"will you please do as I say?" sabi ko sa kapatid kong reklamador.. My gosh, para akong mabubuang.
"nak, kumain kana, mala-late kana sa school"
"aw, ang sweet mo talaga ma, sayang iniwan na tayo ni papa" habang yakap yakap ko siya sa likod.
"hay naku, bata ka, namamahinga na ang papa niyo. Wag niyo nang guluhin baka bumangon pa yun." pag bibiro ni mama.nagtawanan nalang kami pero bakas sa mukha ni mama ang sobrang pagka miss nito kay papa.
Matapos naming kumain, naglakad na kami ng kapatid kung reklamador. Dalawa lang kaming anak ni mama pero pag sa bahay akala mo isang dosena ang mga anak. dahil sa subrang ingay. Ikaw ba naman magkaroon ng kapatid na mahilig sa k-drama.. Tapos pag uutusan mo ayaw kang sundin kasi tutok na tutok sa kapapanood..
"Ate, mayroon pala akong gagawing project mamaya, baka gabihin ako sa pag uwi. Sunduin mo ko mamaya hah" pag uumpisa niya
Tinitigan ko muna siya para siguraduhing gagawa talaga siya ng project at hindi pupuntang computer shop.
"ate naman.. Di nako uulit.. Alam kung mali yung ginawa ko noon. Kaya ngayon gusto ko nang magbago para kay mama at papa." pagpapaliwanag nito.
Napabuntunghininga nalamang ako...
"o, siya sige. Tawagan mo ko mamaya pag uuwi kana.. Kahit anong oras pa yan matapos.. Susunduin kita.. Alam mo na mang ayaw ni mama na hindi ka natutulog sa bahay. Okay?"
"okay" sabay ngiti at takbo na papuntang room niya.. Dito na kami sa school na pinapasukan namin senior high nako samantala siya junior palang. Habang tinititigan ko yung kapatid ko nakikita ko sa kanya ang imahe ni papa. Bigla nalamang ako napaluha at napangiti dahil alam kung andyan lang si papa sa tabi namin bilang guardian angel naming tatlo.
Salamat naman at uwian na..Hmmmmmmmp, sarap mag unat unat pag uwian hahaha... Inayus kuna ang mga gamit ko para maka uwi na. Tutulungan ko pa si mama mag tinda ng gulay sa talipapa.
"ate!" tawag sakin ng kapatid ko na nakatayo sa may pintuan ng room.
"alis na po ako. Ito pala si Justin bagong lipat lang doon kami gagawa ng project namin sa kanila."
Tumango tango lang ako.
"Justin, ate ko nga pala.. Ate si Justin"
Agad namang nag wave si justin at nag wave back din ako sa kanya at ningitian."Welcome back Queen Chandrima"
At biglang naging pula ang mga mata nito na nagbigay ng kakaibang takot sa akin, bigla nalamang ako binalot ng lamig ng hangin at nagsitayuan pa lalo ang mga balahibo ko ng bigla itong ngumit at nakita ang matulis nitong pangil.
"Ate..Ateeee"
----
Imao, anong nangyayari?Anong hiwagang meron si justin?
Sino si Queen chandrima?
Want to know what happen next?
See yoh in the next chapter..
Stay safe😘
![](https://img.wattpad.com/cover/238847895-288-k984939.jpg)
YOU ARE READING
BLOOD
VampirReyna Chandrima.. Ang inang reyna ng mga bampira, ay muling mabubuhay sa pamamagitan nga isang batang babae. Matatanggap niya kaya ang kanyang kapalaran? Kapalarang maging pagkain ng mga bampira dahil sa taglay na kapangyarihang na sakanyang dugo? A...