Umagang umaga pagmumukha agad ng mga panget kong kaibigan makikita ko. Jusme, lord. Wala man lang bang pogi napang pasarap ng araw. Araw ba talaga?
Habang nakapikit at ninamnam ang pagiging malas sa kaibigan ay may biglang sumitsit na demonyo.
"Nugagawa mo? Nagdadasal ka?"
May gana pa talaga magtanong oh.
"Oo, sana mawala kana na parang bula." Seryosong sabi ko. Ramdam ko naman na natigilan ito at saka ako hinampas.
"Gaga! Eh sakin ka nga nagpapaprint ng walang bayad." Sinumbatan pa ako nito. Irita kong tinignan si Geysha. Bat ganon pangalan nya? Tunog bakla.
"Tange sa boyfriend mo kamo! Wala ka namang printer." Inirapan ko ito at nagdiresto papasok sa loob ng room.
Naabutan ko ang mga kaklase ko na naglilinis. Yung ibang lalaki nag-mml sa gilid, yung ibang babae ay nagmamake-up session sa gilid. Naghihimutok na sa pula ang labi nila at yung eyeliner nilang buong talukap ng mata ang inabot parang eyeshadow na may buntot.
Numeron?
Pagkaka alam ko lang naman ay ngayon ang simula ng registration sa mga club. Baka naman bar club ang kanila? Meron non dito?
"Hoy cleaners ka, syera ha!" Paalala sakin ng leader namin kuno sa pagiging cleaners.
"Sus. Kaplastikan mo, Charley! Eh ikaw nga tong laging si takas." Inis kong sumbat. I mean ano bang inaarte ko? Eh di nga ako natakas nag-aayos lang naman ako ng upuan tuwing cleaners.
Inirapan ako nito saka nagpatuloy sa pagwawalis na wala namang nawawalis. Panot na kase walis namin.
Nilapag ko na ang bag ko sa upuan ko saka lumapit kina Ezra na nasa labas ng room. Nakatambay sa corridor.
"Oy! Syeng!" Bati sakin ni Seren.
"Gumawa ka assignment? Pakopya nga di lahat kokopyahin ko ha." Bungad na tanong agad ni Clovis.
Assignment? Meron daw ba?
"Gaga! Alam mong nasa clinic ako kahapon. At yung Performance Task lang ginawa ko kagabi." Gumising pa ako kagabi nang maalala na may PT kaming ipapasa today.
"Performance Task? assignment?" Takang tanong ni Ezra.
"Performance Task lang nagawa ko din." Si seren.
"Pakopya nga." Barumbadong saad ni Geysha.
Inis ko silang tinignan. Ano bang klaseng mga honor students to mga utak kangkong.
"Hala! What should we do?" Tanong ni Ezra habang nagf-foundation. Seryoso? Mawawalan na nga kami ng grade kase ngayon na ang submission.
"Hoy, pumasok na daw parating na si ma'am. Nagchat sa gc." Napalingon ako sa nagsalita. Ang nakasilip na president ng section namin ang nagsabi.
Isa isang ko silang inis tinignan. May registration pa ng club mamaya. Paano namin yon gagawin? Assignment nalang naman ang kulang ko.
Pumasok na kaming lima sa room at umupo sa mga sarili naming upuan. Kinuha ko ang Notebook ko kung san may assignment at chineck ang gc namin kung ano yung assignment.
Sa likod nako uupo para magawa ko ng maayos to. Bago pa makarating ang Teacher namin ay nasa likod nako at kinukutinting ang cellphone ko.
Nang matapos ang klase ay tapos narin ang assignment ko. Ngisi ngisi akong lumapit sa mga kaibigan kong halatang problemado.
"Makakapag register nako mga sis." Proud kong sabi.
YOU ARE READING
In The Midst Of Blues
Fiksi Remaja"Sabi ko hindi ko kailangan ng lalaki para mabuhay ngunit ngayon heto ako at handa atang isugal pati ang kidney ko." - Syera Avery Alcatraz Isa s'yang babae na walang pangarap sa buhay kumbaga sumasabay lang s'ya sa agos ng buhay. Not until she met...