BWESITTTTTTTTT
FIRST KISS KO YON!
THE FUCK
BAKIT NYAKO HINALIKAN!?
"Nababaliw nako." wala sa sariling sambit ko. Hindi pa din ako makatulog ngayon at tila mukha akong baliw dahil sigaw ako ng sigaw sa isip ko.
It's already 2:33 am at hindi pa rin ako dinadapoan ng antok.
Tinignan ko convo namin ni Ravione ngunit wala syang bagong chat. Hindi manlang ba sya magsosorry? He kiss me without my permission! Siraulong lalake yon , arghhh
Lumipas pa ang ilang oras and guess what? nakapikit lang ako at hindi tulog. Ano pang itutulog ko nito? naknampucha naman.
Argh maliligo akong walang tulogg. Sana okey lang ako maghapon nito.
•••
"Wag moko inisin wala akong tulog ngayon." sabi ko kay Ico na katabi ko ngayon. May group act ulit kami at magkagrupo kami ngayon kaya magkatabi kami.
"Kawawa ka naman pala."sabi nya at saglit na nanahimik. "Mike tutulog daw si Eya kasi wala syang tul—" hindi na nya natuloy ang sasabihin nya dahil agad kong tinakpan ang bibig nya sa gulat. Bungol din isang to eh
"Ah hehe hindi , nagbibiro lang si Ico." sabi ko kay mike leader namin na natigil sa pagdidiscuss about sa group activity namin. Saglit pa kaming nagbangayan ni Ico dahil sobrang kulit ng kumag na to.
Maya maya pa ay muntik ng bumagsak mukha ko sa lamesa dahil sa antok. Pumikit na lang ako ng mariin at pinitik pitik ang noo para magising. Kinagat ko na rin dila ko.
Wala nako maintindihan sa sinasabi ni Mike , wala na nga akong ambag hindi pako nakikinig sa kanya. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin o anong part gagawin ko.
Sinamaan ko ng tingin si Ico na natatawang nakatingin sakin. Maya maya lang ay umub-ob sya sa lamesa.Nagpatingin tingin ako sa kanya at kay Mike na walang pakialam. Kapal talaga nitong si Ico , hindi nahihiya kay Mike
Hindi ko na talaga kaya ang antok kaya gumaya nako kay Ico. Sorry Mike huhu
Nagising akong tapos na ang klase. Iba na din katabi ko sa right side pero sa left side nandito pa din si Ico na nakatingin sakin habang nakapatong ang mukha sa palad nya.
"Gising na si Disney Princess." nakangising sabi nya. hinintay nya bako magising? bakit hindi pa rin sya umaalis dito? Inintay nya siguro ako magising para inisin ulit. Alam na alam ko na tong lalakeng to
"Siraulo." tanging nasabi ko na lang at tumayo na para bumalik sa upuan ko.
Parang nagdadabog mga nerves ko sa katawan ng magtama tingin namin ni Ravione na seryoso lang nakatingin sakin.
Nag iwas agad ako ng tingin at umupo na dahil pakiramdam ko ay matutumba ako sa lambot ng tuhod ko. Omygod nag kakarera na naman sa pagtibok ang puso ko.
The fuck , naalala ko na naman kiss namin. Ano ba yan , kelan ba mawawala sa isip ko yon? Please umalis kana sa utak ko. Isang panaginip lang ang nangyare , oo tama panaginip lang yon!
Ngayon na nga pala yung presentation namin ng mass dance , wala naman akong damit na nadala dahil wala akong kulay pulang tshirt. Hindi na lang ako sasayaw , hihingi na lang ako ng activity kay mam.
"Isang pasada everyone!" sigaw ni Glen.
Nagtayoan ang iba kong kaklase at ang iba naman ay tinatamad na tumayo.
"Glen wala akong red tshirt eh hindi na lang ako sasayaw." paalam ko sa kanya.
"Sayang naman practice mo bih , kahit mag white tshirt ka na lang." sabi nya.
BINABASA MO ANG
When Destiny Fails
Teen FictionAt the end of the day, you'll be with the person you're not expecting to be with you for a lifetime. AN: Please correct me if im wrong im just starting to be an author , don't forget to vote and comment for feedback thank you so much ❤️