13:44
Babaan mo 'yong apoy boy. Baka masunog na naman 'yang lumpia mo.
Mahina na 'yan.
Babaan mo pa. Nakikita ko dito. Tatlong lines lang.
Eh-
Babaan mo na. Gusto mo kumain ng tutong na shanghai?
Okay. Ito na nga po. Bababaan na.
Ayusin mo pagkaprito diyan ah. Medyo golden brown ah, hindi dark. Tutong na ang dark.
Oo na nga po.
Mahiya ka kaunti kay Pinky.
Pinky?
Pinky.
Teka, sino'ng Pink—
'Yong binigyan mo ng card?
'Yong pink ang buhok?
Pinky kasi pink ang buhok. Pinky kasi ayaw mo sabihin ang pangalan. Hmph.
Ah.
Bibigyan mo?
Para sa lahat naman 'yan, Pads.
Asus. So bibigyan mo?
Para sa lahat nga-
Eh 'di ayusin mo! Tingnan mo nang maayos 'yang piniprito mo! Mamaya mapakain mo ng tutong ang isang 'yon. Ikahihiya kita, Emilio Ignacio.
BINABASA MO ANG
Mula Ngayon
General FictionBecause life after leaving the priesthood isn't as easy as it seems. An epistolary.