CHAPTER 10

132 8 0
                                    

              **UNEDITED**

SOPHIA POV'S

"Nakuu! Pang ilang biktima na ba iyang babaeng tinapon na iyon sa ilog." Sabi ni Arnie habang nag lalakd kami pauwi sa bahay. Araw ng sabado at wala akong pasok. Pinili kong mamili ng stock sa kusina.

"Parang napapa dalas nga e." Hinawakan ko ang tiyan ko. Malimit ang pag patay sa mga ka edad kong babae nitong nakaraan. Puro mapuputi at bilugan ang biktima. Usap usapan na may bakas pa ng kagat sa balikat ang mga biktima kaya iisa lang daw ang gumagawa nito.

"Piyang..."

"J-Jerome." Tiningnan ko si Jerome. Medyo nangangayat ito. Mahigit 3 linggo na kaming di nag kikita. Simula ng mapa ayos ko ang bahay.

"Tulungan na kita." Kinuha niya ang mga dala ko

"Salamat. Din naman siya mabigat." Nag katitigan si Arnie at Jerome.

"Friend, may dadaanan lang akong inorder ko kay Aling Miling. Mauna na ko."

"S-sige." Tiningnan ko si Jerome. Ngumiti ito kay Arnie. Tumango lang si Arnie. "Nag away ba kayong dalawa?"

"H-hindi. And totoo niyan, nasigawan ko siya isang beses."

"Bakit naman?" Napa tigil ako sa pag lalakad.

"Tinanong ko kasi kung paano niyo nabili ang bahay? Maging ang pag papaayos nito. Ayaw niya kasing sabihin."

"Pero hindi mo siya dapat sinigiwan."

"Totoo ba ang usap usapan sayu Piyang?"

Umiwas ako ng tingin at muling nag lakad.

"Ah, yun ba?"

"Bakit di ka na sakin nagku kwento gaya ng dati? Mag kaibigan pa rin naman tayu di ba?"

"Oo naman Jerome. Kaya lang..."

"Kaya lang ano? Baka naman kasi may nakita kang mas higit sakin Sophia?"

"Teka Jerome hindi ko nagugustuhan yang sinasabi mo?"

"Totoo ba na sumasama ka kay Emma?"

Seryosong tanong nito. Kailan pa siya naging ganito sakin mag salita?"

"Hindi ganun Jerome. Hindi na kasi tayo halos nag kikita, kaya di ko nasasabi sayu."

"Sabihin mo sakin ano ba ko sayo?"

"J-jerome." Hinawakan niya ko sa kamay. Agad kong hinawi iyon. Hindi ko gusto ang ganito niyang ugali. Naalala ko ang Ethan ng gabing iyon.

"May problema ba Sophia?" Sabay kaming naka tingin sa pinang galingan ng baritonong boses.

Si Ethan iyon. Nasa labas siya ng bahay. May dala itong paper bag. At meron din sa terrace ng ilang malalaking grocery's. Naka kunot ang makakapal na kilay nito.

"E-Ethan." Lumapit ako sa kanya.
Naka sumbrelo siyang itim. Naka maong at polo. "Kanina ka pa ba? Pasensiya ka na, hindi ko alam na pupunta ka. Wala ka tuloy nadatnan sa bahay."

"Sino siya Sophia?" Kinabahan ako sa tanong ni Jerome. Ni minsan hindi ko pa naikwento si Ethan kay Jerome. Well, kailan ba kami nag kwentuhan?

"Uhm.. Jerome salamat sa pag hatid." Inabot niya sakin ang dalawang maliliit na plastic bag. Si Ethan ang kumuha noon kay Jerome. "Ahm.. Jerome si Ethan. Ethan si Jerome kaibigan ko."

His Hidden Wife (MRU #1)Where stories live. Discover now