CHAPTER 18

4 0 0
                                    

Osmon Perkin

Hindi pa man tumitilaok ang manok ay ginising na si Nana kisyo daw may naghahanap sa akin. Mapupungay pa ang mga matang bumangon ako ng higaan at naglakad patungo sa teresa. Kinusot ko ang mga mata. "Osmon!"  Sigaw ni Irving at kumaway pa. 

"Hintayin niyo ako diyan!" Sigaw ko pabalik dito. Hindi na ako nag abalang magpalit ng damit at tumakbo pababang hagdan na tanging roba lang ang aking suot. 

Pagbukas ko ng pinto ay tinakpan ni Vedat ang mata ni Irving. "What's with your clothes?" Tanong ni Vedat.

This bastard.

"Ok, ok, Vedat let him be." Sabi ni Irving at inalis ang kamay sa mata nito. "Nandito tayo para pag-usapan ang tungkol sa gagawin natin mamayang gabi." Nagkibit balikat ito. "But first, wear some clothes." Anito.

Tinakpan ko ang sarili ng dalawang kamay, "Pasok muna kayo." Sabi ko at iginiya ito papasok sa loob ng bahay. Pinaupo ko ang mga ito sa kada single chair. Bumalik ako sa kuwarto para magpalit ng damit. Kinausap ko pa si Nana bago ako dumiretso ng sala. May nilabas na notebook si Irving mula sa dala nitong backpack.

"The resto bar owner is one of the school professor of Alterans University and he ask me about our band. He ask our help habang wala pa daw tayong napiling bar ay baka daw puwede tayo sa bar niya total malapit naman daw po iyun magsara. And he badly need money? Papayag ba kayo this is a big opportunity for us so lets grab it na."

"May bayad pa tayo diyan?" Tanong ko.

"Yes, after natin mag perform ay makakatanggap tayo ng payment pero iyung pera ay mapupunta sa charity." Sagot ni Irving. "Pero sa ngayon ay pupuntahan muna natin ang resto bar para masuri." Sabi ni Irving. Sa karatig baryo lang naman ang lokasyon ng resto bar kaya naisipan namin maglakad na lang. Pero bago kami sumalang sa paglalakad ay pinaglutuan muna kami ni Nana ng masarap na putahe para sa agahan namin.

Ngayon ay nasa harapan namin ang bar ngunit sarado pa ito kaya hinintay namin dumating ang may-ari niyon. Pamilyar sa akin ang nagmamay-ari ng bar kaya kalaunan ay agad ko din ito nakilala. Si Marcwill, ang kalaru ko noon sa palayan. Tinutulungan ko pa nga itong magtanim ng palay noon kasi pagbubuhat lang ng mga basket ay hindi nito magawa dahil napaka payat nito. At doon ko ito nakilala.

Gulat itong napatingin sa akin, "Osmon?" Usal nito. Ngumiti ako ng malapad at tumango.

"Yeah, it's me, Marcwill." Sabi ko.

Mahaba-haba pa ang aming pinaguusapan hanggang sa kuhanin naman ni Irving ang atensiyon nito nang mapansing ginulgol na namin ang oras sa pakikipagkuwentuhan sa dahilang nakalimutan na namin ang aming pakay.

Lumabas ng opisina ang dalawa pagkatapos ay pumasok ang mga ito na may malapad na ngiti na nakapaskil sa kanilang mga labi. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa at nagtawanan pa sila. Pagkatapos namin ma settle ang problema ay inanyayahan kami ni Marcwill na makipag inuman dito.

KTS#2: Battle In Sync (COMPLETED) [BxB]Where stories live. Discover now