"Let's go, EK!" Sigaw niya at tinaas niya pa ang kamay niya sa hangin.
"Kumapit ka," mariin kong sabi kaya bumalik ulit siya sa pagkakahawak sa bewang ko at tumawa.
Motor ang napagpasyahan kong gamitin papuntang EK. Kanina pa rin siya excited at patalon talon nang malamang nakamotor kami.
"Salamat, Blaze! Salamat sa stuff toy!" Sigaw niya para marinig ko. I smile. Buti nalang at hindi niya nakikita ang mukha ko kundi baka asarin niya lang ako.
Bago kami umalis ay binigay ko muna ang panda stuff toy na binili ko kahapon. Dito sana sa EK ako bibili but when I'm at the mall, may nakita akong Panda stuff toy. I remembered what she told me last time and the way she looked at this kaya binili ko na.
After a long thought last night of why I am doing this, napagtanto ko na baka ginagawa ko 'to kasi gusto ko lang matapos 'to. She told me that she will not bother me after I do the wishlist. Baka 'yun ang dahilan. Kasi wala naman pang ibang dahilan kung bakit ko 'to ginagawa.
"Omg! Naeexcite ako Blaze!" Mahina niyang sigaw bago kami pumasok.
Sabado ngayon kaya maraming tao but we don't mind. EK is really not my forte. Hindi naman ako bata at isip bata 'di katulad nitong kasama ko.
She grabbed me sa lahat ng mga rides na narito cause we decided to ride all of these. Nakakahilo na nga pero siya ang taas pa rin ng energy. Hindi ko masundan!
"Blaze, 'wag kang susuka! Ano ba naman 'yan, ang weak!" Patawa tawa niyang saad kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Hindi ako nasusuka, medyo nahihilo lang. Shit this rides! Ano bang nagugustuhan ng mga tao dito at marami pa ring sumasakay?
Mag gagabi na when we settled ourself in the bench. Nakangiti lang si Kate habang tinitingnan ang mga batang nasa harap namin na naglalaro.
"Are you tired?" I asked.
"Nope!" She said popping the p.
"Ferris wheel tayo tapos let's eat na after?" Saad niya at linahad ang kamay niya. Hindi ko 'yun tinanggap at tumayo lang but then she grab my arm at lumingkis dito.
"Arte arte mo naman, Blaze!" She laugh.
Wala na kong nagawa hanggang sa makasakay na kami sa ferris wheel na nakalingkis pa rin siya. Binitawan niya lang ito ng magsimula nang umandara.
"Wow!" Bulalas niya when she saw the lights of EK from here. "Grabe ang ganda!"
"Tingnan mo rin Blaze!" Panghihigit niya sakin. "Ang ganda!"
Tumingin lang rin ako sa baba to see the lights. Pero nahigit 'ron ang tingin ko sa babaeng nasa tabi ko ngayon. Her face lit up like the lights and the star. Nakaawang ang bibig niya dahil sa pagkamangha but it added to how she glow right now. Her eyes also shining. Her beauty is very innocent.
"Ang ganda diba," mahina niyang sambit.
"Maganda." I said while intently looking at her.
Napaiwas ako ng tumingin siya sa direksiyon ko. Hindi ko pinahalata na kanina pa ko tumititig sa kaniya. Bumibilis na rin ang tibok ng puso ko kaya hinawakan ko ito para kumalma. What am I doing is very dangerous.
After the ride ay dumeritso kami sa bench para kumain dahil hindi naman nakakalula ang ferris wheel at okay lang na kumain kami after. We just buy food from the stall here para dito nalang kumain. Tahimik lang kami kumakain. Siguro ay napagod na rin 'tong babaeng to kaya hindi na nagsasalita at sige lang ang pagkain.
BINABASA MO ANG
Kate
Cerita PendekAlways loved, never forgotten, forever missed. While looking at the gravestone in front of me, I suddenly thought if their family just put these words for a show. Do they miss their dead relatives or family? I wonder if they always thought of them...