09:12
Fr. Sebastian
EMILIO IGNACIO!
Happy 40th birthday!
HAPPY 40TH BIRTHDAY!
40 KA NA!
09:30
Fr. Sebastian
Grabe. Parang kailan lang, ano?
09:34
Fr. Sebastian
Parang kailan lang
Tahimik ka pa at bugoy na bugoy.
Nahihiya sa lahat. Umiiwas sa mga gathering.
Nakasiksik lang sa mga aso sa arzobispado kapag nasosobrahan sa tao.
Nakikitago sa parish ko.
Nilalaglag si Vincenzo Galdamez.
Hehehe
09:50
Fr. Sebastian
Tapos ngayon, ito ka na
May consultancy ka na
May sariling bahay ka na
May farm ka na
Di ka na nahihiya. Di ka na inaanxiety attack
O diba :)
09:54
Fr. Sebastian
Emilio
Di ko pa ata to nasabi sayo
Dapat ata sinabi ko to nung unang umalis ka ng Nueva Castallon
10:00
Fr. Sebastian
Pero proud na proud ako sa 'yo.
Sa lahat ng kakilala ko sa mundong 'to, sa 'yo talaga ako pinaka-proud, Io boy.
16:09
Fr. Sebastian
Aba, walang sagot?
Busy?
Hahahaha
16:01
Fr. Sebastian
Enjoy your birthday na lang, boy!
Dito lang ako parati. :)
BINABASA MO ANG
Mula Ngayon
General FictionBecause life after leaving the priesthood isn't as easy as it seems. An epistolary.