TEASER

572 14 4
                                    

Date started: 03/10/19

Another story to write. Actually wala agad akong balak i publish to. Naka save lang siya sa draft ko, natakot ako na baka mawala ang ideas sa isip ko so i decided to write. Hope u like this story.

"Marrying you wasn't my plan.. and Falling in love with you was beyond of my control. So please love me. I'll promise to love and cherish you the best way I know how."
-Ethan Borromeo

"Sino ba naman ako laban sa babaeng mahal mo? Hindi naman ako yung tao na...nag mamayari ng puso mo, Ethan! Asawa mo lang ako!.."
-Sophia Soledad


Sophia POV's

Yes, asawa lang ako sa papel. Sa legal na paraan. Pero hindi sa sarili naming mga buhay. Seven years had been passed... ni isa walang nabago sa buhay naming dalawa. Maliban sa hindi ko na kailangang mag trabaho para maka pag aral ang sarili at mapa kain ang pamilya ko. Tumira sa magandang bahay, at walang takot na baka guluhin na naman kami ng tatay ko na walang ginawa kung di mag inom at manakit.

Maliban doon wala na. Nabuhay akong parang dalagang babae. Pero ang totoo naka tali ako sa reyalidad. May mga taong naka bantay para hindi mag kamali, habang siya... tuloy pa rin ang buhay na para bang wala lang nangyari sa naka lipas na anim na taon. Ibat-ibang babae. Libutin ang buong mundo. Experience his bachelor's life..

while me...stuck with the reality. Edukadang tao... pero hindi maka alis sa kulungang papel na yun. I just want to be happy. At makita ang lalaking una kong minahal... na kahit kailan alam kong hindi ko na makikita.

Pano ba ko makakaalis sa ganitong klase ng buhay?

"Ms. Soledad?" Ms? Napa ngiti ako ng mapait. Anim na taon na kong Misis. May asawang hindi naman talaga nag e-exist.

"Yes?" Naka ngiting tanong ko.

"Pumasok na daw po kayo sabi ng Bise Presidente."

Ngumiti ako ng matamis sa secretary. At nag pasalamat. Tumayo ako mula sa kina uupuan ko at gi-nuide ako ng isa sa mga security na naroon. Napa higpit ang hawak ko sa strap ng bag ko. Ganito lagi ang puso ko sa tuwing papasok ako sa napa kalaking mansion . Dito ko siya huling nakita, ang lalaking nag dulot ng malaking gulo at nag pa bago sa buhay ko.

"Magandang umaga po Ms. Sophia." Bati sakin ng personal bodyguard ng Bise Presidente.

"Magandang umaga Steve." Bati ko sa kanya. Binuksan niya ang pinto at parang tumigil sa pag tibok ang puso ko gaya ng dati. Walang pag babago ang ayos ng kwarto.

"Good morning Sophia." Bati agad sakin ng President.

"G-Good morning din po Vice President." Tumayo siya mula sa kinauupuan at lumapit sakin. Niyakap niya ako at gumanti rin ng yakap sa kanya.

"Vice President?" Tanong niya habang naka ngiti sa akin.

"Sorry po, D-Daddy." Nahihiyang sabi ko. Yes Daddy ko siya... ang totoo Ama siya ng asawa ko. Nakaka loka di ba. Biyenan ko ang Vice President ng Pilipinas.

"Good. Almost 3 weeks din tayong hindi nag k hiita. Kamusta ka naman?" Inalalayan niya ako patungo sa sofang malapit doon.

"Ok naman po. Daddy maraming salamat po sa tulong niyo. Naka tapos na po si Vanessa. Si Rebecca na lang po, pero sa tingin ko.. kaya ko na po siyang pag aralin. Pag tutulungan namin ni Vanessa. "

His Hidden Wife (MRU #1)Where stories live. Discover now