CHAPTER 3

154 8 0
                                    

SORRY FOR SUPEEEEEEER LATE UPDATE. I HOPE YOU UNDERSTAND.

ENJOY READING..

...unedited....


** Sophia POV's **

A month later...

Nag hahanda ako ng hapunan ng pumasok si Tatay. Agad nag takbuhan ang mga kapatid ko sakin at yumakap. Ipinatong ko naman sa lamesa ang isang plato ng kanin na pag hahatian naming mag kakapatid.

"Piyang! Piyang nasan ka?!!" Sigaw ni Tatay habang papasok sa loob ng maliit at tagpi tagpi naming bahay.

"Bakit ho tay?" Niyakap ko ng mahigpit ang dalawa kong kapatid na nasa mag kabilang tagiliran ko.

"Andiyan lang pala kayong tatlo! " sumusuray itong lumapit samin. Lasing na naman. Ramdam ko ang takot ng mga kapatid ko.

"Naka inom na naman kayo.'?" Masuyong tanong ko.

"Wala kang paki alam!! Penge akong pera!!" Galit na sabi ni tatay.

"W-wala ho akong pera. Yung kinita ko ho..pinang bayad ko lang sa utang --"

"Alam kong mayroon!! Ibigay mo sakin!" Nagulat ako ng hampasin niya ang mesa. Nalaglag ang plato na may lamang kanin.

"W-wala..w-wala nga ho." Naka ramdam ako ng takot. Hinablot niya ang braso ko pero kinagat ni Esang ang kamay ni papa.

"Wag mong sasaktan ang ate ko!!" Pinag hahampas siya ni Becca.

"Abat!! Lumalaban na kayo huh" napa upo ang dalawa kong kapatid ng itulak iyon ni Tatay.

"Sumosobra na kayo Tay." Tinulak ko si Tatay pero mabilis siyang naka bawi at hinatak ang mahaba kong buhok.

"Walang hiya ka!!" Wala siyang tigil sa pag sabunot at sampal sakin. Nag iiyakan din ang dalawa kong kapatid. Mga walang utang na loob!"

"Tama na po!!" Paki usap ng mga kapatid ko. Halos mapa higa na ako sa sahig.

"Wag mong subukang maka laban laban sakin! Anak lang kita."

"Sana hindi na lang!!" Napaka lakas ng sampal ang binigay sakin ni Tatay. Pag katapos ay diretso siyang pumasok sa kwarto.

Tuluyan akong napa hagulgol sa nangyari. Niyakap ako ng dalawa kong kapatid habang si Becca ay hinawakan ang pisngi ko.

"Ate." Umiiyak na sabi niya ng makitang may dugo ako sa labi.

"Umalis na tayo dito te. Baka sa susunod patayin na tayo ni Tatay." Sa mahinang sabi ni Esang.

"Aalis tayo dito. Mag karoon lang ako ng pera. Iiwan na natin si Tatay." Sabi ko.

Nang maka bawi ako ng lakas ay pinulot ko ang kanin na nag kakat sa sahig.

"Pano pa natin yan makakain?" Tanong ni Becca.

"Ako ng bahala. Mag antay na lang kayo sa mesa." Dinala ko ang kanin at inilagay iyo malapit sa lababo. Tinanggal ko ang butil na may lupa para ang matira ay mapa kina bangan.

Di ko maiwasang mapa iyak habang nililinis ang kakainin namin. Hindi ako papayag na hanggang ganito na lang ang buhay namin. Marahas kong pinahid ang luha ko. Kinuha ko ang pritong manok na nabibili sa labasan. Pagpag ang tawag dito.

His Hidden Wife (MRU #1)Where stories live. Discover now