Chapter-13
hard
Ang bilis lumipas ng araw, 'no? Tama nga sila, kapag masaya ka, hindi mo namamalayan ang paglipas ng oras. Halos tatlong buwan na rin ang nakakalipas at hindi ako natutuwa sa mabilis na paglipas ng oras. Na-pre-pressure ako.
"Kaminari, are you okay?" Napakurap ako nang mapagtantong kanina pa ako nakatitig sa kawalan. Tipid akong ngumiti kay tita Au na ngayon ay kahit papaano ay nakalalakad na ng maayos.
Napabuntong hininga ako at pinanood ang magkapatid na busy magsibak ng kahoy. Noong una nilang magsibak ng kahoy ay nagulat pa ako dahil hindi ko lubos akalain na alam nila ang mga gano'ng klase ng gawain. Palubog na rin naman na ang araw kaya hindi na masyadong masakit ang init na dala ng araw.
"Wala ka sa sarili nitong mga nakaraang araw, hija. What's wrong?" She asked all of a sudden. She sat beside me as she waited for me to respond to her question.
Napayuko ako sa kamay kong nakapatong sa hita ko. We're currently under the huge tree of narra. Pinakiramdaman ko ang marahang paghaplos ng malamig na hangin sa akin. "Tita, would you hate me if I'll do something that I don't really like?" Wala sa sarili kong tanong.
Ramdam kong natigilan siya sa aking naging tanong. Nilingon ko siya at nahuli ang gulat na titig niya sa akin. "What specific thing is that, honey?" Her voice is soft, as if comforting from the heavy thoughts I have right now.
I shut my mouth and smiled at her. "Random question lang po," I chuckled.
She smiled at me and shook her head. "Nakakaaliw ang mga mata mo kapag nakangiti ka, Kaminari." Aniya at inayos ang buhok ko. "How could I hate you? Parang anak na kita, e. I'll always choose to forgive you, Kaminari. No mather what."
Mariin akong napalunok sa kaniyang sagot. Hindi ko alam ngunit mahigpit ko siyang niyakap dahil doon. Pasimple kong pinunasan ang kumawalang luha sa aking mga mata.
Damn it. I can't just... do it. No, not them.
Bukas ay despedida party nila tita Au. Napaaga ang uwi nila dahil may emergency daw sa kanilang kompanya. Dapat ay next week pa ang uwi nila, e.
Nang umalis si tita Au sa aking tabi ay pumalit naman si Ry. I welcomed him with a sweet smile. I watched him scan my face with his deep brown eyes until his eyes stopped on my lips. Umiwas siya ng tingin at hindi na ako nagulat pa nang bumagsak ang ulo niya sa hita ko.
Naging pahinga na niya itong ganito. He likes it whenever I'm caressing his hair. Mabigat ang naging paghinga ko habang marahang hinahaplos ang malambot niyang buhok.
He stared at me with brows furrowed. I bet like tita Au, he noticed my mood lately. "Are you okay?" Tanong niya na sinagot ko nang marahang tango.
Mariin siyang tumitig sa akin, tila sinusubukang basahin ang nasa utak ko ngayon. "Tapos na ang red days mo. Are you still having your mood swings, baby?" He asked making me chuckle.
"Wala nga!" Natatawa kong sambit. "Ayoko pang umuwi," sambit ko na lang para hindi na siya magtanong pa.
He sighed. Hinuli niya ang kamay ko at marahan iyong hinalikan. "Ako rin. Don't worry, I asked my mom to move the date of our wedding. I would still want to court you, Kaminari. I don't wanna pressure you."
Yeah, right. This man is courting me. I told him not to since we're getting married but he kept on telling me that he wants to do this. He wants to earn me in this way daw. He doesn't give a damn if he has the chance or not because he believes that it's the real purpose of courting, to make the girl fall in love.
We stayed under the narra tree for a while at pagkalaan ay pumasok na rin kami sa loob. Saglit akong umakyat sa kuwarto namin para magpahinga. Sumasakit ang ulo ko. Hinayaan naman ako ni Ry.