00:20
Emilio
Pads. Sorry.
Emilio
Andiyan ka pa ba?
Seen
00:21
Fr. Sebastian
Oo naman. Andito ako.
Tungaw na ito.
Kailan pa ba ako nawala?
00:23
Fr. Sebastian
Kumusta ka na?
Seen
00:40
Emilio
Pads
Emilio
Pwede po tumawag?
Fr. Sebastian
Oo naman.
Palagi naman.
Kahit wag ka na magtanong. Hahaha.
Seen
04:32
Fr. Sebastian
Emilio
Alam ko naaasar ka na sa akin kapag pinag-uusapan natin to
At alam ko na nasabi ko na to kanina sa tawag
Pero papaalala ko lang
Fr. Sebastian
Hindi ka na pari.
At ang layo-layo mo na.
Fr. Sebastian
Ang layo mo na sa Emilio na unang nakilala ko noon.
At maniwala ka man sa hindi, natutuwa't proud na proud ako sa Emilio na kilala ko ngayon.
Kahit na minsan nawawala siya na parang bula.
Fr. Sebastian
Kaya Io.
Wag ka na mangamba magmahal
At wag ka na rin magdalawang-isip
Okay ka na.
Fr. Sebastian
Okay ka na.
Emilio
Okay.
BINABASA MO ANG
Mula Ngayon
Ficción GeneralBecause life after leaving the priesthood isn't as easy as it seems. An epistolary.