. Oo, ikaw, na nagbabasa ngayon. Anuman ang ginagawa mo ngayon. Nasaan ka man ngayon. At anuman ang dahilan kung bakit narito ka sa pahinang ito, ang lahat ng ito ay nakatakdang mangyari. Hinihiling ko na patuloy kang maging matatag sa lahat ng hamon ng buhay. Ikaw ay may kabuluhan. Narito ka dahil may kailangan kang gampanan sa mundo na magiging inspirasyon din sa ibang tao. 


Nagmamahal,
Binibining Mia


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
UnwrittenMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon