II(Encounter)

10 0 0
                                    

"Ate..Ateeee.." nagising nalang ako bigla ng marinig ko ang boses ng kapatid ko. Nandito pala ako sa school clinic namin.

"okay kalang ba ate?" pag tatanong at pag aalala ng kapatid ko.

"ayos lang ako. Di ba may gagawin kapang project? Lumakad ka--"

"okay kana po ba?"

Napabaling ako sa batang papunta sa kinaroroonan ko. Si justin, may dala siyang tubig at gamot. Agad namang nag sync in sa isipan ko ang nangyari. Napatingin ako sa kinaroroonan ng kapatid ko at ibinaling ulit kay Justin. Bigla naman itong ngumiti, pero wala na yung mga pangil niya.. Isa lamang siyang normal na bata katulad ng kapatid ko.

Napakunot noo naman si justin " Ate, may problema ba sa itsura ko po?" pagtatakang tanong nito.. " naku, alam kona.. Alam ko na pong gwapo ako, okay lang po sa akin kung nag kaka crush kayo sa akin" sabay kindat nito sa .

Napataas ako ng kilay at bigla nalang ako nawalan ng salitang sasabihin sa kanya. Na speechless ako sa batang to.. Ganito naba ngayon ang mga bagong henerasyon ng mga kabataan?.. Naku.Naku...Sa isip ko lang..

"pffft" pagpipigil na tawa ng kapatid ko..

"kung tatawa ka, tumawa ka. Di yung nagpipigil kapang nalalamang gong gong ka" inirapan ko nalang siya At napatingin kay Justin na inilapag ang dala nito sa mesa katabi ng kama ko. Nagkatitigan silang dalawa at biglang nagtawanan.. Tinignan ko nalang sila ng masama sabay irap ng mata.. Grabe umakyat dugo ko sa dalawang to.

"mukhang nagkakaroon ng munting kasiyahan dito auh" pambungad sa akin ni nurse Selene na nakangiti, ngiting kasing liwanag ng mga bituin sa langit at ang angking ganda nito na walang ka kupas kupas. Kahit na nasa edad na 35, mukha pa rin siyang nasa edad 20. Kaya di na nakakapagtaka kung bakit maraming nagkakandarapa sa kanya na mga lalaki kahit yung may edad naming mga guro e, dumidiskarte pa rin sa kanya..

"ikaw ba justin ang bumili ng gamot na to?" sabay dampot ng plastic na nasa ibabaw ng mesa..

"opo, nurse pretty" sabay kindat nito.

Napahawak nalang ako sa noo ko. Dahil sa kilos ng batang yun.

"hahahha, kumusta na ang iyong pakiramdam?"
Tanong ni nurse selene sakin.

"okay na po ako." sabay ngiti.

"mabuti naman kung ganoon. Bawas bawasan mo yung pagpapagod at pagpupuyat. Magpahinga ka din naman. Di makina ang katawan mo. Sige ka, mas maaga kang tatanda kesa sa akin.." pag aalala at pag bibiro nito.

"hahaha, nurse Selene naman.." pero di pa rin ma alis sa isipan ko ang nakita ko kanina. Alam ko ding hindi dahil sa pagod ang pagkahimatay ko kanina kundi dahil sa takot. Iniling iling ko nalang ang ulo ko At ibinaba ko ang mga paa ko mula sa kama at tumayo at inayos ang higaan na ginamit ko.

"Ate, samahan nalang kita pauwi ng bahay.. Ako nalang muna ang tutulong kay nanay sa tindahan" pag mamagandang loob ng kapatid ko.

Napangiti ako at hinimas himas ko ang ulo niya at syempre ang hilig ko.. Yung guluhin ang buhok niya..

"hahah..Sira..Salamat sa pag-aalala. Wag na.. Umalis na kayo ni justin kaya ko na ang sarili ko. Mag a-alas Qwatro na. May project pa kayong tatapusin diba?"

"pe-pero at--"

"wala ng pero pero..Sige na.. Tawagan mo ko mamaya kung pauwi kana..Para masundo kita." sabay ngiti at itinulak siya ng marahan palabas ng pinto sinundan naman ito ni justin at tinignan niya mona ako, kung okay lang talaga ako. Tinanguan ko lang siya at sinabayan niya lang ito ng buntong hininga.

BLOODWhere stories live. Discover now