Chapter-07
insulted
I closed my arms over my chest as I watched him locate the food he took here. I thought he was damn kidding around when he told me that he would take my dinner here. My system is still flabbergasted that he's here and doing things I couldn't imagine.
"Puwede naman kasing sa baba na lang kumain, Ry. I don't want to eat alone," Sumimangot ako at umayos ng upo sa kama.
"You're with me," he said, calm but firm.
Umikot ang mata ko sa pagka-inis. Kinuha ko ang tinidor at tinusok ang carrots na nakita ko sa putahe, mabilis ko iyong nginuya bago muling nagsalita. "You should go back there, you know." Nagkibit balikat ako. "It's your chance to look for someone that might catch your attention. Malay mo, nandito talaga ang true love mo."
Muli akong tumusok ng pagkain sa plato at tiningala siya. Nakatayo kasi siya sa paanan ng kama, masuri akong pinapanood na pilit kaya pilit ko iyong iniiwasan habang ako at nakaupo sa malambot na kama.
Nagsalubong ang dalawang makakapal na kilay niya at tumalin ang tingin sa akin. "Nasa baba si Mama." He said, reminding me with our set up right now.
Napalabi ako. "Puwede namang tumakas, ha? Dapat may meeting place kayo, gano'n." I instructed as if I'm a teacher, teaching my student some important stuff.
"Ayoko." He said with finality and power in his voice.
I shook my head and then drunk the glass of orange juice. "Hindi ba at ikaw din ang may sabi na gusto mong makahanap ng babaeng ipaglalaban mo. Come on, Ry! This is your chance-."
Umigting ang kaniyang panga dahilan para matigilan ako at mapatitig sa kaniya. "Don't dictate me on what I have to do, Kaminari."
I looked away from his stern and intimidating eyes and let out a deep sigh. "Tinutulungan lang naman kita. Ayokong isipin mong nakatali ka sa akin, Ry. Baka isumbat mo na naman sa akin." Marahan kong paliwanag.
Tuluyan ko nang binitawan ang kubyertos na hawak. Nawalan ako bigla ng gana.
"You're not helping me, Kaminari. I'm here with you, why the fuck are you pushing me?"
Napangiwi ako at umirap sa hangin. "Pushing agad? Alam mo, kung ayaw mong gumala at maghanap ng magugustuhan mo, itabi mo, ako na." Hinawi ko ang humarang na buhok sa mukha ko at tinaasan siya ng kilay. "Unahan na kita, ha? May crush na ako, e" Pang-aasar ko pa dahilan para tuluyang sumama ang timpla ng mukha niya.
Tuluyan na nga akong bumaba sa kama, suot ko na ang tsinelas ko nang marinig ang boses niya. "Isa, kapag tinuloy mo 'yan, isusumbong kita kay Mama, Kaminari." Madiin at puno ng awtoridad niyang banta.
Anak ng?
Natigilan ako at hindi makapaniwalang hinarap siya. Humagalpak ako nang tawa, sinapo ko ang bibig ko upang pigilan ang tawa dahil sa sama ng tingin niya sa akin pero hindi ko pa rin napigilan.
"Isusumbong? Really, Beaux? Para ka namang bata niyan." Namewang ako sa harapan niya, hindi pa rin mawala sa akin ang munting tawa.
"But seriously speaking, Beaux. We should go back downstairs, baka kung ano pang isipin nila..." Marahan kong sambit.
Umiwas ako nang tingin nang makita ang pagguhit ng naka-aasar na ngisi sa kaniyang labi. "Ano bang iniisip mong gagawin natin dito, Kaminari?" Tanong niya, malalim at masarap sa tainga ang kaniyang boses.
Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa aking mukha. Nakagat ko ang labi ko at marahang umiling. "W-Wala naman..."
"Mhm?"