"Kamusta pakiramdam mo?" Unang tanong na sumalubong sakin sa pagmulat ko.
I looked at the nurse who was assessing me. Sinabi ko rin dito ang nararamdaman ko. Masakit na bukol. Masakit na balikat na siguro ay natamaan ng mga libro.
Putangina naman kase eh bakit ba nandon yung lalaking yun? Pakiramdam ko tuloy ay may bumagsak na buong encyclopedia saakin. Hawak hawak ang aking balikat nang dumating ang mga kaibigan ko.
"Syeraaaaaa! How is your pakiramdam na?" Maarte ngunit may bahid ng pag aalala na tanong ni Ezra.
"Di nya yan ikakamatay, masamang damo yan eh." Saad ni Geysha at nagtawanan naman ang mga alipin ni Satanas. Tama ba naman iyon? Naaksidente na yung kaibigan tapos tatawanan?
May mga dala pa silang supot ng mga prutas. Kasalukuyang nasa school clinic ako at nakahiga. Pinanood ko si Seren na binabalatan ang dala dala nilang apple habang si Ezra at Geysha naman ay sinusundot ang puwit ni Seren na kinadahilan upang kumunot ang noo ngunit di nalang nagsalita.
"Why are you so bagal ba?" Inis na tanong ni Ezra kay Seren.
"Maghintay ka kasi!" Mahinahon ngunit ramdam nang naiinis ito.
"Nakausap mo naba yung nakahulog sayo ng mga libro?" Napabaling ako kay Clovis ng tanungin n'ya ako.
I remembered his face pero ng matapos at halos mabali ata ang mga buto ko sa katawan sa saktong pagmulat ko ay wala na ito doon. Kung nasan nakatayo ang lalaki ay bigla nalang din ito nawala. My friends reported the incident. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nakita ko na ito.
"Hindi pa, kita mo namang kakagising ko lang." Sagot ko sa tanong nya. Agad din naman ako nitong inirapan.
"Nagtatanong lang!" Inirapan pa ako ulit nito bago pumunta kina Ezra at kumuha ng kapiraso ng mansanas.
I thought they will give it to me but looking at them right now they freaking enjoying eating the apples in front of me!
"Hey! I thought that's mine?" Kunot noo kong tanong sakanila. Hindi ba dapat pasyente ang kumakain ng prutas instead of them?
"Ha? Bakit sa'yo?" Geysha asked.
"Ikaw ba bumili?" Si Clovis.
"You guys are so mean but they are right, Syera. We bought this so we can kain while we are here and Nag-ambagan kami dito!" Maarteng wika ni Ezra habang nanguya.
"And you! You didn't ambag!" Dagdag pa ni Geysha inartehan pa talaga ang boses tulad kay Ezra. Aba umirap pa talaga!
Ay ganon? Sorry naman ha. Ang assuming ko sa part na yon. Inis ko silang tinignan isa isa ng masama. Mga demonyitang to.
"Aghhh! Nurse! Kinurot ni Ezra bukol ko! Tulong!" Sigaw ko na para bang nasasaktan talaga.
Agad napatayo si Ezra sa sinabi ko at tinignan ako ng masama."Wtf is wrong with her?!" Habang sina Seren ay nagtawanan lang.
Pumasok ang isang nurse at agad na tinanong ako kung anong nangyari.
"Biruan lang po iyon." Wika ni Seren habang nagtatawanan lang ang mga gungong sa likod nito."Yan po! Yung kumakain mansanas na may tinidor." Sumbong ko sa nurse. Kunwari ay mangiyak ngiyak pako habang si Ezra ay dina alam ang gagawin.
"Kung mang-gugulo lang kayo ay lumabas nalang kayo." Saad ng nurse habang nakatingin sa mga kaibigan ko.
"Hindi na po mauulit." Magalang na pagpapaumanhin ni Seren. Saktong paglabas ng nurse ay doon nagsitawanan ang mga demonyo.
"HAHAH nakita nyo muka ni Ezra. Mukang natatae na ewan eh." Tawang tawa na sabi ni Geysha habang hawak-hawak pa nito ang tyan.
YOU ARE READING
In The Midst Of Blues
Fiksi Remaja"Sabi ko hindi ko kailangan ng lalaki para mabuhay ngunit ngayon heto ako at handa atang isugal pati ang kidney ko." - Syera Avery Alcatraz Isa s'yang babae na walang pangarap sa buhay kumbaga sumasabay lang s'ya sa agos ng buhay. Not until she met...