III

403 23 0
                                    

Isinulat ni Kalihim emilyeleia

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isinulat ni Kalihim emilyeleia

"Ang lahat ng bagay na pinaghirapan ay may magandang kahihinatnan sa huli

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ang lahat ng bagay na pinaghirapan ay may magandang kahihinatnan sa huli. Malayo man ang iyong tahakin, ang mahalaga ay hindi ka tumitigil sa paghakbang patungo sa parehong layunin kung bakit ka nagsimulang magsulat. At sa iyong paglalakbay, mahalaga na kasama mo ang mga tao at karanasan na magiging iyong kaibigan at liwanag sa mahabang paglalakbay."
- Binibining Mia.

" - Binibining Mia

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Kislap...

        ANG BAWAT PERLAS ay may tinataglay na kislap tulad na lamang ng sinag ng araw na sumisikat mula sa Silangan. Sa tuwing tumatama ang sinag ng araw sa hindi napapagal na mga alon ng karagatan, lumilikha ito ng nakasisilaw na kislap na tila isang repleksiyon mula sa salamin.


      Si Binibining Mia ay isang binibining nagtataglay ng kagila-gilalas na talento sa larangan ng pagsusulat. Ang mga salita, parirala, at mga pangungusap na kaniyang hinahabi ay tila isang bugtungan-binubuo at kinukumpleto nito ang bawat isa. Sinong mag-aakala na ang kaniyang mga akda ay magbibigay ng kislap sa marami? Ang kaniyang mga likha ay obra maestra na nagiging takbuhan ng kaniyang mga mambabasa.




Kislap, alapaap...

        Sa kabilang banda, naging makislap din ang naging takbo ng karera ni Binibining Mia. Ito ay nagsimula sa kaniyang tanyag na akda na "I Love You Since 1882 (ILYS1892)," na siyang umakit sa puso sa maraming mambabasa. Noong Hunyo ng 2017, umingay ang naturang nobela sa iba't ibang social media platforms; nakamit nito ang isang daang libo na mambabasa sa plataporma ng Wattpad kung saan ito nakalathala. Makatapos ang isang buwan, ito ay umani na ng isang milyon na mambabasa. Makalipas lamang ang walong araw ay mayroon na itong dalawang milyon na mambabasa.




 Makalipas lamang ang walong araw ay mayroon na itong dalawang milyon na mambabasa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kislap, alapaap, at pangarap.

        Ito ang naging daan upang patuloy na magningning ang pangalan at akda ni Binibining Mia. Ang naturang akda ay nagsilbing lundayan ng pangarap, umani ng mga parangal at pagkakakilanlan si Binibining Mia para sa pagpapamalas ng kaniyang husay sa larangan ng pagsusulat. Siya ang Best Selling Author ng 2018-2019, at 2019 Game Changer Award mula sa ABS-CBN Books; Bestseller sa Philippine Publication Fiction ng National Bookstore (ILYS1892); at Filipino Reader's Choice Award Winner in Filipino/Taglish Fiction Novels (ILYS1892).


        Dagdag pa sa mga inaning parangal ay nakamit din ni Binibining Mia ang Wattys 2020 sa ilalim ng kategoryang Young Adult para sa kaniyang akda na A Kidnapper's Mistake. Sinundan ito ng kaniyang pagwawagi sa Wattys 2021 sa kategorya ng Historical Fiction para sa Bride of Alfonso at Lo Siento, Te Amo. Nagpatuloy ang balisbis ng kaniyang pagsusulat nang masungkit din ni Binibining Mia ang Wattys 2022 Grand Prize Winner para sa akda niya na pinamagatang Socorro.


        Nagsisilbing patunay ang mga parangal at pagkakakilanlan na bumubuo sa pangalan ni Binibining Mia para makita ang kislap sa bawat likha at kaniyang obra. Ang kaniyang paglilok ng sari-saring mundong may sari-sariling kwentong nakakaantig sa bawat puso ay nagbukas ng maraming pagkakataon at oportunidad.




Kislap, alapaap, at pangarap; ang isang kislap ay nagbigay daan sa pagkamit ng bawat pangarap sa alapaap.   

         Hindi lamang makikita ang kislap sa pamamagitan kaniyang liwanag ng kaniyang mga parangal, kundi pati sa mga Sunshines. Ang bawat Sunshine na tila isang malaking karagatan na lumilikha ng nakasisilaw na kislap bilang repleksiyon sa pagtama ng araw-si Binibining Mia.






- END of Unwritten: Ang Talambuhay ni Binibining Mia -


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Maraming salamat sa pagsubaybay ng Unwritten, Sunshines! Nawa'y ang simpleng handog namin na ito ay makatulong sa inyong lahat. Hanggang sa susunod pang mga proyekto!

-BMS Las Obras De Sunshines

UnwrittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon