15

30 2 0
                                    

Chapter-15

Rainbow

Napatitig ako sa labas ng bintana, tahimik kong pinanood ang malakas na pagpatak ng ulan kasabay ng malakas na hangin. Sumasayaw ang mga dahon at madilim ang paligid. Pinunasan ko ang luhang kumawala sa aking mata.

"Kaminari, hija..." Nilingon ko ang nag-iisang kapatid ng ina ko. "Hindi totoong tinalikuran namin kayo," maingat niyang panimula.

Lumunok ako at nanatiling nakatitig sa kaniya, hindi ko magawang magsalita. "At hindi rin totoong pinatay ng pamilyang iyon ang ina mo."

Natigilan ako. Even my heartbeat stopped as I digest the words she just said. "W-What?" Namuo ang mainit na likido sa aking mata. "You're lying! Hindi totoo 'yan!" Tumayo ako galit na tinignan siya ngunit inilingan lamang niya ako.

"Totoo iyon, Kaminari..." Kitang-kita ko ang pagkinang ng kaniyang mata sa nagbabadyang luha. "She... sacrificed herself in order to s-stop your father f-from.." Huminga siya ng malalim, tila hirap na hirap sabihin at buoin ang nais niyang sabihin. "Para tigilan ang ama mo sa kahayupan niya."

Umawang ang labi ko at nanghihinang naupo sa sofa. "No... that's not true," umiling-iling ako.

"Kaminari," ramdam ko ang mainit na kamay niyang sumakop sa kamay ko. "That's the truth, please. Ang katotohanan ay ang a-ama mo ang pumatay sa padre de pamilya nila..." Napatakip ako sa aking labi at sunod-sunod na luha at hikbi ang kumawala sa akin.

Tang ina.

Hindi kayang i-proseso ng utak ko ang katotohanan. Really, Kaminari? Revenge? Para kanino? Patawa ka.

"P-Paano na lang kung..." Napahagulgol ako. Muntik ko nang gawin ang bagay na hinihiling ng ama ko para lang makuha ang hustisya na hinihiling ko. Pinaniwala niya ako sa bagay na siya naman ang may kagagawan. Wala na rin akong pinagkaiba sa kaniya.

"Matagal nang hinahanap ng batas ang iyong ama." Pilit kong pinipigilan ang sarili kong umiyak ngunit tila nagpapaligsahan ang mga luha ko sa paglabas. "At matagal ka na rin naming hinahanap, hija. Bago pumanaw ang iyong ina, mahigpit ka niyang ibinilin sa amin ngunit hindi ka na namin nakita pa pagkatapos ng insidenteng iyon... naglaho ka rin na palang bula."

"W-Wala rin akong pinagkaiba sa ama ko..." Kumawala ang hikbi sa aking labi at paulit-ulit na umiling. "Kagaya niya rin ako... ang sama ko. Ang sama ko..." Hinila ko ang buhok ko dahil sa frustration na nararamdaman ngunit isang mahigpit na yakap mula sa kapatid ni mama ang nakapagpatigil sa akin.

"Hindi. Hindi ka niya katulad, anak...dahil kung katulad mo siya, ginawa mo ang bagay na nais niyang gawin mo." Marahan at banayad niyang bulong sa akin. "Hindi mo kasalanan na iyon ang ipinamulat niya sa'yo."

Inside that four corners of the room, I cried my heart out. Hinayaan niya akong umiyaka habang hinahaplos ang buhok ko.

Hindi ko kaya. I thought of their disappointed and disgusted faces while staring at me, thinking why they let the daughter of a criminal inside their house kill me.

Nakatulugan ko na ang pag-iyak. Nagising na lamang ako dahil sa lamig ng panahon. Maulan pa rin. Bumungad sa akin si Tita, ang kapatid ng ina ko, na may hawak na food tray. Kapapasok lamang niya sa kuwarto. Marahan niya akong nginitian.

"Kumain ka na. May mga damit sa cabinet, iyon na muna ang gamitin mo." Tumango ako. Ramdam siguro niyang kailangan kong mapag-isa kaya iniwan muna niya ako kalaunan.

Sinubukan kong kumain ngunit wala akong gana kaya naligo na lamang ako para kahit papa'no ay mahimasmasan ako.

"Gusto ko pong magpakalayo-layo..." Halos pabulong kong sambit nang bumaba ako at maabutan ko si Tita.

Napalingon siya sa akin. Matagal niya akong tinitigan at pagkalaan ay marahang tumango. "Whatever you want, Hija. May iniwang ari-arian ang ina mo sa probinsiya ng Solara. Puwede ka roon kung gusto mo..."

I licked my lower lips and sighed heavily. "Gusto ko po..."

Tipid siyang ngumiti at nilingon ang bonfire. "Katulad mo, mahilig din siyang magluto kaya may ipinatayo rin siyang restaurant na kasalukuyang pinapamahalaan ng kaibigan niya. Ang sabi niya, you may have it if you want. Marami na iyong branch." Aniya.

