Prologue

0 0 0
                                    


"Bat antagal ni Ma'am?natatae nako eh." Tanong ko habang nakatingin kay Geysha. Kumunot naman ang noo nito sakin sabay sampal ng mahina.

"Gago, bastos ampota."

Magsasampung minuto na ang teacher namin wala. Sinasayang nya ang oras ko. Hindi ito makatarungan. Sana walang klase. Pag wala talagang klase hahalikan ko yung pinaka pogi sa room namin.

"Wala daw klase si ma'am, wag daw tayo maingay. May meeting lang sila sa Plenary hall."

Narinig ata ni lord ang aking panalangin. Sadly walang pogi sa room namin kaya wala akong hahalikan. Tumayo ako para mag inat inat. Parang tanga naman si Ma'am pinaghintay ako, nakakaurat.

"Hoy, tara library."

Napatingin ako kay clovis, isa sa mga kaibigan ko. Eto nanaman sya library nanaman. Sus sabihin nya gusto nya masilayan si simon sa library. Clovis is a guy, well he's a gay. No problem samin yon, nirerespeto namin sya kahit minsan para siyang tinanggalan ng turnilyo sa utak.

"Stupid! Bawal ata lumabas." Sagot naman sakanya ni Ezra. Kaibigan din namin.

"Amp, ako desisyon dito. Tara!" Bida bida namang sabi ni Geysha. Ewan ko ba dito sa mga tangang to. Takot naman pag napagalitan.

"Tara, syera." Aya sakin ni clovis. May pasayaw sayaw pa ito sa harap ko habang nakaharap sakin puwit nya at tila may naaalog don.

Dahil wala namang ginagawa at parang pakiramdam ko malulusaw na yung mata ko sa malantod na sayaw ni clovis ay sumama nalang ako.

"Si seren? Sasama ba daw?" Tanong samin ni ezra.

Sumagot naman si seren na sasama sya. Pinasok ko ang hinanda kong notebook na sana para sa klase ni Ma'am Clea kaso sinayang nya lang ang effort ko. Hindi ko sya mapapatawad hanggang kamatayan.

Nang makarating kami sa library ay pumunta na kami sa usually spot namin. Yung pinaka gitna, syempre bida bida kaming lahat dito eh, gusto namin ng atensyon. Joke.

Tumawa ako sa joke ng isip ko. Wala lang pakiramdam ko pwede nako mag comedian. Baka sumikat pa ako at yumaman.

"Gago, katakot na talaga si Syera." Tila takot na takot na sabi ni Geysha.

Inis akong lumingon sakanya. "Gago kaba?"

"Luh."

Tumawa lng sina Clovis at sinimulan buklatin ang notebook nya. May quiz kase bukas dahil Friday na pero dahil sa mga magagandang katulad ko, stock knowledge lang ayos na.

"Anong nire-review mo?" Tanong ni Ezra habang nagsisimula nang bukalatin yung notebook nya.

"Mathematics."

"Sige, sayo math akin science. Tabi ka samin bukas para kopyahan tayo."

Sabi nga ni seren the pinaka mabait samin at never pa namakyu. Lifehack ang tawag sa ganyan. Sayo ang isang subject, sakin yung isang subject. Para di mag rumble ang mga ni-review mo sa  isang sub para di malito pag nadyan na ang quiz.

Napailing ako at tumayo. Maghahanap nalang ako ng alamat ng saging dito sa library.

Mabuti akong studyante, yun yung masasabi ko sa sarili ko. Alangan naman idown ko sa sarili ko, diba? Pero kung ugali ang babasehan wag nalang natin pag usapan, ako na mismo yung lalayo. Well, alam ko sa sarili ko na di maganda ugali ko. Sabihin ba naman iyan ng nanay mo araw araw sayo ewan ko nalang di kapa masampal ng realidad.

Nakarating ako sa pinaka dulo ng library sa paghahanap ng libro ng alamat ng saging. Amputa, anong klaseng library to walang alamat ng saging amp. Report ko sila sa DepEd.

May napansin akong isang libro sa pinaka baba ng bookshelve. Ginto ang cover nito, baka totoong gold. Yayaman ako dito. Umupo ako at kinuha yon.

"Ampucha, anutu Chinese?." Inis kong binalik yung libro, wala naman ako maiintindihan don. Tatayo na sana ako ng biglang may nagsusumigaw na parang tanga.

"Gago!Gago! Ahhhhh!"

Kunot noong lumingon ako kung saan nanggagaling ang sigaw. At ewan ko ba kay Lord nagalit ata kanina kase di ako nanghalik kanina dahil sa pagtupad nya sa hiling ko. May patumba lang naman na book shelve sa direksyon ko. Mamatay na ba ako? Gusto ata ni Lord ng dyosa sa langit. Napasigaw din ako ng patumba na mismo sakin ang pesteng bookshelve.

Nakapikit ako ng mariin at handa ng tanggapin ang maalisamuot kong kapalaran sa araw nato. Ayos lang, sana lang ay may pagkain na masarap sa langit. Ramdam ko ang sakit ng pagtama ng mga librong nahulog sakin. Puta, parang nabalian ata ako. Hayop. Punyeta.

"Fuck, fuck, fuck."

Parang tanga. Ganito ba anghel sa langit tatlong beses nagmumura?

"Ayos kalang, miss?"

Napamulat ako at nakitang nakasandal lang ang kaninang bumubulusok na bookshelve sa kabilang bookshelve. Dito ko masasabi na kahit papaano ay mahal ako ng diyos.

"Miss?"

Tanga bato? Sinong hayop ang magtatanong kung ayos lang ba ako matapos akong mahulugan ng sandamakmak na libro. Inis akong lumingon sakanyan. Pero, anghel ba ito? O demonyo na nagbabalat kayo bilang anghel na pogi? Pero hindi non mapapalitan na muntik nako mamatay. Kahit na muka pa syang Greek goddess dyan. Galit akong tumingin sakanya at nagsalita.

"Putanginamo."

•••

Mystical Fioris.

In The Midst Of Blues Where stories live. Discover now