Napatingin ako sa bumobusinang jeep. Naka upo pa rin ako at wala paring lakas ang mga paa ko. Pilit ko itong iginagalaw pero wala talaga. Pakisap kisap ang mata ko sa liwanag na dala ng ilaw ng jeep. Nakita ko na may tumatakbo papunta sa kina uupuan ko. Gusto kung sumigaw kaso wala ng lakas para magawa ko pa iyon ang salitang tulong ay tanging ako nalang ang nakakarinig.
"Ateeee..."
"Kuya si ate" humahagolhol sa pag iyak habang niyuyugyog ako para magising.
"Nawalan siya ng malay. Halika dalhin natin siya sa malapit na hospital."
"Anong nangyari sa kanya?"
"Nawalan po siya ng malay doc, hindi din po namin alam kung ano talaga nangyari, basta nakita nalang namin siya sa mag sirang streetlight na nanghihina at ng papalalit na kami don na siya nawalan ng malay."
" Kumusta po si ate doc? Okay lang po ba siya? May problema po ba siya sa kanyang kalusugan?".
"Wag kang mag alala iho, okay lang ang ate mo mukhang nabigla lang siya at dahil sa matinding pagka gulat kaya siya nahimatay. Pero ang tanong, ano naman kaya ang naging dahilan?"
"Yan po ang hindi po namin masasagot doc"
"Pwede na po ba namin siyang e uwi doc?"
"Oo naman, hintayin lang natin sitang magising."
"Siya sige, pupunta na ako sa iba ko pang pasyente."
"Thank you po doc."
Nakarinig ako ng sari saring ingay sa paligid ko, dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at nasilaw ako sa matinding kaputian, nasa langit na ba ako? Tanong ko sa sarili ko. Ng kinisap ko ulit ang mata ko ilaw lang pala.
"Ate.."
Naaninag ko ang mukha ng kapatid ko at naririnig ko ang boses niya. Nasa bahay ba ako? Tanong ko ulit sa sarili ko. Hanggang sa may pumatak na tubig aa mukha ko, dahilan para maimulat ko ng maayos ang mata ko at manumbalik sa ulirat. Na aninag ko ng maayos ang kapatid ko umiiyak na pala ito at bakas sa kanyang mukha ang labis na pag aalala.
"Ate naman eh, ano bang nangyari sayo?" At tuluyan na itong napahagulhol. Niyakap ko ito "sorry sorry bunso" inilibot ko ang aking paningin habang yalap si bunso at ina alo. Nasa hospital pala ako.
" Tama nasa hospital ka. " Napatingin ako sa nagsalita. Kinisap kisap ko ang mga mata at si bukniy nga. Nakahalukipkip ito habang tinititigan ako.
"Ani bang nangyari sayo? Bat kanalang nahimatay na para bang nakakita ka ng kung ano." Aakmang magpapaliwanag ako ng bigla kong na alala ang mga nangyari bigla nalang akong kinabahan at napahawak ako sa aking dibdib.
"Oy, Oy, ayos kalang" naramdaman kong tinapik ni bukniy ang balikat ko. Pero hindi ko siya tinignan. Pumunta siya sa harap ko at hinawakan ang dalawa kung balikat.
"Oy ayos kalang? Magsalita ka" dinig na sabi ni buknoy. Napatingin ako kay buknoy mula sa kanyang mata pababa sa kanyang labi, automatikong napahawak qng kamay ko sa aking labi at mapalunok. Subrang weird ng nararamdaman ko parang may humalik sa akin kanina. Dinig ko parin ang boses ni buknoy pero wala na sa kukuti ko ang pinagsasabi niya. Hanggang sa may sumulpot na imahe sa utak ko nanlaki ang mga mata ko. Napahawak ako sa dalawang kamay ni buknoy.
"Bu...bu..buknoy" pautal na may pagkagulat.
"O,o, o, ba..ba..baaakit" utal nitong sagot sa akin.
" May humalik sa akin" diretsahang sabi ko sa kanya. Bigla nalang ito hindi nakagalaw ng ilang segundo at kinisap kisap oo ang mga mata ko..
"Aiiyssh." Bigla nalanv niya pinitik ang noo ko.
