Meeting the man who bought her..

318 17 30
                                    

Hi readers!
This is another spinoff, to who's story? You'll find out soon in Straight Outta Fiction..

This story might be triggering to some, let this be a warning..

(Mental illness, violence and self harm might be mentioned multiple times in majority of the chapters so readers discretion is advised)

Love, B..

Meet señor Mateo Monterosso and Emmanuella Cruz 💚🖤  (Main Casts)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Meet señor Mateo Monterosso and Emmanuella Cruz 💚🖤 (Main Casts)







Elle's POV:

June 25, 1978

Magandang umaga papa! Napaka aga kong nagising ngayong araw. Pilit kasi akong isinasama ni mama Tina na maghatid nung mga inaning panindang gulay sa mansyon daw ng mga Monterosso mamayang alas nuwebe ng umaga. Kailan lang naman sila nagsimulang mag hatid sa mga ito pero tila ba mabilis naman silang naging suki ng mga paninda natin. Ewan ko ba, madalas naman ay si Teresita at Gabrielle ang kasama niyang maghatid, pero ngayong araw nagpumilit talaga siyang sumama ako. May exam pa naman ako mamayang ala una kaya kailangan ko ng mag aral ngayon kung sakali man na kailanganin ko ng dumiretso sa eskuwelahan pagkatapos namin. Oh sige na papa ha, mag aaral na muna ako, huwag kang mag alala mag rereklamo lang naman ako pero hindi susuko. Mahal kita, paki kumusta nalang ako kay mama ha?

Nagmamahal,

Ang mumunti mong prinsesang si Elle.

***

Araw araw akong sumusulat sa journal ko, dito ko nalang kasi nakakausap si papa at yung totoong mama ko. Dito ko nalang naikukuwento sa kanila lahat ng nangyayari sa araw araw na buhay ko.

My father got into an accident 5 years ago, naparalitiko siya, napakarami naming nagastos sa pagpapagamot niya, pero sinukuan siyang agad ni mama Tina, yung step mother ko. Mas pinili kasi nitong kamkamin yung natitira pa naming ipon para ibili ng lupa at gawing negosyo, tila si papa na mismo yung sumuko kaya isang taon matapos ang aksidente niya, pumanaw narin ito. Gustohin ko man magalit sa kanya, alam ko namang mas maaalagaan siya dun sa langit, malaya na sakit, at makakasama niya ng muli si mama.
Sa totoo lang wala na ako masyadong ala ala ng tunay kong ina, tatlong taon palang kasi ako nung nawala siya, nagkaron siya ng malubhang sakit at hindi kinaya ng katawan niya ito. Nabuhay nalang siya sa loob ng mga kuwento ni papa. Sabi nga ng matalik kong kaibigan, parang pilipinong version daw ako ni Cinderella, maagang naulila kaya naiwan sa kuko ng mapankit niyang madrasta. Mabuti nalang at yung dalawa kong kapatid hindi naman nagmana sa kanya. I grew up being completely neglected by her, abused. It sounds tragic I know, but I refuse to let myself be a victim. Hindi naman ako kawawa, I was raised well by my father, maaga nga lang siyang kinuha. Ngayon, ginagawa ko ang lahat para maging abogado, para makalayo na ng tuluyan sa lugar na ito.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Our MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon