Chapter 3
Glen: goiz 8am practice ha. walang malelate!!
Wenna: ang aga naman maglalaba pako.
Bren: 10 am na lang
Drix: Oo nga sobrang aga naman ng 8am , gising ko pa lang yan e.
6 am pa lang ng umaga at kakagising ko lang. Nagtatalo mga kaklase ko sa gc about sa time ng practice. May practice kami ng mass dance e.
Bumangon nako at demeretso sa kusina para maghilamos at mag prepare ng breakfast. Lagi ko inuuna yung kape para magising agad diwa ko at nasanay na din na kape agad ang almusal. Kape lang ng kape kahit acidic!
After ko magbreakfast ay hinanda ko na rin damit na isusuot ko para sa practice. Hays nakakatamad talaga , sana umattend si Nicky! Siguradong kukulitin na naman ako ni Vin mamaya e. Ang clingy nya sakin kapag may groupings kami tapos kagroup ko sya , nakakailang.
Nagkasundo silang lahat na 9:30 dapat nandon na para magsimula na agad ng 10 am. Naligo na agad ako kasi bihira ang dumadaan na jeep dito samin. Mahirap na pag nalate baka hindi nila ako isali. Pagkatapos ko magbihis ay nagpaalam ako kay lola na aalis na.
Natagalan ako makasakay ng jeep kaya late nako nakarating. Omg filipino time eya! Dapat nag prepare ako ng mas maaga pa e kainis. Nahihiya tuloy akong naglalakad papunta sa kanila.
"Im sorry late." paumanhin ko. Hindi ata aattend si Vin , wala sya dito eh. Buti naman jk
"okey lang beh , lagay mo na lang yang bag mo sa table at start na ulit tayo." buti na lang mabait si Glenda. bading kasi sya
May hinandang steps si Glen pero maraming nagrereklamo dahil masyadong mahirap. Sa section namin 7 lang kaming babae at mukhang hindi rin sila marunong sumayaw kaya ako na lang ang tumulong kay Glen na gumawa ng sayaw namin.
Nag uusap muna kami ni Glen about sa steps , kapag may napapagkasundoan kami ay tinuturo namin agad para hindi makalimutan. Im not good at dancing but I love dancing so I'm enjoying it kahit mahirap magturo.
"Everybody galaw!" sigaw ni Glen.
"Yoo, sorry late." si Ravione.
"Go pwesto ka na kahit saan , wala pa naman formation." sabi ni Glen.
Tumingin sakin si Ravione pero sandali lang yon. Nag isip na ulit ako ng pwedeng sunod na steps sa kanta.
"Hindi bagay yong step sa kanta."reklamo ni Ravione. Kunot ang noong tumingin ako sa kanya , maalam pa sya?
"Wag ka na magreklamo dyan Axe hirap hirap kaya gumawa ng steps." inis na sabi ni Glen. Natawa naman ako kay Glen dahil maarte nya pang inayos ang buhok nya habang nagsasalita. Pabebe talaga e
Halos lahat pala ng kaklase ko ay kilala si Ravione. Karamihan sa kanila ay naging kaklase nya na , naging kaklase nya rin ako nong grade 5 pero sa math subject lang.
"Tulongan ko kayo." sabi nya at pumunta sa gitna namin ni Glen.
Akala ko ay nagbibiro lang sya pero maayos nga yung steps na tinuro nya. May pagkahiphop at modern dance yung tinuturo nya kaya maganda na rin at bagay sa kanta. Pinapwesto nya na kami sa formation na ginawa nya. Katabi ko si Dion , boyfriend sya ng pinsan ko pero hindi nya alam na pinsan ako ng gf nya.
Pinapractice na namin yung sayaw at maganda naman yung kinalabasan ng tinuro ni Ravione. Kayang kaya ng lahat at nakakasabay sila , hanga na talaga ako sa kanya.
Natigil pagpapractice namin ng umulan , half court lang kasi tong pinagpapraktisan namin kaya kung hindi kami sisilong ay mababasa kami. Buti naman , wala kasi kaming balak pagpahingahin ni Glen at Ravione e.
BINABASA MO ANG
When Destiny Fails
Teen FictionAt the end of the day, you'll be with the person you're not expecting to be with you for a lifetime. AN: Please correct me if im wrong im just starting to be an author , don't forget to vote and comment for feedback thank you so much ❤️