"Sira na yata ang tuktok mo. Sinong habalik sayo don? E ikaw lang naman ang tao don. Naku naman, di ko alam kung matatawa ako sayo o ano.."
"Hindi buknoy. Totoo yung sinasabi ki sayo." Pagpalamilit ko sa kanya.
"Ateee...aning nangyayari sayo?" Nilapat ni bunso yung kanyang palad sa noo ko leeg ko sinisigurado kung may lagnat ako o wala.
"Bu..bunso ayos lang ako." At ibinaba ang kamay niya at ningiti-an.
"Tsss." Dinig ko na pang i-ismid ni buknoy.
Habang naglalakad kami papunta don sa pinarkingan niya ng kanyang jeep. Hindi talaga mawala sa isip mo ang nangyari, hindi nga lang malinaw ang nakikita ko sa vision ko pero alam ko talaga na may nangyari. Napakamot ako sa ulo ko at " may nangyari talaga" nakaramdam ako na parang may tumitingin sa akin, si buknoy tyaka si bunso nakatitig sa akin. Don ko napagtanto napalakas pala ang sabi ko.
"Ah, wala yun. A-san na ba yung sasakyan mo buknoy" nilinga linga ko ang paligid at nahagip ng mata ko ang sasakyan niya. "Ah, ayun. Tara na" nakatingin parin silang dalawa. Ang awkward kata binilisan ko ang lakad ko papunta sa jeep sabay sunod ng tingin nila.
"Mama" sigaw ni bunso mula sa may bintana ng jeep at pagkahinto una itong bumaba at yumakap agad kay mama.
"Mama si ate nawa.." agad kong tinakpan ang bibig niya. Halatang nagulat naman si mama.
"Anong nangyari?" Pagtataka ni mama
"May sasabihin yata tung kapatid mo?" Tinanggal ng kapatid ko ang pagkakatakip ng kamay ko sa bibig niya
"Nawa" agad kung nilagay sa bunganga niya ang isang pirasong mamon. Napatingin naman sa akin si mama at kinabahan ako. Tinititigan ako ni mama na may pag uusisa.
"Ah, e, ano kasi ma. Na.. nawa.."
"Nawa?" Pag uulit ni mama
" Nawala niya po yung 50 pesos na pambayad niya po sana sa tindahan kaya nanghirap po siya sa akin, tita"
Sabi ni buknoy. Napatingin ako sa kanya"Diba?" Napatawa ako at napahawak sa kapatid ko.
"Totoo ba yun?"
"O..opo nay." Sabay kamot sa ulo ko. Napa imid si inay at kinuha anv 50 pesos sa wallet niya at binigay kay buknoy.
"Buti nalqng at andito si buknoy. Salamat buknoy ha. Nako talaga tung kababata mo sarap kutungan." Narinig ko ang pagtawa ni buknoy.
"Wala naman pong problema sa akin tita. Sige po ma una napo ako."
"Sige mag ingat ka. " Bago umalis si buknoy tinignan niya mo na ako. Naniniguradk siya na okay ako, at nag iiwan ng babala na "may utang ka sa akin". Ningiwian koang din siya at ningusu-an. Tsss.
"Hanggang kailan kayo diyang dalawa sa labas?" Nakita namin si inay nasa pinto papasok na sa loob ng bahay. Tinulak ko papasok ng bahay ang kapatid ko ng makaramdam ako na parang may nakatingin sa akin dahilan para mapahinto ako at mapatingin sa labas, sinipat ng mata ko ang bawat sulok pero wala naman akong nakita.
"Ano, dyan kanalang sa pinto?" Dinig nasabi ni inay.
"Papasok na po" nagkibit balikat nalang ako at tuluyan ng isinirado ang pinto.
"Aking reyna. Sa wakas nahanap na din kita"

YOU ARE READING
BLOOD
VampireReyna Chandrima.. Ang inang reyna ng mga bampira, ay muling mabubuhay sa pamamagitan nga isang batang babae. Matatanggap niya kaya ang kanyang kapalaran? Kapalarang maging pagkain ng mga bampira dahil sa taglay na kapangyarihang na sakanyang dugo? A...