12 July 2026

596 53 29
                                    

09:30

Sebastian
Io

Uy

Kumusta na?






10:00

Sebastian
Hindi ko na makita profile mo

Nagdeactivate ka na?








10:40

Sebastian
Nakadeactivate ka na nga. Haaaay.

Ano ba yan

Titingnan ko pa sana yung mga picture natin na pinost mo eh

Isesave ko pa sana. Hay











11:00

Sebastian
Ay uy. Alam mo ba

11:02

Sebastian
Siyempre hindi

Deactivated ka nga eh

11:04

Sebastian
Anyway

11:11

Sebastian
Tinanggal na pala ng socom lahat ng posts nila na may pangalan mo?

Napansin ko kasi noong naghahanap ako ng livestream ng misa mo. Wala na

Kahit noong fiesta ng Castallon na ikaw ang nagcelebrate? Wala na rin





11:30

Sebastian
Kaya kinausap ko si Fr George

Kasi bakit parang nawala sa Archdiocese page yung mga post na may pangalan mo?

Eh yun pala, naglabas ng notice sa kanila yung chancery.

11:32

Sebastian
Sabi niya sakin imbis daw maglabas ng notice ang chancery na hindi ka na affiliated sa Castallon, yun na lang daw ang pinagawa ni Bishop Vito

Para hindi daw masiyadong iskandalo para sayo

Magmememo na nga raw para sa lahat ng naging parish mo eh. Pinapatanggal lahat nang dahan-dahan.

Eh di kami rin pala makakatanggap.

11:35

Sebastian
Grabe naman yun, ano?

Erasure of history talaga 

May ganun ba sa canon law? 

11:40

Sebastian
Saka grabe naman sa eskandalo

Di ka naman umalis dahil may babae ka o may nabuntis ka

O may nagawa ka na masama

Eskandalo agad?









12:00

Sebastian
Nakakainis

Kailangan ba talaga na mabura ka na dito?












12:15

Sebastian
Anyway. Yun lang.

Share ko lang.

Kaya kita minessage kasi medyo nakakalungkot na ganun ang nangyayari dito

Inuunit-unti ka na nila.

12:20

Sebastian
Pag nakatanggap na ko ng official letter galing sa chancery, wala akong magagawa kundi sundin yun

Kahit ayaw ko







12:40

Sebastian

Pero buti naman nakakalusot pa sa Messenger

Pwede ka pa mamessage kahit papano

Andito ka pa rin








12:55

Sebastian
Wag mo tanggalin to ha? Di mo na nga iniwan number mo eh

Hindi na kita macocontact pag ganun eh

Dito ka lang. Kahit di ka na magreply








13:01

Sebastian
Ingat ka parati, Io

Miss ka na namin.

Mula NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon