Chapter-14
begged
I knew from the very beginning that I shouldn't be too attached to them but I have this soft spot when it comes to Tita Au. At first, I admit. I do hate her, I loathed her to death but while my father was away after my mother passed away, she's the second person who made me feel the love I am looking for again.
I was so lost but tita Au was there to pull me up, to help me stand. I love my mother so much. Palagi ko siyang naalala at binabagabag ako ng konsensya ko dahil tang ina, akong anak niya ay hindi siya mabigyan ng hustisya.
Hindi dahil hindi ko kaya kundi dahil ayoko.
"Pa, ipaubaya na lang natin sa b-batas ang hustisya," nanginginig ang boses ko nang subukan kong hawakan ang kamay ni papa.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang inilanas niyang baril. "Pa!" Tili ko at niyakap siya upang hindi na siya makagalaw pa. "Tama na, please..." ngunit tila hindi niya narinig ang pagmamakaawa ko sa kaniya. Marahas niya akong itinulak at ipinutok ang baril na hawak niya sa taas na naging sanhi nag pagkakagulo ng lahat.
I covered my ears and cried my heart out. Hindi ko magawang kumalma kahit pa rinig ko ag pagdating mga pulis na palihim kong tinawagan bago pumunta rito. Masakit ang bawat pintig ng puso ko, nanghihina akong napaupo sa gilid at niyakap ang tuhod. Wala akong pakialam kung may makakita man sa akin o wala. Hindi ko na pinanood pa ang pagdakip ng mga pulis sa aking ama. Nawala ang mga taong nakiusisa at sinundan ang nakaposas kong ama, kasunod no'n ay si Tita Au na tulala.
"You..." Napatayo ako sa kinauupuan ko nang may marahas na kamay ang humila sa akin patayo. I gasped as I stared at his face. Bakas ang galit at pagkamuhi sa kaniyang mukha habang nakatingin sa akin. Gone the gentle Ryan I know and the person I am facing right now is the cruel, heartless and harsh Ryan I've met a years ago. "You fooled us! Why, Kaminari?! How... fuck." Padabog niya akong binitawan at marahas na ginulo ang kaniyang buhok.
"I.. We trusted you. What do you want?! You want us all dead?!" Napahikbi ako at umiling. Walang magsalita upang ipagtanggol ang sarili dahil paniguradong hindi naman siya makikinig sa kung anuman ang sabihin ko.
Hindi nila ako maiintindihan or maybe they refused to understand me. Nagagalit sila dahil nagawa ko silang lokohin pero mas galit ako dahil sa hustisya na hindi nila ibinigay sa pagkamatay ng ina ko.
Marahas niyang hinuli ang makabilang braso ko at niyugyog ako. Gayunpaman, ramdam kong iniiwasan niyang masaktan ako ng pisikal kaya mabilis niya akong binitawan ulit. "What do you want, then? Tell me, Kaminari! Kung gusto mo kaming patayin, bakit hindi mo ginawa habang tulog kaming lahat?!"
Napayuko ako. Mariin kong kinagat ang labi at muling umiling. "I-I can't..." nanghihina at halos hindi ko mabuo ang nais kong sabihin.
"What do you want, huh?" Marahas at madiin niyang sambit at muling hinuli ang isang braso ko. "Pera ba? Ang kumpanya?"
His words... every words feels like a dagger. Nanuot sa akin ang bawat salitang binitawan niya. Pakiramdam ko, bumalik kami ulit sa nakaraan kung saan mukhang pera ang tingin niya sa akin and I didn't know this hurts more.
"Mahirap bang sabihin?" Muli niyang tanong nang hindi ako sumagot. "Gotdamn it! You could've just said and I was all damn willing to give you everything, Kaminar-."
"I-It's not about money!" Inubos ko ang katiting na lakas ko at umatras palayo sa kaniya. "It's all about the family. The family that your family ruined! Imagine a kid living all by herself without her-."
"And so you chose to take a reveng-"
"Yes! Yes, I did! Hindi ko kayang makita kayong masaya habang ang musmos na kagaya ko ay nagluluksa sa pagkawala ng magulang ko! T-Tinaggal ng pamilya mo ang karapatan sa akin na maging masaya at maramdaman ang buong pamilya!" Halos mawalan ako nang lakas habang nagsasalita. "K-Kinuha ko lang ang hustisya matagal nang hinihiling ng ama ko."
Nagtama ang mga mata namin, parehong galit at nasasaktan. Kagat-kagat ang labi ko at pilit hinahabol ang paghinga.
"I don't... fucking want to see you. Ever again." Mabagal, banayad at mariin ang bawat salitang binibitawan nila."Now!" Tumaas ang boses niya at itinuro ang direksiyon palabas.
Tumango ako at iniwas ang tingin sa kaniya para sabihin na naiintindihan ko. Dahil kahit ako, hindi ko na kakayanin pang harapin siya at ang pamilya niya. Sinubukan kong huminga ng malalim ngunit lalo lang bumibigat ang nararamdaman ko. Tears pooled my eyes as I took a steps, one by one, away from them. Away from the hurricane I've made.
Right. Ever again...
Hindi ko alam kung paano ngunit namalayan ko na lang ang sarili ko na tahimik na humihikbi habang tinatahak ang madilim na daan palabas sa probinsiya ng Frasia De Vonte. The only thing I have right now is my phone and my purse that contains my cards and small amount of cash. Natigilan lamang ako nang maramdaman ang munting patak ng tubig sa aking balat. Napamura ako. Uulan pa yata.
Mas lalo akong naiyak. Sumasabay palagi ang panahon sa nararamdaman ko. Hindi kalaunan ay lumakas ang ulan dahilan para mabasa ako ng tuluyan but I was too weak even give a damn. I closed my eyes tughtly as I let the rain embraced my body.
Natigil lang ako sa paglalakad nang isang sasakyan ang tumigil sa tapat ko. Ibinaba nito ang bintana at agad kong inaninag kung sino ito. "Kaminari, si kuya Lucious ito. Let's go home," napakagat ako sa labi ko nang makumpirma na siya nga.
Lumabas siya ng kaniyang sasakyan and he used a huge umbrella to cover me from the strong rain at kahit na basang-basa na ako ay wala siyang pakialam. Inabutan niya ako ng towel na hindi ko alam kung saan niya hinugot at marahan akong nginitian.
"Hush now, you'll be fine. Away from your father, mhm." Pagod akong tumitig sa harap habang mahigpit na yakap ang towel na inabot niya sa akin kanina. "We will help you, Kaminar. We promised that to Tita... to your mother."
Pinunasan ko ang basang katawan ko at hindi nagsalita. "May bagyo yata, e." Muli niyang basag sa katahimikan. "Sa bahay ka na muna manatili pansamanatala."
I closed my eyes silently hoped and begged for the hurricane to stop.
-
love, keevia