CHAPTER 18

132 5 0
                                    

Sorry for the late update! Enjoy reading...

                  Justin POV's

"He was my Angel " naka ngiti at umiiyak na sabi nito habang naka upo at naka harap kay Kate at Aiko. "Hindi siya nabuo dahil lang sa pag kakamali. Bawat pag tibok ng puso niya ramdam ko." She sobbed.

Aiko at Kate gently hug her.

"I'm so sorry Sophia." Naluluhang sabi ni Aiko.

"We didn't know your story. And I'm so guilty kasi pinanood ka lang namin noon na mag struggle sa problems mo mag isa."

Siguro nga ay lasing na ito. We never see her vurnerable like this. Magulo ang naka bun na buhok nito. May ilang sutil din na buhok na nag kalat sa mukha nito.

"And Ethan.." sabi nito then uminom ng alak. "He choose to left us. From the very start wala siyang pakialam samin mag ina!" Yumugyog ang mga balikat nito. Inaalo naman ito ng dalawa.

Napa higpit ang hawak ko sa doorknob. Tiningan ko si Michael and whispered him na huwag muna pumasok.

"Bakit pa nga ba ko mag e-expect! He met me as a prostitute! Babaeng nag bebenta ng katawan! Babaeng walang ibang pag pipilian kung di ibenta ang katawan para mailigtas ang kapatid niya..." tuluyan itong napa hagulgol. "Isang beses ko lang binenta ang katawan ko...p-pero bakit pati pag katao ko hindi ko na rin makilala..."

Aiko and Kate look at each other with full of sadness and sympathy in they're eyes.

Kahit ako man ay naawa kay Sophia.

Sometimes we can never blame those girls who sell they're self to live. It is wrong yes, but sometimes hinihingi ng pag kakataon.

But is it the reason why she distance herself to everyone? Sapat na bang dahilan yun?

Maya maya ay bumagsak ito kay Aiko. Saka lamang ako pumasok.

"Is she okay?" Tanong ko. Aiko wiped her tears secretly.

"O-oo. Medyo tinamaan lang." Nakangiting sabi nito habang inaayos ang pag kakahiga ni Sophia.

"Ihatid na lang natin siya." Sabi naman ni Kate.

"Syempre naman. Pag pahingahin lang natin siya saglit." I answered.

Naupo kami sa mag kabilang upuan ni Michael. Inabutan nito si Aiko ng water. Habang si Kate naman ay inaayos ang ulo ni Sophia sa lap nito.

Matiim ko siyang pinag masdan. Pulang pula ang pisngi at ilong nito.

"I thought napaka strong niya outside. Pero deep inside pala, hirap na hirap siya." Sabi ni Aiko.

"Nakakapag taka lang, bakit siya naging ilag sa ibang tao?" Tanong naman ni Kate.

"She has her reasons. Maybe if we know her more. Malalaman din natin." Sagot naman ni Michael.

Nanatili lang akong naka masid sa kanya.

Noong nag aaral pa kami ay napaka ilag nito mapa lalaki or babae man.

Hindi talaga ito nakikipag kaibigan. One time nakita ko siya na may lumapit sa kanya and after that panay ang linga nito sa paligid na para bang may nag mamasid dito.

From that time I always watch her from afar. I don't know but she just catch my attention.

Siguro ay nawi weird-ohan lang ako sa kanya for being so introvert.

His Hidden Wife (MRU #1)Where stories live. Discover now