Who are you?

7 0 0
                                    

Ramdam ko ang panginginig ng aking buong katawan at tuluyan ng bumigay ang dalawa kung tuhod at napa upo sa kinatatayuan ko.Habang pinagmamasdan ko ang dalawang nilalang sa aking harapan.

Hawak ng lalaking naka soot ng itim na jacket ang lalaking nagtangka sakin kanina.. Nakatayo lang ang lalaking naka itim na jacket habang naka taas ang kamay nito sa lalaking ngayon ay nakadikit sa pader at pilit pinipigilan ang pagsakal sa sarili... Pero sadyang malakas ang misteryusong lalaki.

Para siyang may telekinesis may kakayanan syang kontrolin ang nasa paligid niya mapatao man o bagay. Sinimulan yang ikutin ang kamay niyang nakatutok sa lalaking nasa pader At biglang napasigaw ang lalaki at naging dahilan ng sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko at pag sakit ng subra ng balat sa kaliwang dibdib parang sinisilyaban ito. Hawak hawak ko ang dibdib ko at pilit kung tinitignan ang nangyayari sa harapan ko ngayon.

"di- na ak-o u--ulit. pa-pakaw--alan mo na-- po ako" Pautal utal na sagot ng lalaki."

Ngunit di siya pinakinggan nito, mas piniwersahan niya pa ang kamay niyang nakatutok sa lalaki.

"that's your punishment boy, for hurting my property" at bigla niya nalang kinuyom ang kanyang  kamay na nakatutok doon sa lalaki.

"Babagsak din kayo. Nalalapit na ang kanyang pagkabuhay" hanggang sa tuluyan na siyang naging abo at nilipad ito ng hangin at may dumampi na abo sa king mukha at sa isang iglap lang ang lalaking nakatayo sa king harapan naka upo na sa akin at hinawakan niya ang aking kamay na nasa dibdib ko.

"i'm sorry for hurting you before. Di ko sinasadya" bigla nalang kumalma ang pagtibok ng puso ko pero ang balat parang sinisilyaban pa rin. Dahil doon di ko na malayan na tumutulo napala ang luha ko, na mas nagpalabo sa aking paningin. Hinawakan niya ang aking baba at itinaas ng kaunti at pinahiran ang aking luha.

"stop crying. Nasasaktan ako." at bigla niya nalang akong hinalikan. Dahilan para manlaki ang mata ko sa gulat. Sinubukan ko siyang itulak pero imbis na gawin ko yun hinawakan ko ang ulo niya upang mas lalong dumiin ang aming mga labi. At may kung anong saya ang biglang nabuhay sa aking puso.Patuloy parin sa pagpatak ang aking luha. Hindi luha ng sakit kundi luha ng saya, na hindi ko malaman kung bakit.

Tinitigan niya lang ako at tinulungang itayo. Pero hanggang ngayon di ko pa rin maaninag ng maayos ang mukha niya.napatingin ako sa mga mata niya kulay asul ang mga ito at ng biglang nagkailaw napatingin ako sa bombilya at pagbaling ko wala na siya sa aking harapan.

"peep..Peeeeep" busina ng jeep ni buknoy ang nagpagising sa king diwa. Itinaas ko ang kanang kamay ko para maaaninag ko ang sasakyang nag bubusina. Huminto ito at naaninag ko ang anino ng aking kapatid. Patakbong lumapit sa akin.

"Ate.."

BLOODWhere stories live. Discover now