Wala akong planong kunin iyon. I want to build my own. Besides, paniguradong naghirap ang kaibigan niya sa restaurant na iyon. Sapat na sa akin ang inilagaan niya ang alaala na iniwan ng aking ina.

Umupo ako sa sofa at tahimik na nakinig sa kaniya. "Hindi niya binigyan ni katiting ang iyong ama dahil alam niyang kapag binigay niya sa ama mo ang lahat, wala kang makukuha." Dugtong pa niya. "Hindi ko rin alam kung anong nangyari sa ama mo, Hija. Ang alam ko lang, nalulong siya sa mga masasamang bisyo at kabilang na roon ang ipinagbabawal na gamot."

"P-Paano pong nangyari na..." I cleared my troath as I continued with my question. "Pinatay ng ama ko ang..." Alam kong naintindihan niya ang nais kong sabihin kaya marahan siyang tumango.

"Dahil sa maling akala. Akala ng ama mo ay may relasyon sila ng asawa ni Madame Aursella dahil nakita niya silang nag-uusap. Ang hindi niya alam ay Attorney ng pamilya namin iyon. Ipinaalam kasi ng iyong ina ang pag-iiba niya ng Attorney. Hindi nag-iisip ang ama mo, kung talagang may relasyon ang ina mo sa Attorney ng pamilya namin, bakit sa mismong bahay sila nagkita? Kung saan saksi ang pamilya ng Diovanez sa plano ng iyong ina? Sa pag-aakalang may relasyon silang dalawa, binunot ng ama mo ang baril na lagi niyang dala. Pulis siya nang mga panahon na iyan." Pagpaliliwanag niya, tinitigan niya ang mukha ko bago nagpatuloy. "Sa kagustuhan ng ina mo ang ama mo na idamay ang pamilya ng Attorney ng pamilya namin ay nagawa niyang saluhin ang bala na para sana sa mga anak ng Attorney na naging sanhi ng pagkamatay niya."

Napayuko ako. Nakagat ko ang labi ko at pinigilan ang sariling muling humagulgol. I blamed others for my mother's death when in fact it was my own father who did it. Malala pa, nagawa ko pang maghiganti.

Anong magagawa ko? Iyon ang ipinamulat sa akin ng ama ko. Plinano niya pati ang pagkaka-krus ng landas namin ni Tita Aursella, ang pag-ampon at ang lahat. Itinuro niya sa akin ang planong ubusin sila ngunit hindi ko kaya. Alam kong hindi ko kaya simula pa lang.

Nanatili pa ako ng dalawang araw sa bahay nila Tita dahil pinatila ko pa ang bagyo. Si Kuya Lucious, na anak ni Tita Yanna, ang naghatid sa akin hanggang sa Solara dahil hndi ko naman alam kung paano pumunta roon. Matiyaga niya akong sinamahan. Pagkarating namin sa Solara ay sinalubong agad kami ng isang babae.

Nang makita niya ako ay sabik niya akong niyakap at naluha pa. "Kamukhang-kamukha mo si Lily..." Aniya at hinaplos ang mukha ko.

Kung hindi ako nagkakamali, siya ang kaibigan ni mama.

Hindi naman nagtagal si Kuya Lucious sa Solara dahil may aasikasuhin pa siya ngunit ipinangako niyang bibisita sila sa akin. Sa isang ari-arian ni mama ako nanirahan. Mabuti na lamang at may ipinatayo siyang maliit na bahay doon. Napadesisyunan kong magpatayo ng munting kainan sa kabilang ari-arian ni mama bilang bagong simula. Hindi ko na pinakialaman pa ang mga pinamahala niya sa iba ngunit ayon sa kanila, napupunta naman sa bangko ko ang pera na kinikita ng bawat branch ng restaurant.

"Kaminari, sama ka mamayang gabi?" Natigilan ako sa pag-aasikaso sa mga customer nang biglang sumulpot si Crixalis sa harapan ko. Malawak at tila nang-aasar ang ngiti nito. "Nandoon si Ethan..."

Sinsabi ko na nga ba. "Hindi ko alam, Crixalis." Pinanlakihan ko siya nang mata dahil sa pangungulit niya. "Tigil-tigilan mo ako."

Sinimangutan niya ako. "Birthday ko, huy! Grabe ka sa'kin!"

Napakamot na lamang ako sa buhok ko. "Oo na, Crixa. Lumayas ka na parang-awa mo na." Natawa lang siya, nasanay na sa pagsusuplada ko sa kaniya.

"Sus, 'di mo lang ako matiis, e. Lalayas na ako, ha?" Napangiwi ako nang mag-flying kiss ito sa akin.

Tatlong taon na rin ang lumipas simula nang piliin kong umalis sa lugar na iyon. Ang munting kainan na ipinatayo ko ay bahagyang lumago. I am contented with the life I have right now. I... am happy.

Isang malalim na buntong hininga ang binitawan ko nang matanaw ko ang bahaghari pagkatapos ng ilang minutong pag-ulan. This rainbow was no doubt... beautiful. 

Rainbow After the HurricaneWhere stories live. Discover now